Chapter 22 - Confirmed!?

5.3K 166 54
                                    

''I am in you and you in me, mutual in divine love.''

-William Blake

.

Thesa POV

Maganda ang gising ko ngayon habang kayakap parin si Mark, napatingin ako sa mukha niya saka napapangiti.

Hindi ako magsasawang siya ang unang makikita sa bawat umaga.

Hinaplos ko na ang buhok niya at bahagyang sinuklay iyon ng aking mga daliri.

Hindi ako makapaniwalang masyadong mabilis ang mga nangyari sa pagitan amin.

Sa isang iglap ay ibinigay ko na ang lahat sa kanya at hawak na niya ngayon ang malaking parte ng buhay ko.

Hindi ko na kakayanin pang malayo sa piling niya at handang-handa na akong bubuo ng pamilya kasama niya.

Siya na nga ang lalaking mahal ko at tanging mamahalin ko habambuhay.

Gosh, lalaking pa-fall kasi. Ngiting napayakap na ako sa kanya saka hinalikan ko siya sa pisngi. Mas lalo lang akong nai-inlove at nahuhulog sa kanya.

.

Naaalala ko na naman ang sinabi niya kahapon.

Oh my, buntis nga ba ako?

Natigilan na ako saka napahawak sa aking tiyan. Wala pa naman akong maramdaman ngunit ilang araw na pala akong delay.

Malaki nga ang posibilidad na mabuntis ako. Ni hindi kami gumagamit ng proteksiyon at walang kaming kontrol sa mga kapusukan pinagsasaluhan namin.

.

"Sweetheart," maya-maya'y narinig kong tawag ni Mark.

Napatingin naman ako sa kanyang mukha. Buong tamis siyang nakangiti sa akin. Gosh, pa-fall talaga! Mas lalo pa akong tinamaan.

"Siguro naman ngayon ay magkakalaman na iyan!" ngiting sambit pa niya at itinuon ang tingin sa aking tiyan.

Mamula naman ang mukha ko. Hinila ko ang kumot patakip sa aking kahubaran.

Napatawa naman siya. "Nahihiya ka pa ba sweetheart? Eh, ilang beses ko ng nakita ang lahat-lahat sa'yo!"

"Itinatago ko lang naman para mamiss mo kahit kunti." nakangiti ngunit namumula paring sambit ko.

Dinaganan na niya ako at kinulong ang aking mukha. "Mahal na mahal kita Thesa!"

Napatingin naman ako sa kanyang mga mata. "Salamat Mark!" ngiting sambit ko saka hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm looking forward sa buhay na kasama ka. Huwag ka sanang magsasawang mahalin ako."

Mamungaymungay pa ang mata niya. "Hindi na talaga ako makapaghintay na makasal tayo sweetheart! Ang hiniling ko lang sa'yo na kung anuman ang problema'y pag-usapan natin at wala tayong ilihim sa bawat isa." inilapit na niya ang sarili sa akin at ngiting niyakap na niya ako.

"Oo 'heart at saka hindi na kita tatakbuhan pa." hinigpitan ko narin ang pagkakayakap sa kanya.

"Paano naman kasi ako makakatakbo kung ganito kahigpit ang pagkakayakap mo sa akin?" ngiting kumento ko.

Napatawa naman siya. "Ikaw nga ang nakayakap sa akin ngayon eh!" bahagyang kumawala siya at muling tinitigan ang mga mata ko.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon