"Kailan ka ba kasi matatauhan?"

"Matauhan saan?"

"Na hindi ka niya mahal? Naku naman Lala hindi ka naman pinalaki ni Tita para maging masokista and swear hindi siya natutuwa na nagkakaganyan ka"

"Pat, alam mo naman na kahit matauhan pa ako eh sa kanya pa rin ang bagsak ko diba? Siya pa rin ang pakakasalan ko"

"Sa bagay may tama ka jan, pero ayaw mo pa rin ba tanggapin yung offer ko? Para naman kahit papaano mabawasan naman yung sakit jan sa puso mo"

"Pat ayoko, ayokong iwan dito si Aaron mag-isa alam mo naman yun"

"Yeah right, whatever oh sige na alis na ako may photoshoot kami ngayon eh bye Lala I miss you!"

"Bye pat! miss you too!"

Si Patrick kasi niyaya niya akong pumunta ng Japan para magmodel at yeah kumanta. Pero ayoko ayokong pumunta dun no! ayokong iwan si Aaron.

************************************************

Ang bilis ng panahon pasko na! At excited na nga ako eh.

Si Mommy pala at Daddy I mean parents ni Aaron eh sa ibang bansa magpapasko tapos ang daddy ko naman eh kasama nila dahil business trip din yun ibig sabihin kami lang dalawa ni Aaron ang magpapasko.

6pm na pala? Well, hinanda ko na yung mga ingredients sa kusina at mga gamit. Si Aaron tulog pa ata kaya ako na lang muna yung gumalaw.

Una kong niluto yung adobong baboy. Tininplahan ko tapos niluto na.

"Hmmmmm... ang bango ah?"

Humarap ako sa kanya tapos napangiti ako. For the first time pinuri niya yung luto ko.

"Ano ba pwede kong gawin?"

"Uhm, ikaw na lang maghiwa nitong hotdog tapos ako na lang sa onion and garlic"

"Sige!" si Aaron parang bata -______-

Ako naman sinimulan ko na maghiwa ng sibuyas at bawang. Tiningnan ko naman kung pano niya hiniwa at -_____- lalaki nga talaga.

"Aaron hindi ganyan"

"Ha? tama naman to ah?"

"Dapat pa slant ng kaunti tapos medyo nipisan mo lang sobrang kapal ng iyo"

"Pano ba kasi?" siya naman parang bata na may maling ginawa kaya napangiti ako.

"Ganito" tapos hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa kutsilyo. Tinuro ko lang sa kanya kung paano tapos natuto naman agad.

SADISTA KA MASOKISTA AKO BAGAY TAYO (ON-GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora