Prologue

18 1 0
                                    

"Lahat tayo may tinatagong sekreto, at sinisiguro ko na malalaman ko ang sekretong tinatago mo" Sabi niya habang pinaglalaruan ang isang kunai sa kamay niya.

Napaismid na lang ako sa sinabi niya at sinalubong ang nakakamatay na tingin na ipinupukol niya sakin. Masyadong matigas ang bungo ng batang 'to, ilang beses ko na nga bang sinabi sa kanya na 'wala siyang pag-asang malaman ang kahit ano man na tungkol sa akin' pero heto siya at napakakulit.

Sumilay ang ngisi sa aking labi, "Gaya ng sabi mo na lahat tayo ay may sekretong tinatago. . ." Sabi ko, "So, ano nga kaya ang sekretong tinatago niyo, ng skwelahan na 'to at ng mga studyanteng kabilang dito."

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdaan ng pagkabigla sa mukha niya bago niya ibinalik sa pagiging blanko ang kanyang ekpresyon at sa pagbigay niya ng isang napakalamig na tingin sa akin. Isang tingin na kahit ang demonyo ay matatakot, pero hindi ko pinakita sa kanya na nasindak ako sa halip ay nginitian ko siya, isang ngisi na kayang sumalungat sa isang nakakatakot na demonyo.

"Your curiosity might kill you." Blanko niyang sambit kasabay ng paghigpit niya sa hawak niyang kunai.

Blanko ang kanyang ekpresyon pero alam ko, alam ko kung ano ang tinatago niya, at tinatago nila.

"Like you said, your curiosity might kill you." Nakangising sambit ko. "And I love to watch you die." 

Kasabay ng pagsambit ko sa mga salitang yun ay siyang pag iwas ko sa limang kunai na parating sa direksyon ko at ang pagtapon ko ng limang dagger sa direksyon niya.

Dahil ang isang tulad ko ay katulad din nila, isang demonyo na nababalutan ng misteryo at nakikisugal kay kamatayan.

At sisiguraduhin kong walang makakaalam ng sekreto ko kasabay ng pagtuklas ko sekretong bumabalot sa kanila.

*********

No parts of this written work shall be distributed and copied. This story is a work of art and fiction. Any resemblances of name, scenes, and etc., Is highly​ coincidence and/or by chance inspired by other works.

Plagiarism is a crime.
© 2022

By: MelancholicMelodia

Infernum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon