Chapter 31 - her Dad's sentiment

4.1K 161 11
                                    

"Only I can change my life. No one can do it for me."
- Carol Burnett

.

Mark POV

Ilang ulit na akong tinagayan ni Mr. Caesar Suarez sa aking kupita ng alak ngunit hindi ko parin nakukuha ang kanyang naging desisyon.

Plano nga 'ata niyang lasingin muna ako pero nagkakamali siya dahil mataas ang alcohol tolerance ko.

Napangiti pa ako habang sunud-sunod naring nakikipagsabayan sa kanya sa pag-inom.

"Sa kanilang tatlo si Thesa talaga ang may paninindigan. Kapag sinabi niya, hindi na iyon mababali pa." napasandal pa siya sa kanyang upuan at matamang tumingin sa akin.
"...kaya hindi ako makapaniwalang nabago mo ang pananaw niya sa pagpapakasal dahil iniisip ko na ngang magpakamatandang dalaga siya." patuloy pa niya habang iniinom ang alak sa kanyang kupita.

Napangiti naman ako nang maalala ang mga pinagsasabi sa akin ni Thesa noong nagtatangka pa nga lang akong manligaw. "...'yong magiging single for life ho bang sinasabi niya?" ngiting sambit ko.

Napatawa naman siya kaya naging kampante na ako. Dito nga 'ata nakuha ni Thesa ang pagiging cooled at ang hindi madaling pagtitiwala sa isang tao.

"Kaya ko siya ipinagkasundong ipakasal..." sambit pa niya.

"Pambayad utang ho!?" nagdadalawang sabi ko.

Napalingi-lingi pa siya. "Isang arranged marriage. Kahit may katigasan talaga ang ulo ni Thesa ay hangad ko lang ang magkaroon siya ng isang pamilya." seryosong sagot niya at napatingin pa siya sa kawalan.

"Wala sa kanilang tatlo ang nagpakita ng interest sa kompanya. Hindi puwede..." patuloy pa niya at napatingin na naman siya sa akin. "Alam kong maraming kapintasan si Jimmy pero napakagaling niya pagdating sa pamamalakad ng mga negosyo at may kapangyarihan siya pagdating sa pamumuno."

Napasang-ayon naman ako sa sinabi niya. Ever since talaga ay magaling si Jimmy kahit noong college days. Mapa-academic, sports at maging sa leadership ay awardee din ito.

Kaya gusto niyang ipakasal roon si Thesa.

"Ang Sunriser ang pinambayad ko utang sa mga Monteverdi." amin narin niya.

Napatango naman ako saka bahagyang napaayos sa pagkakaupo. Nilalaro ko sa aking palad ang kupita.

Hindi sinasadyang nasagi ng paningin ko ang isang canvass na nasa walling.

Napako na roon ang atensiyon ko.

Nakita kong nakapinta roon ang buong pamilya Suarez. Nababalot ng ngiti ang mga mukha nila.

Nasa gitna ang mag-asawang magkahawak pa ang kamay.

Sa kaliwa ni Mr. Caesar Suarez nakatayo si Jason, nakaputing suit at may hawak na microscope habang naka-gloves ang mga kamay.

Sa kanan ni Mr. Caesar nandoon ang kanyang maybahay na si Mrs. Trinidad, nasa kanan niyon si Thesa, na naka-hardhat habang may hawak na tube ng mga plano sa kaliwang kamay at ang kanan niya'y nakaakbay naman kay Dianne.

Si Dianne naman ay nakasuot ng laboratory gown at naka-transparent clear glasses habang nakahawak ang kamay sa hardhat ni Thesa.

"Hanggang ngayon ay masama parin ang loob sa akin ni Thesa dahil sa painting na ito." basag niya sa katahimikang naghari sa pagitan namin. "Inaakala niyang tuluyan ko na itong sinunog..."

Kunot-noong napabaling ako ng tingin sa kanya. May mga katanungang gumuhit sa akin.

Muli na naman siyang nagsalin ng alak sa kanyang kupita at sa akin. "4th year high school pa lang si Thesa nang ipininta niya ito. Inilagay pa niya dito ang mga propesyong gusto nilang magkakapatid. Si Jason maging isang Medtech. Siya naman ay maging isang Architect at si Dianne maging isang Chemical Engineer."

"Galit na galit ako nang makita ko ito. Gusto kong sunugin dahil wala man lang sa kanila ang gustong magpapangasiwa sa kompanya." may hinanakit na sambit pa niya saka ininom ang laman ng kanyang kupita.

"Dahil sa galit ko, natuto si Thesa na tustusan ang sarili niyang pag-aaral. Si Jason naman ay ipinagpatuloy parin niya ang pagkuha ng business administration. Tinapos lang talaga niya ang course ngunit wala pa rin... malayo parin ang puso niya sa kompanya." bahagyang ibinagsak pa niya ang hawak na kupita sa kanyang mesa.

Napabugtung-hininga pa siya. "Kaya nang nagcollege si Dianne ay hinayaan na lang namin siyang kumuha ng gusto niyang course. Wala na din namang magpapatuloy sa kanilang tatlo sa pamamalakad ng nito kaya nakipagsosyo na ako sa mga mining."

Hindi na ako umimik. Pinakikinggan ko na lamang ang mga sentimento niya.

Mahirap talagang pilitin ang mga anak na sumunod sa yapak ng mga magulang.

At lalong mahirap kalabanin ang tamang balanse ng kalikasan.

Anti-mining ako kaya hindi ako pabor sa kanya. Gayumpaman ay nakakaawa parin siya. Ilang bilyon narin ang nalugi niya dahil doon.

.

.

"Mahal mo ba talaga si Thesa?" basag niya sa muling katahimikang naghari sa pagitan namin.

Diriktahang napatingin ako sa kanya. "Mahal na mahal ko ho si Thesa, mas higit pa sa kayang sabihin ng mga labi ko." ngiting sagot ko.

Napatango naman siya saka ngumiti, "Mahalin at alagaan mo si Thesa para sa akin. Ito lang ang mahihiling ko sa'yo."

"Makakaasa ho kayo. Pero hayaan niyo hong tulungan ko kayo." nag-aalalang sambit ko.

Napalingi-lingi naman siya, "Kapag tinanggap ko ang inaalok mong tulong, iisipin ni Thesa na ipinagbibili ko narin siya." ma-awtoridad niyang sabi.

"Sigurado akong hindi ganyan ang iisipin niya..." pag-a-assurance ko ngunit napalingi naman siya.

"Kapag si Thesa mismo ang magsasabi ay tatanggapin ko ang inaalok mo." nagdadalawang sabi niya.

Napatango naman ako, "Okay po sir!"

Nagseryoso na naman ang mukha niya. "Almost eight years nang hindi pumupunta dito si Thesa dito sa kompanya."

Kasabay naman bukas ng pintuan at iniluwa niyon si Thesa. "Not now dad!" ngiting sambit nito.

--------------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon