At that moment parang ayoko na hugasan kamay ko kasi nahawakan ko yung kamay niya na hindi niya inaalis. Ang saya ko grabeh!

Yung adobo naman luto na pero pinatikim ko pa rin sa kanya dun din sa spoon na gamit ko.

"Aaron patikim naman kung tama na oh?"

Tapos kinuha niya yung spoon tapos tinikman niya.

"Mmmmm, sarap" tapos nagsmile siya at thumbs up.

"Talaga?!" nagulat ako kasi nasarapan siya sa luto ko.

"Oo naman" tapos bumalik naman siya sa ginagawa niya.

Ako naman eh kinuha ko na yung minarinate ko na chicken at nagsimula ng magprito.

Sa kasamaang palad napaso ako.

"Aray!"

"Oh bakit?" tanong ni Aaron tsaka lumapit sa akin.

"Napaso ako eh" tapos hinihipan ko yung kamay ko.

"Di kasi nag-iingat eh halika nga" tapos hinawakan niya ako sa kamay tapos hinugasan yung part na napaso.

Waaaaaaaah! kinikilig na ako grabe! Siya na yung humawak ng kamay ko!

"Okay na ba?"

Hindi pa! hawakan mo lang Aaron please....

"Ah Oo okay na ako"

Tapos bumalik na siya sa paghihiwa niya.

Ako naman eh nag prito na ulit. Oo nga pala oorder pa kami ng roast chicken.

"Aaron pwede pa-order tayo ng roast chicken?"

"Ha? Sige ako na tatawag"

"Thanks!"

Ang sarap sa feeling. Para na talaga kaming mag-asawa sana laging ganito no? yung hindi na siya umuuwi ng lasing at wala ng girlfriend niya na mang-aaway sa akin sa school pero alam kong malabo mangyari yun at napaka-imposible na.

Tapos kong magprito eh sinunod ko na yung spaghetti. Si Aaron yung naghahalo kasi gusto niya daw kaya siya pinatrabaho ko binibigyan ko lang siya instruction. Nung maluto na yung spaghetti eh pinatikim niya sa akin.

"How is it?"

"Uhmmm, ang sarap!" sabi ko eh masarap naman talaga eh.

"Talaga?!" wow parang reaction ko lang kanina ah.

Pero nagulat ako nung niyakap niya ako.

O______O

SADISTA KA MASOKISTA AKO BAGAY TAYO (ON-GOING)Where stories live. Discover now