Chapter 63

1.3K 90 466
                                    

NICKO's POV

Sabay ng pagsara ng pinto ang pagbagsak ng pinipigilan kong luha. Alam ko naman na hindi na ako ang mahal niya pero hindi ko inaasahan yong sakit na dulot ng mga salitang iyon.

I love you!

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sakit.

Saang parte ba kasi ng salitang yan ang hindi mo maintindihan? Na iba na ang mahal niya at hindi na ikaw!

Napangiti ako ng mapait dahil sa pagbagsak ng nag uunahang luha ko na animo'y nasa karera sila.

Mahal na Mahal kita kahit ang sakit sakit na!

Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko at naglakad palabas ng Hotel. Naglakad lakad lang ako para kahit papaano maibsan yong sakit dito sa puso ko.

Kalimutan mo na yang pagmamahal mo para sa kanya Nicko!

Napangiti ako ng mapait sa sarili kong naisip.

Paano? Paano ko kakalimutan ang kauna unahang babaeng minahal ko ng sobra. Ang babaeng Minahal ko ng ilang taon.

Aralin mo!

Hindi ko pa kaya. Ayaw ko pa! Ayokong kalimutan ang pagmamahal ko para sa kanya.

At hayaan na lang ang sarili mong unti unti kang pinapatay ng sakit? Hayaan mo na siyang lumigaya sa piling ng Bestfriend mo!

Muli, Tumulo ang mga luha ko. Muli, Naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Naramdaman kong parang may pumipiga na naman sa dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga.

Hindi siguro talaga siya ang babae para sayo. Nakalaan ka siguro talaga para sa iba.

Napatigil ako sa paglalakad at unti unti na lang napaupo. Hindi ko kaya yong sakit na nararamdaman ko. Naitakip ko na lang ang palad ko sa mukha ko at napahagulhol.

Wala na akong paki alam kong may makakita man sa akin. Sa ganitong paraan, alam kong maiibsan kahit papaano ang sakit dito sa dibdib ko.

Ilang minuto akong nasa ganung lagay nung bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha.

DAWN calling...

Lalong tumulo ang Luha ko nung makita ko ang pangalan niya. Tinignan ko lang ang screen ng Phone hanggang mamatay ang tawag. Ilan pang sandali tumunog ulit ang Phone ko at siya na naman iyon.

i cancelled the call and turn off my phone.

Mag aalas nueve na at paniguradong tumatawag lang yon para e remind ako about sa conference.

Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang maglakad papuntang function hall. Nakita ko si Dawn na nakaupo na at maging ang ibang dumalo sa conference na iyon.

"Where did you go?" Tanong niya agad nung nakalapit ako sa kanya. She look at me straight in my eyes. Nag iwas ako at naupo sa tabi niya.

"Naglakad lakad lang" i uttered. Hindi na siya kumibo at ganun din ako hanggang sa magsimula na ang conference.

I did my best to concentrate on that conference pero hindi ko maiwasan na alalahanin ang mga salitang binitawan niya para kay Nathan.

Natapos ang conference sa araw na iyon na wala man lang akong naintindihan. Agad kong inayos ang mga materials na bigay sa conference at tumayo na. Maglalakad na sana ako nung tinawag niya ako,

"N-nicko!" Liningon ko lang siya.

"A-are you okay?" tanong niya.

Pag sinabi ko bang hindi, Maiibsan ba nun yong sakit dito sa puso ko.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon