Chapter 26 - Thesa and her Mom

4.5K 145 105
                                    

''With love, you should go ahead and take the risk of getting hurt because love is an amazing feeling.''
-Britney Spears

.

Thesa POV

"Sweetheart ang tahimik mo 'ata ngayon?" puna sa akin ni Mark. Kasalukuyang nasa hapag kami at nag-uusap sina mommy at daddy sa mga magulang niya.

Ibinaba ko na ang hawak na kutsara. "Nag-aalala lang ako kay Dianne 'heart." malungkot na sabi ko.

Hinawakan pa niya ang palad ko, "Everything will be alright! Kilala natin si Jimmy handa naman iyong pakasalan ang kapatid mo!"

"...pero!" napalingi-lingi naman ako.

Kinuyom pa niya ang palad ko saka ngumiti. "Huwag ka ng mag-alala, nag-usap na kami ni Jimmy kanina!"

"Bati na kayo?" kunot-noong tanong ko ngunit napangiti naman siya.

"Hindi naman kami magkaaway."  ngiti pa niyang sambit saka ipinagpatuloy pa niya ang pagkain.

.

.

.

Hindi naman ako makapaniwalang naging magtagumpay ang pamamanhikan.

Infairness, hindi nagsusungit si daddy sa pakikipag-usap saka napapayag narin itong magpapakasal narin kami pagkatapos ng kasalan nina Jimmy at Dianne.

Pasayaw-sayaw pa ako habang papasok at pangiti-ngiti pa.

.

.

.

Nagpasya akong kukuha muna ng maiinom bago magpee nang nakita ko si Jimmy na nasa kusina.

Nakaramdam ako nang pagkailang ngunit napalapit naman ako roon, "Jim?" nahihiyang tanong ko.

Napatango naman siya, "Ikaw pala Thesa, kukuha lang ako ng maiinom."

Kumuha ako ng mangkok, "May sopas pa dito Jim, masarap ito habang mainit pa." ngiti paring sabi ko saka nagsimula na akong maghain.

.

"I've heard a lot from you!" kunot-noong sabi ko habang inilalapag narin ang sopas sa tray niyang nasa table.

"Lahat masama diba?" blangkong ekspresyong sagot niya.

Hindi ko na napigilang napatango, "Ano bang nangyayari Jim? Hindi naman ganyan ang pagkakilala ko sa'yo."

"Nagbabago ang lahat Thesa!" madiing sagot niya. "Ikaw nga, ang laki na ng pinagbago mo."

Kunot-noong napatingin na ako sa kanyang mga mata ngunit gaya ng dati ay wala na naman akong makitang ekspresyon doon. "Alam mo namang sa simula palang ay kaibigan lang ang turing ko sa'yo..."

"Alam ko... hindi naman ako naghahabol sa'yo!" monotone paring sagot niya.

Hindi mo talaga maintindihan ang ugali niya.

"Pero si Dianne! Mahal na mahal ko ang kapatid ko Jim. Sana naman ay huwag mo naman siyang pahirapan." nalulungkot na sabi ko.

"I think this is not the right time na pag-usapan ang sa amin ni Dianne Thesa." malamig parin niyang sabi at tuluyan na niyang kinuha ang tray.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon