Chapter 20 - Facing the Truth

4.6K 149 66
                                    

''You have to accept the storms and the rainy days and the things in life that you sometimes don't want to face.''
- Bai Ling

.

Thesa POV

Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay tita. Patuloy lang ako sa kakaiyak sa mga bisig niya.

Mas lalo 'atang nanginig ang mga kalamnan ko.

Wala palang kabuluhan ang mga kakaiyak ko. My goodness, nakakahiya talaga! Umiral na naman kasi ang kagagahan ko.

Selos na selos pa ako sa babaeng iyon, 'yon pala ay nakaraan na iyon ni Mark at hindi nila anak si Luke.

Parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib ngunit hindi ko parin mapigilan ang mga luha sa pagpatak.

.

"Tahan na hija," alo pa niya habang inaalo ang aking likuran. "Puntahan mo na si Mark!" maya-maya'y utos narin at iginiya na ako patayo.

Napatango narin ako, "Oo tita!" namumulang sambit ko saka kumawala na sa kanya.

Hinawakan pa niya ang baba ko, "Mahal na mahal ka talaga ni Mark, Thesa!" ngiti naring sambit pa niya.

"Salamat po tita!" nahihiyang sambit ko at pinunasan na ang mga luha.

"Kanina ka pa tita ng tita sa akin, puwede mo naman akong tawaging mommy." saka muli pa niya akong niyakap.

Napangiti naman ako sa kanya. "Hindi po ba nakakahiya? Hindi pa naman kami ikinasal ni Mark." namumulang tanong ko.

"Pasasaa't doon din naman 'yon papunta, right? Sige na hija, puntahan mo na si Mark." masaya pang sambit niya.

Natitigilan parin ako at napakagat-labi. Ano nga ba ang sasabihin ko kay Mark? Paano ko siya kakausapin? My goodness! Hindi ko mawari ang naramdaman ko.

Marahan na akong lumakad patungong kuwarto niya. Pagtampad ko roon ay ilang bugtung-hininga pa ang ginawa ko.

"Mark," mahinang tawag ko at paulit-ulit na kumatok sa pinto.

Wala namang sumasagot kaya pinihit ko ang lever. Nakalock iyon. Paulit-ulit na akong tumatawag ngunit wala ding nangyari.

.

Dumating na si tita, may dala-dalang master keys at saka palang nabuksan ang pintuan.

.

Pagbukas ay natampad na sa paningin ko si Mark na nasa tabi ng kama. Nakahandusay siya sa carpeted floor habang may hawak-hawak pang bote ng alak, na sunud-sunod na natatapon naman sa carpet.

Nangangamoy alak na ang buong paligid.

Awang-awa ako sa nakikita. Magulung-magulo pa ang buhok niya at hindi maipinta ang kanyang mukha.

May mga basag na mga bote na nasa malapit sa kanya at may mga bubog na nagkalat.

Maraming pang mga boteng may lamang alak na hindi nabubuksan.

"Kukuha lang ako ng trash bin." ang sabi pa ni tita.

Pinuntahan ko na si Mark. "'heart," mahinang tawag ko at hinawakan ko ang magkabilaang batok niya habang ibinangon siya saka inayos ang magulo niyang buhok.

Wala naman siyang lakas na napamulat ng mga mata. "Thesa!" mahinang sambit niya, na nanghihina saka muling napapikit at napasandal na siya sa akin.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon