Spoken Word Poetry-Piece

558 7 5
                                        

Pait ng Sakit
By:Vianka Bognot

Sa kabila ng mga ngiti ay may sakit na ikinukubli at may pait na pilit ipinapabatid.

Ngunit kahit anong pilit hindi na maibabalik ang "TAYO" na naglaho at naging "KAYO" dahil sa mga nakaraang pilit ibinabalik dulot ng matatamis na alaala na naglaho ng parang bula na waring isang alamat na di mo aakaling magaganap dahil sa pait ng sakit ng nakaraang di na maibabalik.

Ang mga pangyayaring alaala na lamang ang mga matatamis na halik,yapos at salita na waring isang panaginip na ngayo'y sa iba na ipinapabatid kaya't kahit masakit pipilitig limutin ang mga pait ng nakaraang kusang bumabalik para ipabatid na hindi masamang umibig ngunit dapat ay sa taong marunong manatili at hindi ipagkakait ang dalanging umibig dahil sa mga hiling ng tunay na pag-ibig kahit mapanakit dahil sa madayang tadhanang mapaglaro na ipinapabatid ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na mapanakit.

At huwag sana ipagkait ang tunay na pag-ibig kahit masakait dapat ay matuto pa rin dahil sa mga pait ng sakit, mga hinagpis na hindi maaalis ngunit kailangan malagpasan ang pagsubok ng nakaraan.

Mga pagsubok na kayhirap lagpasan, kayhirap kalimutan, kayhirap makamtan ngunit sa isang iglap ito ay iyong makakalimutan pag ito ay iyong pinagsakapan na lagpasan  kahit maraming hadlang.

Hadlang na nagpabago ng iyong kapalaran ngunit kailangan pasalamatan dahil sila ang tumulong upang ikaw ay maging malakas, matapang at upang iyong malagpasan ang mga suliraning kaysakit kalimutan dulot ng alalala ng nakaraan.

Mga alaala ng nakaraan na nagpatibay ng 'yong kalooban, sumubok sa iyong kalakasan, mga karanasan na sumubok sa iyo upang malagpasan ang mga alaala ng nakaraan na pilit bumabalik dulot ng mga alaalang di malimutan.

Umaasang muli kang makasama di man makita sa ngayon pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo bakit kaya pinagtagpo kung tayo'y magkalayo?, ngunit gayunpaman maghihintay pa rin maging isang ating mundo ipaglalaban ka kahit na umabot pa hanggang sa dulo ng huli kong paghinga kahit na masakit ipaparandam pa rin sayo ang pag ibig na pilit ipinapabatid pagkat nakalimot at di na inisip ang mga sakit ng nakaraang di na maibabalik.

Oh kaysakit kaysakit malaman na sa dami ng tao sa mundo ay nahulog pa ko sa taong di ko pedeng mahalin at d ako kayang saluhin sinulat ko ito upang ipabatid na kung magmamahal akong muli sa taong di ako kayang saktan ng paulit-ulit at ipaglalaban hanggang sa dulo ng ating pagmamahalan.

Spoken Word Poetry-Piece /Poems Stories to obsess over. Discover now