Chapter 2 : Infernum Academy

11 1 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng pagbalik ng diwa ko sa katawan ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isang queen sized bed ako sa gitna ng kwarto. May dalawang bedside table sa magkabilang gilid na may automated clock at lampshade. Sa isang gilid ay may study table na may computer set, may nakalapag din na laptop at mga notebook, libro at teka---- ano yun?

Agad akong tumayo at tumungo sa study table kung saan nakakita ako ng red envelope na may nakapatong na black book sa taas nito.

'Infernum Academy'

Basa ko sa nakasulat sa libro, binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang napalaking salita na RULES AND REGULATIONS.

Napataas ako ng kilay tsaka napaismid. Tss, uso pa ba ang rules and regulations sa isang paaralan na puro upper classes ang nabibilang at piling middle class at lower class? Hindi nila kailangan ng rules since alam ng lahat gaano sila ka Prim and Proper at masyadong pormal.

Pero kahit ganon ay binasa ko parin naman ang nasa handbook na 'to at malay mo baka may kainteres interes dito.

RULES AND REGULATIONS:

1. Every student shall be in their respective room between 10 p.m up to 3 a.m. if you wouldn't want to be caught by the killings and gang wars.

2. Every student shall wear their proper uniform and proper etiquette.

3. Never be late and be punctual at all times.

4. Be safe and survive

Kasabay ng pagbasa ko ng mga yun ay siyang pagtingin ko sa bedside table ko na may orasan. It says it still 12:39a.m so it means. . .

Agad akong nagtungo na sa palagay ko ay glass window dahil sa natatakpan ito ng kurtina. Naghawi ako ng kaunti at sumilip sa labas na siyang pinagsisihan ko, sana hindi ko na lang ginawang sumilip sa labas

Nanginginig akong napahakbang paatras habang tinitignan ang handbook na nakabuklat pa. Makapal ito pero hindi ko na alam kung ano pa ung ibang nakalagay dun dahil ang Main rules lang binasa ko.

Pero anong school to?!

Akala ko ba isa itong paaralan para sa mga Upper Classes. It supposed to be an etiquette leading school na mga mukhang model at parang may misa laging nagaganap dahil sa pagiging pormal at responsible na mga estudyante. This school shall scream PEACEFULNESS na siyang nakakaumay at napakaboring pero bakit ganun? Kabaliktaran lahat? Mas masahol pa to sa paaralan sa Middle Class na may mga Gangs dahil atlis doon ay sakitan at pasa lang ang nakikita kong nangyayari at nakukuha ng mga estudyante

Pero bakit dito? Bakit may patayan? At ano ung mga naglalaban na nakapula at itim na maskara. Anong pinaglalaban nila?

Naikuyom ko ang kamao ko tsaka ko inilibot ang paningin ko sa kabuuang kwarto ko. Anong klaseng lugar 'to?

Napailing na lang ako tsaka ako naglakad sa unang pinto na nakita ko. Pagbukas ko ay agad tumambad sakin ang bathroom na punong puno ng toiletries na parang isang prinsesa ang gagamit dahil sa dami ng bottles na alam kong mga liquid soaps, moisturizer, at pabango ng katawan at iba't ibang klase ng shampoo at conditioner. Syempre pati pads meron din.

Binuksan ko naman ang kasunod na pinto at tumambad sakin ang pahabang pasilyo na may nakasabit na mga damit sa magkabilang gilid.. sa left side ko ay nakahelera ang hindi mabilang na uniform. Sobrang dami na parang pagkatapos mong suotin ang isang uniform ay hindi mo na magagamit ulit ito. Sa baba nito ay nakahelera din ang iba't ibang klase ng black shoes mula flast, heels na pataas ng pataas, at boots. May mga drawers din sa baba na sa tingin ko ay personal na gamit na.

Sa right side naman ay iba't ibang klaseng damit, mula pantalon, shorts, dress, tshirts, blouse, palda hanggang mini at microskirts, may mga combat outfit din, cocktail dresses, silk gown hanggang longgown at ball gown. May mga nakahelera ding mga sapatos sa baba mula sa tsinelas, flats, doll shoes, sneakers, running shoes, combat shoes at mga lalagyan waist band na alam kong lalagyan ng baril, kunai, at daggers.

Seriously? Parang naglagay sila ng isang botique sa loob ng kwarto ko. This is enormous and too much! Na tinalo pa ung mga display sa mall sa upper class dahil dito.

Lumabas ako ng kwartong iyon tsaka ko binuksan ang ikatlong pinto na siyang nagpapako sa akin sa kinatatayuan ko, bago sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ko.

"Atlis may maganda din naman palang ibubuga ang eskwelahan na 'to." Sabi ko sabay pasok sa loob ng kwarto at inilibot ang tingin ko sa buong paligid.

Dahil sa kwartong ito nakahimlay ang mga nagpapakulo ng dugo ko. Pinatunog ko ang daliri ko sabay kuha ko sa isang samurai na nasa stand sabay wasiwas nito. Tsaka ako napangiti.

Iba't ibang klaseng espada, kunai, daggers, baril ang andito sa kwartong ito na parang sasabak ang sinuman sa gera dahil sa well equipped ang kwarto. Pero agad namang napakunot ang noo ko

"Walang gass, bomba or granada dito."

Tsaka ako napangiti, hmm ayaw nilang baka may magtangkang gumawa ng butas sa paaralan nila para tumakas. How clever they are? Pero anong tingin nila sa akin? Tanga? I'm Savenne Klein Diamond and I'm brilliant.

Aalis ako sa paaralan na 'to pero sa ngayon ay maglalaro muna ako.

Inilapag ko ang samurai sa lalagyan nito tsaka ako lumabas ng kwartong iyon at agad nakuha ng atensyon ko ang red envelope na nasa study table.

Oo nga pala, hindi ko pa alam anong laman nun.

Agad ko itong kinuha at binuksan tsaka ko nakita ang isang papel na may pangalan kong maganda

'Savenne Klein Diamond' 
Section : Crimson - V3

And the rest was schedules and numbers na may units at total and etc. Nagkibit balikat lang ako sabay memorya sa schedule ko.

Hmm... English ang first subject ko at 8:30 magsisimula yun.

Tumingin ako sa bedside table ng makitang 3:30a.m na may oras pa akong matulog. Pero habang naglalakad ako papuntang kama ay parang may nagtutulak sa akin na tumingin ulit sa labas.

"Wala naman sigurong masama kung sisilip ako."

Naghawi ako ng maliit na siwang at nagulat sa nakita ko. Hindi pa ako nakontento at hinawi ko na talaga ang kurtina at binuksan ang glass door sa gilid nitong glass window tsaka lumabas.

Katahimikan at malamig na hangin ang bumati sakin pero wala akong pakealam dun. Nakahawak lang ako sa railing habang nakatingin sa paligid.

Yung kaninang patayan, wala na. Wala na din ung mga nakahandusay na bangkay at mga naliligo sa dugo. Walang bakas na kahit ano. Parang walang nangyaring patayan kanina lang dahil sobrang linis ng paligid.

Nakaramdam ako ng panlalamig kaya napayakap ako sa sarili ko tsaka ko napansin ang isang tao na may suot na gintong maskara sa gitna ng field. Teka? Hindi ko siya napansin? Paanong- - - ?

Tsaka ko napansin kong saang direksyon siya nakatingin, at parang may dumaan na boltahe ng kuryente sa katawan ko na siyang nagtulak sakin na tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko at sara ng glass door. Pati kurtina binalik ko.

"Whoa? What was that?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa dibdib ko. Pakiramdam ko lalabas ito anumang oras dahil sa lakas ng kabog nito.  "And who is that?"

*************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Infernum AcademyWhere stories live. Discover now