Chapter 51

1.8K 85 36
                                    

DAWN's POV

Pag punta ko sa parking, nakatayo siya sa may passenger side at naka open na ang pinto.

I automatically smiled. Napakagentleman lang niya kahit kailan.

"Oh! Bakit?" Tanong niya nung hindi pa ako sumasakay sa kotse at nakatingin lang sa kanya.

"Why so gentleman Nate?" Seryoso kong sabi.

"Sasakay ka o iiwanan kita?" Aniya.

"Bakit ang sungit mo ngayon?" Maktol ko.

"May dalaw ako!" Hindi ko inaasahan na sagot niya. Napatawa ako ng wala sa oras at ganun din siya.

"May pad ako dito, sabihin mo lang kong kailangan mo!" Pakikisakay ko sa biro niya

"No! Thanks Girl! I have enough" sabi niya in gay tune.

"Hoy! Nathan Castillo! Magtigil ka nga! Baka totohanin mo yan! Sayang!" Suway ko sa kanya.

"Sayang kasi hindi mo ako matitikman?" Nakakaloko ang ngiti niya.

"Ang kapal ng mukha mo huh!"

"Sus! Patay na patay ka nga sa akin e!" Kinagat kagat niya ang labi niya. Napalunok tuloy ako bigla.

Ang lakas lang mang akit ng hinayupak na ito!

"'May tubig ako jan sa loob" may naglalarong ngiti sa labi niya.

"Tubig?" Kunot noo kong tanong.

"Halatang nanunuyo yang lalamunan mo!" He chuckled. Dun ko lang napagtanto kong ano ang gusto niyang sabihin.

"Hay naku! Ewan ko sayo!" Ingos ko para mapagtakpan ang pamumula ng pisngi ko.

"Ang ganda mo, Prinsesa ko!" He smiled at me genuinely. Ramdam na ramdam ko ang sobrang init ng pisngi ko.

Hutanes!

"Isarado mo na nga yang pinto at sumakay ka na ng makaalis na tayo!" Hindi ako makatingin sa kanya. I heard him chuckled bago isinara ang pinto at pumasok na din sa sasakyan.

"Saan ba yang roadtrip na yan huh!" Sabi ko.

"Arizona!" He started the engine at pinatakbo na ang sasakyan.

"What? Omg! Thats more than 15hours drive from here at San Francisco!" Bulalas ko.

"So? Road trip nga diba?" Nangingiti niyang sabi.

"Sabi mo e. Palitan na lang tayo kapag napagod ka ng mag drive!" Sabi ko.

"Ayoko!" Napatingin ako kanyan.

"Anong ayaw mo?"

"Wala akong tiwala sa driving skills mo!" Tumawa ito. Hinampas ko ng bahagya ang braso niya.

"Ang sama nito!"

"Biro lang. Ayaw kitang mapagod, Prinsesa ko!" Sa may daan ito nakatingin.

"B-bakit ba Prinsesa ko and tawag mo sa akin?"

"Ayaw mo?" Sinulyapan niya ako at binalik ang tingin sa daan.

"Wala akong sinabi!"

"Yon naman pala e!" He chuckled as he turn on his ipad and play a song.

Sa dinami dami ng kanta, iyon pa ang pinatugtog niya.

Kung tayo ay matanda na,
Sana'y di tayo magbago

Sinabayan niya iyon.

"Ang pangit ng kanta. Masyadong luma. Papalitan ko huh!" Akma kong kukunin ang ipad kaso pinigilan niya ako.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon