Simula

127 9 0
                                    

Unang Pagkikita

Miru'S POV

10 Years After

"Happy birthday to you, Happy birthday to you. Happy birthday happy birthday, Happy birthday Miru.."

"Happy 10th birthday Miru"

"Ihipan mo na yung candle at mag wish ka."

Ipinikit ko ang aking mga mata at tahimik na nag wish.

Papa God,ang wish ko po..sana..may Pamilya na kukuha sakin..Gusto ko pong maranasan ang mag karoon ng Papa at mama..Mabait naman po ako eh, kaya sana po tuparin nyo ang wish ko..

Inihipan ko ang kandila,kasabay noon ang palakpakan ng mga taong naka paligid sakin.

"Buksan mo na yung Gift na binigay sayo ni sister Lydia..Sigurado akong magugustuhan mo yan"

Dali dali kong kinuha ang malaking Box na naka lagay sa mesa at binuksan.

"Wow! Ang ganda po nito sister Mara, Thank you po.."

Abot hanggang tenga ang ngiti ko sa Laruang Castle  na regalo sakin ni sister.

"Ipangako mong iingatan mo yan ha.."

"Opo sister..Promise po!"

"Oh,halika na mga bata at kumain na tayo.."

Maingat kong inilapag ang regalo sakin ni sister sa lamesa at tumakbo sa kanila. Maramimg pagkain kaya tuwang tuwa lahat ng mga bata na kasama ko sa Bahay Ampunan.

"Miru, pwede ko bang hiramin yung laruan mo?"  Tanong ng isang batang kasama ko.

"Pwede naman..basta ba ako muna!"

"Haha. Sige ba!"

"Ako rin!"

"Aahh, alam ko na..Sabay sabay nalang kaya tayo mag laro?"

"Oo nga. Mas maganda nga yun."

"Sister Mara, Sister Lydia.."

Napansin kong papalapit samin si sister Ara kaya kinawayan ko sya.

"Happy birthday Miru.."

Hinalikan nya ako sa pisngi at lumapit kela sister

"Sister Mara..may bata pong dumating.."

Agad tumango si sister at tumingin sa likuran kaya napatingin narin ako..

Hawak hawak ni Sister Erica ang kamay ng batang lalaki. Tinititigan ko ang mukha nung bata ng bigla sya lumingon sa deriksyon ko..nakita kong kumunot ang noo nya at masama ang tingin sa akin.

Problema ng batang to? Ang sama maka tingin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah!

"Hello.." Lumapit si sister Lydia sa bata at lumuhod para mag kapantay sila..

"Anong pangalan mo?"

Hindi sya sumagot, sa halip niyuko nya ang ulo nya..

Do You Remember?Where stories live. Discover now