Kabanata 6

22 5 0
                                    

Laban

Miru's POV

Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa atensyon na nakukuha ko ngayon. Halos usap usapan na ang pag-aaway namin ni Ace, at dahil doon ay nagkaroon ako ng mga Fans, at syempre mga Haters! Ano bang akala nila Artista kaming dalawa para magkaroon ng ganyang klaseng katangahan?!

Ang pinagtataka ko..Kung leader si Ace ng Gang, nasan angmga kasama nya? Bakit sya lang mag-isa? Iniwan kaya sya ng mga kasama nya? Kung iniwan naman sya..Bakit King parin ang tawag sakanya?

"Oh, nandito pala yung 'babaeng malakas ang loob na kalabanin ang king natin. "

Nasa harap ko ngayon ang isang grupo ng mga babae. Oww' Power Puff Girls ata ang tawag sa grupo nila dahil sa mga ayos nila.
Maganda sila kasi may make Up, at may ibubuga rin naman kahit papaano.

"Tsk'mukhang natakot na sya satin, Cindy. "

Tiningnan ko yung babaeng nagsalita na may kulay pink na ribbon sa ulo nya.

Ah' si Mickey Mouse pala tong isa nato.

"Tumabi kayo kung ayaw nyong mabalian ng buto. "

"Nakakatakot ka naman pala Celestre. Hahaha. "

Mga alipores siguro to ni Ace. Pssh' akla ko ba one on one ang laban?

"Isa. Kapag umabot ng tatlo ang bilang ko, babalian ko talaga kayo ng buto. "

Seryoso ako sa sinabi ko, marunong akong magtimpi kaya hanggat maari wag nilang sagarin ang pasensya ko.

"Nag iisa ka lang Celestre, kaya wala kang laban samin.."

"Oh? Talaga, gusto mo subukan natin?"

Lumapit ako sa kanila at sinipa ang leader nila na nasa harapan. Akmang susugod sakin sakin yung nasa kanan kaya agad kong hinila ang buhok nyang parang sadako at itinapon sa semento. Biglang may humila sa buhok ko kaya nabigla ako. Agad kong umikot at nasa harap ko na ang babeng daga na humila ng buhok ko. Sinuntok ko sya sa sikmura kaya nabitawan nya ang pag kakahawak sakin. Ngayon, isa nalang ang natitirang nakatayo. Susugod na sana ako ng may kumapit sa paa ko. Naka handusay yung leader at mahigpit ang pagkakahawak sa paa ko. Sinipa ko ang katawan nya kay nabitawan nya ang pag kakahawak sakin. Gusto ko pa sanang tapakan lahat ng mga kamay nila, kaso naalala ko na hindi naman pala sila angkalaban ko sa Gera.

"Alam nyo, hindi porque marami kayo, ay ibig sabihi matatalo nyo ako. Nagkamali kayo dahil sumali kayo sa gulong ito..nag kamali kayo dahil binangga nyo ako. "

Hinubad ko ang blazer ng uniform ko at isinampay sa balikat ko.

"At ikaw..". Turo ko aa babaeng kasama nilang nakatayo na hindi kumikilos.

" kung ako sayo..Hindi na ako sasama sa mga tao nato. Sayang' mukha ka pa namang mabait. "

Tinalikuran ko na sila at naglakad palayo a tingin ng mga Chismosang Estudyante.

Malapit na ako sa Room ng bigla ako napatid sa isang lubid at kasunod nun ang isang baldeng kulay puting pintura na tumilapon sakin.

Isang Trap!

"Oh? Celestre?"

"Hindi ko akalain na ganito pala maki paglaro ang Leader ng Kinakatakutang Gang." Patuya kong sabi bago tumayo.

"Ahuh? Greeting palang yan, Ru."

Ru? Ru? Sinabi nya bang Ru?

"Tinawag mo akong Ru? I bet, tapos ka na sa 'amnesia Acting' mo.."

Sa totoo lang, lagkit na lagkit na ako sa pinturang nakapligo sakin ngayon. It sucks!

"Bakit ba pinagpipilitan mong kilala kita?"

"Bestfriend tayo dati. Can't remember?"

Bestfriend mo mukha mo! Bwesit ka!

"Kaybigan? Ganyan ba ang ginagawa ng isang kaybigan?"

Napataas ang kilay nya. Natatawa ako at naiinis sa sinabi nya. Natatawa ako dahil hindi nya maalala at naiinis ako dahil hindi nya maaalala ang mga pinag-gagawa nya sakin dati. Konting push nalang ,maniniwala na talaga ako na hindi nya ako naalala. Matagal na panahon ang 7 years kaya maaaring hindi nya na ako maalala. Sino ba ako para maalala nya? Dapata nga matuwa ako dahil hindi nya ako naaalala para matahimik ang buhay ko, pero bwesit! Hindi ako natutuwa! At ang pinaka naiinis, nami-miss ko ang mga ginagawa nya sakin dati! Oo, siguro nga baliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ko. At inaamin ko rin, na kaya ko sya ginawan ng masama sa cafeteria ay dahil pakiramdam ko balewala ako sakanya, kinalimutan at walang halaga..
Ako mismo..gulong gulo na sa sarili ko.

"You better change now, You look..."

Bago pa sya matapos, mabilis akong tumalikod at iniwan sya.
Nahihilo ako sa sobrang kakaisip sa nangyayari sakin. Idagdag mo pa itong punyetang amoy ng  pintura nato. Mabuti pa magpahinga muna ako sa bahay.

"Yung blazer mo naiwan."

Tumigil ako sa paglakad at humarap sa kanya.

"Too bad, hindi ko yan madadala..see? Naliligo ako ng pintura? "

Mabilis akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa locker para kumuha ng P.E uniform.  

Ay sheeeeet! San ngayon ako maliligo? Sa Cr? Di pwede!
So, pano ako ngayon? Uuwe sa bahay na puro pinutura?

"Ayputanginahayop!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsalita ni Warren.

"Ceyden?!! Puta! Kala ko white lady! Haha! Anong trip mo at naligo ka ng pintura? "

Hawak nya parin ang dibdib nya. Bwesit! Akala nya ba sya lang ang nagulat? Langya! Papatayin ata ako nito sa sobrang gulat eh!
Pero teka? Aha! Alam ko na!

"Warren, diba..Captain Ball  ka ng Volley Ball? "

"Bakit? Sasali ka sa team? Di pwede! "

"Tanga! Makikigamit ako ng Washroom nyo! Di ako pwedeng maligo sa Cr! "

"Ah, yun lang ba? Sure, no prob!"

Halos isang oras ata akong nasa loob ng washroom ng mga Varsity player dahil sa sobrang hirap tanggalin ang pintura. Puta!

"Sa wakas, natapos karin! "

Nakita kong umikot ang mata ni Warren dahil sa sobrang inip. Konting konti nalang..mapapatunayan ko na ang hinala ko!
Kasalukuyan akong nasa kotse ni Warren ngayon. Nagpahatid ako sa kanya. Wala akong pera eh, namuti lahat ng pintura.

"Ano bang nangyari sayo? Wag mo sabihing naglublob ka sa bath tub ng pintura? "

Hindi ako sumagot, sa halip tinitigan ko lang sya. Hmm' Gwapo pero liko ang daan! Sayang ang mata, ganda pa naman!

"Hoy! Kinakauaap kita. Magsalita ka dyan!"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Bakla ka."

Hindi yun tanong, kundi isang pahayag. Bigla syang nagpreno kaya muntik pa akong nasubsob. Shit!

"Ceyden! "

Pinanlakihan nya ako nga mata na para bang nagsasabing 'anong pinagasasabi mo?'

Tumawa ako ng sobrang lakas bago ulit nagsalita.

"Warren, Bakla ka. "

************

Ano sa tingin nyo? Bakla ba si Warren?

C.r.a.i.e.l.y.n. J.o.y.c.e💞

Do You Remember?Where stories live. Discover now