Kabanata 4

28 5 0
                                    

Wag kang FC!

Miru's POV

Nakatitig parin ako hanggang ngayon kay Ace, at halatang naiinis na sya sa pagtitig ko.

"Ahem!"

Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at bumaba sa lamesa. Inayos ko ang uniform ko na kulay itim at ngumiti sa kanya.

Kumunot ang noo nya at diretso-diretsong umupo sa pinaka dulong bangko. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa maka upo sya.

*kriiiing*     *kriiiing*

May pumasok na babae, teacher siguro namin.

"I heard..May 2 na estudyante na napadpad sa section na to. Please stand and introduce your self. "

Nagtinginan ang mga estudyante sa akin na parang sinasabing 'tumayo ka at magpakilala'

Tumango si Warren sakin, kaya tumayo ako,pero hindi pumunta sa harap.

"Bakit naka tayo ka lang dyan? Hindi ka pupunta sa harapan?" Tanong ng matanda naming teacher.

"Ma'am ang sabi nyo lang ' stand and introduce your self' di nyo namang sinabing pumunta sa harapan. "

"Are talking back to me Ms. Newcomer? "

"Pssh.." Pumunta ako sa harapan. Baka ibagsak ako agad ng teacher nato eh!
Bago ako nagsalita tumingin muna ako kay Ace. Gusto kong makita ang reakayon nya kapag nakilala nya ako.

"I'm Miru Ceyden Celestre. "

Pero, wala akong nakuhang reaksyon sa mukha nya.

"So, Ms. Celestre bakit napunta ka sa School nato?"

Chismosa tong guro nato ah!

"Kick Out. Sinuntok ko yung kaklase ko..at suki ako ng Discipline Office."

Umiling iling lang yung teacher at pina upo ako. At speaking of 'Upo' nasa harapan ko sya.

Naka ngisi naman si Warren sakin na nasa dulo sa 3rd row.

"The other one?"

Tumingin kaming lahat kay Ace na ngayon ay parang papatay ng tao.

"Charles Ace Callado."

"Mr. Callado, bakit ka naman napunta sa La Devilla?"

"Is that part of your job?"

"What?" Inis na tanong ni ..teka?! Hindi ko pa kilala kung sino tong teacher nato!

"Parte ba ng trabaho mo Ma'am na tanungin kami? Ang alam ko, dapat walang pake alam ang mga guro sa mga estudyante. Ang dapat nyong gawin ay turuan kami at hindi tanungin ng tanungin dahil hindi naman kayo isang reporter...diba, Ma'am?"

Namumula na ngayon ang mukha nung guro namin dahil sa galit. Pero, tama naman si Ace.. Naka saad yun sa batas ng School.

"Tss. You may sit down Mr. Callado. By the way, I'm Mrs. Bercasio. "

"It's not so nice to meet you Ma'am"

Nagsimula ang klase na halos mabingi na ako sa sobrang katahimikan. Parang may kung anong aura ang bumabalot sa room nato!

Ampotek! Hindi ko makita yung ballpen ko, mukhang nawawala.
Uso parin pala ang pasulat sa School nato.

Kinalabit ko yung sa katabi kong naka upo. Tumingin sya sakin na may 'bakit?' ang ibig sabihin.

"May extra ballpen ka?"

Umiling sya at di na ako pinansin.

Aish' pasalamat ka at first day ko, kung hindi nabato na kita ng bangko ko.

Do You Remember?Where stories live. Discover now