Chapter 36 - the Goodbyes

4.7K 133 7
                                    

"The story of life is quicker than the blink of an eye, the story of love is HELLO, GOODBYE."
- Jimi Hendrix

.

Thesa POV

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa mga sinabi ni Mark.

Sa wakas ay malaya na ako!

Iniligpit ko na agad ang lahat ng gamit ko at inilagay sa travelling bag.

Gusto ko munang tulungan si daddy sa Sunriser at aayusin ko muna ang aking sarili ko.

Alam kung napakatigas ko pero sobra talaga akong tinamaan sa mga sinabi ni Grecylle.

Nakakalungkot lang dahil kung kailan ay handa na ako'y saka naman nito ginulo ang utak ko.

Kunsabagay ay tama naman ito dahil sa hindi nga naman sa lahat ng bagay ay nakadepende kay Mark.

Dapat ay may ipinagmamalaki din naman ako at isang matagumpay.

.

Paglabas ko ng silid ay sinalubong na ako ng chauffeur.

"Ma'am Thesa, ako ho ang inatasan ni sir na maghatid sa inyo." sambit pa niyon at bahagyang napayuko.

"Nasaan ang sir mo? Gusto ko siyang makausap." mahinang tanong ko.

"Nakita ko ho siyang sumakay ng sasakyan at umalis. Hindi ko ho alam Ma'am Thesa." sagot niyon at kinuha na sa palad ko ang dala kong bag.

Ghad, talaga ngang hahayaan na niya akong umalis!

Malaya na nga ako pero bakit may nakakapa akong kirot sa aking dibdib. Gusto kong umiyak ngunit tila natutuyo na ang mga likido sa aking mga mata at wala na akong mailuluha pa.

Tahimik na akong sumusunod sa chauffeur. Napatingin pa ako sa paligid habang pababa na kami ng hagdanan ngunit nakakabinging katahimikan ang naghahari sa buong bahay.

Nasa business tour ang mag-asawang Lopez at si Grecylle kaya ano ang aasahan kung makita, diba!

Si Mark? Ghad!!!

.

.

.

Pagkatapos nang araw na iyon ay hindi ko na ulit nakita pa si Mark, ni tawag o text ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Napasandal na ako sa snivel chair at bahagyang napapikit habang hawak-hawak ang aking puson. Mag-twenty-two weeks na ang mga babies ko.

"Princess," narinig ko ang tawag ni daddy sa akin kaya napamulat ako ng mga mata at napatingin sa kanya.

Napangiti pa ako, "Start na po ba ng meeting ninyo dad?" ngiti pang tanong ko saka napatingin sa aking relo.

One o'clock pa lang pala dahil two o'clock pa ang meeting ni daddy sa board.

"Bagay kang maging CEO princess!" ngiting kumento niya habang papalapit sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya kaya napatayo na ako sa upuan ni daddy. "Praktis lang dad, malay mo diba! Pero huwag ka munang magretiro dad kasi hindi ko pa naman nakikita ang sarili ko na maging CEO."

Hinaplos pa niya ang buhok ko, "... desididung-desidido ka na ba talagang magtrabaho dito?" nag-aalalang tanong niya at napatingin na siya sa puson ko. "Lumalaki na sila!"

Hindi naman ako nakaimik sa sinabi ni daddy at napatingin narin ako sa puson ko.

Hindi na pala ako umiinom ng mga vitamins at nakakaligtaan ko narin ang magpacheck-up.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon