"Imbes na ipapatay mo, bakit hindi ikaw ang pumatay?" nanunuyang tanong ni Grey dahilan upang matigil ang matanda sa harap niya.

"You want me to kill that Queenie? By my own hands?" sarkastiko ito.

"Try."

Mapang-asar na tumawa si Alfonso na siyang lalong kinainis ni Grey.

"Fine," sambit nang tatawa-tawang si Alfonso.

"Try and I’ll knock you up you fucking shitface."

"I don't want that to happen... that's why I ask him to do it for me."

"Who?"

"It's still a secret, moron." saka tatawa-tawang bumalik ito sa kinauupuan at ikandong ang babae sa tabi sa kan'yang hita.

Nanatiling nakakuyom ang kamao ni Grey, tila nangga-galaiti na ito dahil sa pinagsasabi at pina-plano ng dati niyang kakampi. Nang makuntento sa katititig ng masama sa matanda na ngayo'y ngingisi-ngisi ay naglakad na ito palabas.

"Goodluck Grey," Nagbabantang pahabol ng matanda pero hindi niya na ito nilingon pa. Nagdire-diretso na ito hanggang sa makalabas ng gusali.

"Damn it," sinipa nito ang nadaanang lata na nakakalat sa kanyang daan. Namewang siya at napatingala sa maliwanag na kalangitan. Hindi niya alam ang nangyayari sa kan'ya, akala niya ay makakatulong ang ilang araw na pamamalagi niya sa bahay upang malaman ang nangyayari sa kan'ya ngunit imbes na malaman ay lalo siyang naguguluhan sa nararamdaman.

"Sir Grey?"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses, nakita niya ang dating kasamahan na nagtatakang nakatingin sa kan'ya.

"Ralph."

-_-_-_-

Queenie

"Ano, okay ka lang?" tnong ko kay Lindon na nagpupunas ng kanyang kamay.

Natutuwa ako dahil madali siyang napaki-samahan ng mga empleyado ko lalo na ni Gilbert na siyang gumagabay dito.

"Ayos lang, madali lang naman e." sagot niya.

"Haha! Ma'am mukhang madali siyang matuto, alam na nga niya ‘yung basic ng capuccino," sabat ni Gilbert habang naghuhugas ng baso.

Matipid na ngumiti si Lindon, "Madali lang naman talaga."

"Talaga? Mind if I want some?" nakangiting tanong ko na siyang kinalingon ni Gilbert.

"Sinong gagawa, Ma'am? Ako po o siya?" tanong nito pero agad ko siyang inilingan.

"I want Lindon to do it."

"Hindi pa 'ko magaling do’n, Queenie." nahihiyang sabi ni Lindon.

Natawa naman si Gilbert, "Ma'am Queenie! Hindi Queenie," pagtatama niya pa.

Tinawanan ko lang ito at bumaling kay Lindon, "Okay, send me the best kind of capuccino you'll make then I'll judge it," nakangiting ani ko na dahan-dahan n'yang kinatango.

Pumasyal ako sa shop, nagtitingin ako sa mga customer na masayang nagkakape nang may matanawan akong isang tao na nasa pinaka dulo na table. Mag-isa lang ito at naka-black sweater hood. Lumapit ako rito dahil pansin kong kanina pa siya patingin-tingin sa 'kin.

"Hi, Sir!" bati ko ngunit hindi niya 'ko nilingon.

"Are you enjoying our coffee, Sir?" muli kong tanong.

But again, he just ignored me.

Mahina akong natawa, "Silence means yes," akmang lalakad na 'ko pabalik ng magsalita siya.

"I'm not having a coffee, Ms. La fuente." malamig na tugon niya.

Naestatwa ako sa narinig, bigla ay lumakas ang tibok ng puso ko. Nakikilala ko ang boses na 'yun at hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unti ay humarap ako at gustong manlaki ng mata ko nang makitang blangko siyang nakatingin sa 'kin. Isang normal na tingin pero makakaramdam ka ng takot.

"D-Devin?"

He knows my place? I mean, he knows I'm here? How?

Noon ko lang napansin na tubig lang pala ang laman ng tasa niya, kanina pa kaya siya nandito? Ba't hindi ko siya nakilala agad?

"H-How did you know I’m here?" I don't know why my voice keep cracking. Para akong kinabahan. Knowing ang dami ko nang nakitang nagawa niya sa pagpatay.

Inayos niya ang hood niya at tumayo, "I just thought that this coffee shop is one of the best here in town, that's why I came to visit." aniya sa malamig na boses.

Magsasalita pa sana ako nang bigla ay nilayasan niya 'ko. Damn him! Ang hilig niyang umalis.

But seriously, I really am confusing. Bakit gano'n? Nasasagot ang ilang tanong ko pero nadadagdagan naman? Hindi kaya magkakilala si Devin at yung babaeng nanakit sa 'kin kahapon at tinuro niya kung nasaan ako? Pero kung gano'n, bakit? Siya ba 'yung nagmamasid sa 'kin? Totoo bang pinapanuod niya 'ko gaya ng sinabi ng babaeng 'yun? Oh, damn it... ang dami kong gusto malaman. Pero sino ang pagtatanungan ko rito? This is annoying.

-_-_-_-

"Yes, Mrs. De leon?" I massage my temple as I rest my back on my chair, "On saturday evening? Of course... Mrs. De leon. Okay, okay... my pleasure, Madam. I'll send the application via email this evening don't worry. Okay Ma'am, thank you." pagkababa ng telepono ay sabay pasok ni Cassidy na may dalang teacup cupcakes, pinangunutan ko ito ng noo.

"What's that?" tanong ko hindi dahil sa hindi ko alam, nilapag niya 'to sa mesa. It's a three strawberry rose teacup cupcakes.

"Hindi ko alam, pero may note."

Nakita kong may maliit na sticky note rito.

'Hope you'll like it.'

Nagtaas ako ng tingin kay Cassidy, nakakapagtaka, I'm not expecting someone to send me this. At isa pa, wala akong manliligaw.

"Looks like you have an admirer, Queenie." nakangiting sambit nito.

Biglang pumasok sa isip ko si Devin, I don't know why pero agad ko siyang naisip.

"Saan mo 'to nakuha?" takang tanong ko.

"Sa table 8. Ang sweet 'no? Tikman natin."

Hinayaan ko siyang kutsarahin ang isa, nakatingin lang ako sa harap. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba, parang pakiramdam ko nanggaling ito kay Devin. Hindi ko alam pero 'yun 'yong naiisip ko kahit na ayoko naman mag-assume.

"Uy... siguro may manliligaw ka 'no? Sino 'yan ha?" nang-aasar na sabi ni Cassidy, "You're smiling..."

Agad akong napatingin sa kan'ya, nanlaki ang mata ko at napahawak sa labi ko, "Me?"

Sunod-sunod n'ya akong tinanguhan.

So meaning I didn't know that I'm smiling at this moment? Oh dummy this is embarrasing.

Pero bakit ba ako nangingiti?! Wala namang nakakangiti ro'n. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang nagbigay nito, mamaya isa lang palang regular customer.

Hayy.

To be continued...

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now