Kabanata 12

27 3 3
                                    

Sa akin

Miru's POV

"Tita, sige na po please..payagan nyo na po si Miru. "

"Oo nga tita, ako bahalang mag bantay sa kanya. "

Kasalukuyan naming kinukumbinsi si Mama na payagan akong sumama sa lakad ng mga kaybigan ko.

"May tiwala ako sa inyo,pero kay sa anak ko wala. "

"Ma naman!"

"Haha. Si tita Jaica talaga hanggang ngayon, Joker parin. "

"Hindi nyo ako makukuha sa ganyan!"

Nagkatinginan kami ni Amy at mukhang may binabalak ang bruha.

"Tita, hindi nyo po alam kung gano namin namiss si Miru..balak namin syang pigilan umalis pero hindi namin kaya.. Masakit po sadamdamin na malayo sa isang kaybigan..sana po naiintindihan nyo ang mga nararamdaman namin..Naging parte na po si Miru ng barkada kaya kung ayaw nyo po syang payagan, aalis na lang po kami..Hindi naman po sa kinokonsensya ko kayo pero sana po makosensya kayo.."

Muntikan pa akong natawa sa huling sinabi nya. Baliw talaga!

"Hayy, Okay..basta uuwe kayo ng 9! "

"Ta, gawin mo na pong 12. " singit ni Jessa

"11. Final na! "

"11:30! " Singit ko

"Tss.  Before 11:30 dapat nasa bahay ka na!"

"Yes! Thank you Ma. "

"Ayos!" Nag apir kami ni Amy at kinindatan ako.

---------

"San ba tayo?". Tanong ko habang naka sakay sa Van nila Rico.

"Sa Star Light Bar, Ru! Bagong bukas yun. "

Star Light? Parang pamilyar ang lugar nayun? San ko na yun narinig..

Star Light..Star Light

"Balita ko rin maraming pumunta doon." -Alice

"So, naka ilang punta na kayo dun?"

"Ngayon palang. Exclusive at mahal kasi ang Bar nayun! " - Martin

"Ahh. "

"I'm gonna party tonight! Yooohh!!" -Amy

"Thanks God dahil Sabado bukas! Free Day!"- Jessa

"Andito na tayo.."

Sa labas palang ay natatanaw ko na ang mga taong papsok sa Bar. Mukhang sikat nga ang lugar nato.

Mukhang mag eenjoy ako ngayong gabi..

Nang makapasok kami ay agad pumunta si Amy, Alice at Jessa sa Dance Floor.

Saktong paghakbang ko ay may bumungo saking babae na may hawak na bote ng alak.

"Look were you going nga!" Inis nyang sabi.

"Tanga ka ba o tanga ka? Ikaw kaya ang bumunggo sakin! Alam mong entrance to tapos haharang ka? Stupid! "

"Anong sabi mo?"

"Tss. Tanga na bingi pa!"

Akmang susugod na sakin yung babae ng pigilan sya ni Rico.

"Pasensya na Miss. " sabi ni Rico

"Hmph! Pasalamat ka gwapo ka kaya palalampasin ko ang ginawa ng kaybigan mo!"

Mabilis syang nawala sa paningin ko dahil narin sa patay sinding ilaw.

Do You Remember?Where stories live. Discover now