I. Si Viera

183 6 0
                                    

"Cofidence is power..Power is personality..Personality is beauty...and Beauty is ME!"
                                         ~prettilay®~

I. Si Viera

Front cover na naman si Viera ng Cosmopolitan magazine. She looks confidently powerful in her aqua blue cocktail dress. Kitang kita ang cleavage ng malulusog niyang dibdib at ang hourglass figure niya ay nakakaakit tingnan. Kahit babae ay hahanga sa ganda ni Viera. Ilang beses na ba siyang naging cover ng mga glossy magazines? Hindi na niya mabilang simula noong nagdebut siya five years ago. Bilang isang socialite ay maraming offers na natatanggap si Viera na magmodel at mag-artista. Pero hindi niya kailangan ang mga ito upang sumikat, kasi sikat na s'ya. Paminsan minsan ay pumapayag s'yang maging cover ng magazines.

Kinuha ni Viera ang magazine mula sa side table ng kaniyang king size bed at pinagmasdan ang kaniyang kariktan. At twenty three ay mas lalo pang lumutang ang kaniyang ganda. Nasiyahan siya sa kaniyang larawan sa magazine. Tiyak mauubos agad ang mga kopya nito. Kaiinggitan na naman siya ng maraming kababaehan dahil sa angkin niyang ganda at yaman. Habang hahangaan at pagnanasaan naman siya ng maraming kalalakehan dahil sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Pero wala siyang pakialam. She lives to be praised and envied. And she takes pride in her beauty and wealth.

Tumayo siya at sinipat ang sarili sa life size mirror ng kaniyang closet. Walang kupas ang angkin niyang ganda kaya maraming lalaki ang nababaliw sa kaniya. And speaking of men, kailangan na mga pala niyang magbihis para sa date nila ni Ramir Sandoval ang guwapo at mayamang anak ng kumpare ng kaniyang ama. Kakauwi lang ni Ramir mula Europe kung saan ito nag-aral. Nagkakilala sila noong isang linggo sa welcome party ni Ramir kung saan naimbitahan ang kaniyang mga magulang at sumama naman s'ya. Siyempre lutang na lutang ang kaniyang ganda kaya nahuhumaling kaagad si Ramir sa kaniya. At dahil makisig, matangkad at pogi si Ramir ay hindi rin niya ito pinalampas. She dumped her date right then and there! Galit man ang lalaki ng iwan siya ni Viera ay wala rin itong nagawa at umalis na lang ng venue. Habang si Viera ay walang pakialam na nag-eenjoy sa pakikipagharutan kay Ramir.

Ramir is her new flavor of the month. She has to look her best tonight to lure him into her game. Kailangang mapaikot n'ya sa kaniyang mga palad ang poging binata. Tiyak na pag-uusapan na naman siya sa society. Gusto niya yun. Good or bad publicity is still publicity!

Hinalungkat n'ya ang walk-in closet at naghanap ng damit na isusuot para sa date nila ni Ramir. Ito ang unang pagkakataon na lalabas sila. Pagkatapos kasi ng welcome party ay naging abala si Ramir sa mga functions ng kaniyang pamilya. At ngayong gabi ay napagkasunduan nilang lumabas. Sisiguraduhin niyang pagkatapos ng gabing ito ay hindi na titingin pa si Ramir sa ibang babae. He will be under her spell.

Pinili niya ang isang dark magenta haltered dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Medyo maiksi lang ang damit na umabot hanggang mid-thigh niya. Lumantad ang kaniyang maputi at makinis na hita. Inayos niya ang lampas balikat na buhok. Ginamitan niya ng curling iron ang ibabang bahagi upang kumulot ng konti at maachieved niya ang desired look na gusto niya. Iginuhit niya ang kaniyang kilay at nilagyan ng dark eye shadow ang mga mata. Smokey eyes ang drama niya tonight na nagpalutang sa mabilog at nangungusap niyang mata. Sanay na sanay si Viera sa paglalagay ng make up. Kumuha kasi siya ng crash course on hair and make up nung nag-aral siya sa Paris ng fashion design. Pero dahil sa ubod ng yaman ang pamilya niya ay hindi niya pinursige ang fashion designing. Naging abala siya sa pamamahala ng kanilang chain of hotels all over the country.

Kinuha niya ang red pumps at sinuot sa kaniyang mga paa. Bagay na bagay ito sa damit na napili niyang suotin. Sinipat niyang muli ang sarili sa salamin at saka kinuha ang Chanel bag na pinaglagyan ng kaniyang cellphone, pabango, lipstick and credit cards. She's ready to go! Tamang tama nung pagbaba niya ay kakapasok lang ni Ramir. He looked so breathtaking sa suot nitong button up baby blue long sleeves na nilukot hanggang siko na tinernuhan nito ng navy blue slacks. Ang buhok ay ayos na ayos at siguradong nilagyan ng gel. Ang malamlam nitong mga mata ay nakatutok sa kaniya.

"Did you like what you see?" Panunudyo ni Viera. Tumikhim muna ito, lumunok ng laway at saka nagsalita.

"Very much! You look stunning Viera," ang may paghanga niyang sabi. Para namang inanod ng ulap si Viera sa kaniyang sinabi. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Shall we?" At kinuha nya ang kamay ni Viera at hinalikan ito bago niya iginiya papunta sa nakaparada niyang BMW. He opened the door for her at saka siya nagpunta sa driver's side.

"Where are you taking me tonight?" Pasimpleng tanong ng dalaga habang mariing tiningnan ang gwapong binata na nagmamaneho.

"It's a surprise. You'll find out when we get there." Hinila n'ya ang isa nitong kamay sabay kindat. Hmmm...this guy is intruiging. Napailing na lang si Viera pero kinilig naman sa tinuran ng lalaki.

After thirty minutes ay huminto sila sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Made of glass yung facade kaya kitang kita ang interior nito. Pero napansin niya wala masyadong customers sa loob. Ramir ushered her inside at dinala siya sa gitna ng restaurant kung saan naroon ang table for two. Tapos biglang nagdilim ang lahat, napatili tuloy siya dahil nagulat sa pagkawala ng ilaw. Tapos unti unting nagliwanag ang paligid hindi dahil sa bumalik na ang ilaw, kundi dahil sa mga kandilang nakasindi sa paligid. At ang mesang kinatatayuan nila ay may mga scented candles din. Hinila ni Ramir ang upuan at saka siya pinaupo. Namangha si Viera ng mapansin niya na silang dalawa lang ang naroon liban sa mga waiters.

"Ramir, bakit walang ibang customers dito?" Bulalas niya nung makabawi sa pagkamangha.

"I have this place reserved for just the two of us," ang malumanay niyang sagot sabay ngiti. This guy is unbelievable! Ngayon lang nakaranas si Viera ng ganitong klaseng date. Hindi na bago sa kaniya ang karangyaan pero itong ginawa ni Ramir ay nakakalaglag panga.

Dumating ang waiter at nagsimula na itong magserve. Nagustuhan niya ang mga pagkaing inorder ni Ramir. At ang pinakagusto niya sa lahat ay ang roast beef. Habang kumakain sila ay hinaharana sila ng isang violinist. After dessert ay inaya siya ni Ramir na sumayaw at sinabayan nila ang nakakalulang tugtog ng violin. Nakakalusaw ang mga titig ni Ramir sa kaniya. Damang dama niya ang pagnanasa nito sa bawat titig nito sa kaniyang mapupulang labi at bawat haplos nito sa kaniyang baywang. Ang sarap sa kaniyang pakiramdam na nag-uumapaw ang gusto ng poging lalaking ito sa kaniya. At siguradong after tonight ay siya lang ang babaeng hahanap hanapin nito.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Hello mahal,
Ito ang kaunaunahan kong story in Tagalog. Naisip ko lang subukan ang galing ko sa paggamit ng sariling wika. Matatas kaya ako! Hahaha! Kasi ika nga ang hindi marunong gumamit sa sariling wika ay AFAM!! Joke lang...😂😂😂 tawa naman kayo dyan. Pero kidding aside, nuon ko pa talaga gustong sumulat. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Naway pagtitiyagaan nyo ako hanggang sa huli. Supurtahan nyo naman ako please..😍😍

❤💙💚💛💜
PretTiLay 👸

Talang LigawWhere stories live. Discover now