TIGHT-LIPPED/ chap.5

Start from the beginning
                                    

“Ang laki-laki nitong bahay mo, Segismundo tapos wala kang maids?”

“Pinapupunta ko yung hardinero ni Papa at ilang maids tuwing Lunes para maglinis ng bahay. Hindi naman kasi araw-araw kailangang linisin itong bahay eh.”

“Okay,” pamewang ko. “Ayaw mo lang aminin na kuripot ka at ayaw mo magpasweldo.”

“Kung kuripot ako at ayaw magpasweldo, eh di sana hindi na kita PA ngayon.”

“Sabihin mo na kasi, ano ba talaga ang agenda mo? Bakit mo kami tinutulungan ni Mama?”

Tumawa lang si Segmun. “Stress lang yan. Magpahinga ka na lang muna. Baka gusto mo na masahehin pa kita?”

Tinalikuran ko na siya para makahiga na ako sa kama.

“Naku, Segmun! Lumabas ka na lang nga, pwede ba?”

“Sure.”

Biruin mo, boss ko nga pala yun, pinalayas ko.

Pagkasara ni Segmun ng pinto pumikit na ako. Haaaaaay. ;) Ang sarap-sarap. Matagal-tagal na rin kasi simula nung huli akong humiga sa malambot na kama.

[Segmun’s POV]

Pagkalabas ko ng silid ni Lavinia at nag-ring ang cell phone ko. Dinukot ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko at sinagot ang tawag.

“Hello?”

Ano, kamusta naman?

 

“Ayos lang naman po. Kasama ko na si Lavinia ngayon.”

Tandaan mo ang kasunduan natin, Segismundo. Kapag nakuha mo ulit ang loob niya…

 

“Alam ko,” putol ko agad sa mga sasabihin niya. “Hindi ba muna kayo magpapakita sa kanya? O sa Mama niya?”

Alam ko kung kailan ako magpapakita sa kanila. Basta ang kasunduan natin.

 

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko na lugi ako sa kasunduang ito, pero…

“Alam ko po. Kasama naman natin ang Papa nang gawin natin ang kasunduan ‘di ba? Pero tandaan ninyo, kapag hindi ko nakuha muli ang loob ni Lavinia—“

Alam ko.

 


“Sige, huwag niyo na muna akong tawagan. Kayo na lang ang maghintay sa tawag ko. Mahirap na, baka marinig tayo ni Lavinia.”

Take good care of her.

 

“I always will,” sagot ko tsaka ini-disconnect ang phone call.

--------------------------------

EXTRA TRIVIA:

SEGISMUNDO – nakuha ko po ang pangalang ito mula sa aking idolo na writer sa Bulgar newspaper, si Segismundo Del Mundo ;)) ewan ko kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko nang nag-iisip ako ng name ng karakter. Promise po, ang galing niyang mag-predict ng panaginip. Once na po na-publish yung email ko sa kanya and the predictions are true. :))

LIBRAL – Actually, dapat po, LIBERAL ang apelyido ni Segmun dito. But then, medyo napangitan ako kung Segismundo Liberal ang name kaya I removed one letter. Bakit ito ang naisip ko na apelyido? Liberal party- HAHA. Magulo talaga ang utak ko.

LAVINIA – ewan ko talaga. Wala na kasi ako maisip kundi Lavinia, kahit tunog-kontrabida yung name. :))

MONTEZ – Julia Montez. Gabriella Montez. Lavinia Montez. :))

TIGHT-LIPPED – nabasa ko lang siya sa column ng Cosmopolitan magazine at tumatak siya sa utak ko, kaya I decided na gusto kong gumawa ng story na ganito ang title. At heto na nga! Nauna yung title kasi kesa sa kwento.

BOOK COVER – © GUESS :))

STANDING ALONE (EXTENDED VERSION) – dahil sa kantang ito na paulit-ulit kong pinatutugtog, ang 2 chapter, nadagdagan ng tatlo :))

4:58 AM – that’s when I stopped typing na. XD HAHA puro trivia na lang ang tinayp.

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now