Kabanata 17

21 2 1
                                    

Rain Arvin Erodias

Miru's POV

"Mukhang uulan ata. " Walang klase at naka tambay lang kami sa loob ng Room.

"Wala pa naman akong dalang payong.." Sagot ni Nio

"Edi maligo tayo sa ulan! " masayang sabi ni Eiji. Kahit kelan talaga napaka hyper nya..parang walang problema sa buhay eh.

"🎵Rain, Rain, don't go way..and come again another day, litle Eiji want to play. Yey! 🎵"

Siraulo!

"Manahimik ka Eiji. " Hanggang ngayon masungit parin si Marcus,pero hindi na katulad ng dati. Mayabang parin sya..Hindi man lang sya nag sorry dahil sa attitude na binibigay nya sakin. Napag isip isip ko lang, kelangan kong making ka-Close ang BWG dahil..ehem..Girl friend ako ng Leader nila. Mwuhahaha

"Eeh naman eeh! Anong gusto mong gawin ko? Matulog katulad ni Izzy? Makipag landian katulad ni Reo? O Mag emo katulad ni Rain na ang itsura parang binagyo. "

"Manahimik ka Eiji, kapag bumagyo ngayon dahil sa kaingayan mo tatamaan ka talaga sakin. " banta ni Ace.

Magkatabi kami ni Ace na nasa dulo ng Room at hawak hawak nya ang kamay ko. Peste! Kapag samin may naka kita uupakan ko talaga sya.

"Naku Naku..Isa lang ang dahilan kapag bumagyo."

Tinapunan nya ng Tingin si Rain na ngayon ay naka tingin rin sa labas ng bintana at pina panuod ang pagbuhos ng ulan. At ang buhok nya na parang binagyo sa sobrang gulo ay naka tabon sa iaa nyang mata.

"Umiyak ka nanaman noh? " pang asar na tanong ni Eiji kay Rain.

"Tigilan mo nga si Rain, Eiji..Kapag tayo di nakauwe, ipapakulam kita! "

"Nah Nah. Wag kang ganyang Allen. Takot ka lang sa tubig eh. Haha. Joke lang. "

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Ace kaya nasa likod na ng ulo ko ang ulo nya.

"Ihahatid kita.." Pabulong nyang sabi. Nanatili akong naka tingin sa mga kasama nya dahil baka mahalata nila kami na nag bubulungan. Ewan ko ba dito kay Ace, kung bakit ayaw nya ipaalam sa mga kasama ang tungkol samin.

"Makikita nila tayo.." Umalis sya sa likod ko at kinuha ang Cellphone nya.

From Ace Sungit😈

Edi, makita nila.

Ang gulo talaga ng utak nato!

To Ace Sungit😈

Eh, kung sabihin mo nalang kaya sa kanila ang tungkol satin para hindi na tayo nagtatago?

Mabilis syang nag type at kaagad na tumunog ang cell phone ko.

From Ace Sungit😈

Soon, Baby Ru.

Nabitawan ko ang Cellphone ko sa reply nya kaya natawa si Ace at napalingon naman ang walo samin. Tina asan ko lang sila ng kilay at lumabas ng room. Hindi ko na atang pigilan ang pamumula ng mukha ko.

------

"May dadaanan pa ako..Mauna na kayo. "

Hanggang ngayon ay malakas parin ang ulan. Kung kanina ay medyo malakas lang, ngayon naman ay parang galit ang kalikasan. Alas Sinko palang pero ang dilim na ng paligid.

"Sige Ace. Una na kami, basa na kung basa." -Nio

"Si Rain kasi eh.." Parang batang maktol ni Eiji.

Do You Remember?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang