Kabanta 8

31 5 0
                                    

Siyam sila

Miru's POV

Alam ko na. Ngayon alam ko na kung sino ang mga lalaking bigla bigla nalang sumuplot kahapon. Sila ang Black Wind Gang na sikat dahil kinakatakutan sila ng karamihan.

At ako, litong lito na ako sa nangyayari ngayon.

Una,  Kung Gang sila, bakit si Ace nandito mag-isa? Diba dapat, kung saan ang leader doon din sila?

Pangalawa, bakit ako kilala ng lalaki na nasa harap, samantalang hindi naman RAW ako makilala ng Leader nila?

Pangatlo, Bakit nandito si Ace? At bakit mukhang hindi sya masaya na nandito ang mga kasama nya?

Pangapat, Hindi ko alam kong nagsasabi ba ng too si Ace na hindi nya ako kilala!

Marami pa pala akong hindi alam tungkol kay Ace. Kung paano sya ngumiti, Malugkot at tumawa! Alam ko lang kasi sa kanya,masama ang ugali nya!

Posible ring nakalimutan nya na talaga ang mga pinaggagawa nya sakin dati. For 7 years, maaring mangyari yun. Malaki ang posibilidad na makalimutan nya ako. Dapat nga matuwa ako dahil hindi nya ako maalala, magiging tahimik ang buhay ko, pero Shit! Hindi ako natutuwa. Kaya ko sya ginulo dati sa Cafeteria ay dahil naiinis ako dahil kinalimutan nya ako!

Dapat susuko na ako sa kapipilit na kilala nya ako, pero ng dahil kahapon,mukhang mabubulilyaso ata ang plano ko!

Hayyy, Feeling ko pasan ko ngayon ang mundo!

"Miru.."

"Oh?! "

Nakatayo ngayon sa harapan ko ang isang lalaki..Tss. Di ko kilala.

"Ano..Pinapatawag ka ni Charles sa Cafeteria..please,pumunta ka..buhay ko ang nakasalalay dito.."

"Wala akong pake! Paki sabi sa kanya Anak syang asong puta! Now Go! Bago pa madilim ang paningin ko sayo! Wag ka ng babalik dito,kundi uupakan kita!"

Kita mo lang! Matapos nya akong iwan kahapon sa Gym, ngayon gusto nya akong kauspin?!

"Miru. "

"POTAINA!ANO!?"

Humarap ako sa lalaking tumawag saki. Sino tong poncho pilato nato?! Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Ah! Sya yung tumawag sa akin kahapon.

"Chill, haha! Ako nga pala si Eiji Nicart. "

Nilahad nya ang kamay nya. Asa naman sya na tatanggapin ko yung kamay nya!

"Tapos ka ng magpakilala? Pwede ka ng umalis?! "

Inirapan ko sya.

"Ang alam ko basagulera ka, hindi maldita. Haha"

"Tapos ka na tumawa? Alis na! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

"Sungit naman."

"Kung nandito ka para sunduin ako,pwes hin-di-ako-sa-sa-ma-sa-yo! "

"Ahuh?"

"Kahit anong gawin mo hindi ako sasama sayo! As if naman may magagawa ka? Kaya Shoo! Sabihin mo sa boss ny--"

Bigla ko nalang naramdaman na umangat ang mga paa ko sa semento at natagpuan nalang ang sarili kong buhat buhat ng lalaki nato!

"Ya! Put me down! "

"Ahuh? "

"Pota! Sabing ibaba mo ako eh!" Nagpupumiglas na ako sa pagkakabuhat nya. Darn! Ang dami ng naka tingin samin.

"Fine! Sasama na ako! Just, just put me down!"

"Ayaw! Magaan ka lang naman. Haha!"

"Fuck, Fuck! " Binubuhat nya ako ngayon na parang isang sako ng bigas! Pinaghahampas ko na ang likod pero parang wala namang epekto yun sakanya!

Do You Remember?Where stories live. Discover now