Chapter 39

5.2K 136 61
                                    

DAWN's POV

It's been 2days since we revealed the truth to Nicko's parents. 2 days na lang din ang hinihintay namin para masabi din sa parents ko. Sana matanggap din nila gaya ng pagtanggap ng parents ni Nicko.

"Ang lalim ng iniisip mo huh." Nagulat ako ng may magsalita. Si Nicko iyon, nakapasok na pala siya sa condo ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Yong magiging reaction nila Mom and Dad." Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

"It'll be fine! Don't stress yourself too much!" He kiss my forehead.

"Okay!" I smiled.

"Tara na! Nag aantay na sina Amber sa restaurant!" Mag lulunch kasi kami nla Amber sa heaven taste.

"Okay! Tara!" At sabay kami lumabas ng condo.

"Hay naku! Ang tagal niyo! Gutom na ako!" Agad na sabi ni Drew ng makarating kami sa heaven taste.

"Dala ba namin ang pagkain ng heaven taste?" Natatawa ani Nicko. Natawa din sila.

"Hi Dawn!" Bati ni Amber and she gave me a kiss. Nakipag beso din sina Leigh at Drew bago kami nag siupuan. Nag order na din kami.

"So what's new?" Tanong ni Drew.

"Well, malapit na birthday ng kambal namin and we're busy planning their party!" Ani Leigh.

"Naks! Tatay na tatay ang dating! Buti na lang at wala pa akong baby, kami ni Nicko!" Nangingiti si Drew.

"Ikaw lang yon tol! Mine is coming!" Hindi maikakaila sa gwapong mukha ni Drew ang pagkabigla ganun din si Leigh.

"What do you mean?" Si Amber lang kasi ang nakaka alam.

"Magkakababy na ako!" Masaya niyang sabi.

"Huh? Kanino?" Sabay na sabi ni Drew at Leigh.

"Kay Dawn!"

"What?" Sabay ulit sila! Halos malaglag ang mga panga nila.

"Are you fucking serious?" Tanong ulit ni Drew.

"Oo! 8th weeks na!" He held my hand and kiss it.

"Oh well! Congrats bro!" Tumayo si Leigh and he gave him a manly hug. Ganun din si Drew kahit na nasa state of shockness pa din.

"Damn! I can't believe it! Tatay ka na!" Natatawang ani Drew.

"Ikaw na lang walang anak! Baog ka ata tol!" Nangingisi si Nicko.

"Naku! Ayoko ng sabit tol! Mas masarap pa din maging single!"

"Mali ka! Mas masarap sa feelings na may nagmamahal sayo ng totoo at minamahal mo din siya ng sobra. Yong kayo lang dalawa at wala ng sumasabit pang iba, yong bubuo kayo ng sarili niyong pamilya!" Mahabang ani Nicko bago niya ako hinapit at hinagkan ang noo ko.

"Korni mo na tol!" Nangingiti si Drew.

"Magiging ganyan ka din pag natagpuan mo na yong the one!" Natatawang ani Leigh.

"Sana hindi ko na siya matagpuan. Magtago na lang siya kung saang lupalop man siya naroon!" Natatawa niyang sabi.

"Gago ka talaga!" Ani Nicko.

"Kumakin na nga lang kasi tayo. Porket ako lang tong wala pang baby, ako na tong pinagdidiskitahan niyo huh!" Reklamo niya.

"Oo na! Sige na! Kumain na tayo!" Sabi ko at nagsikainan naman kami.

Nag uumapaw ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon na para bang panaginip ang lahat. Wala na akong ibang mahihiling pa.

********
"Hey! Asan ka na?" Kausap ko sa phone si Nicko. Dumating na kasi sina Mom at Dad and we're having a lunch sa bahay. Nicko gonna pick me up pero hanggang ngayon ay nasa condo pa din siya.

"D-dawn! Can we just reschedule it?" Sabi niya.

"Huh? Why?" Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

"I-im not feeling good!"

"What happened? Anong masakit?" Nag alala ako bigla.

"Mukhang magkakatrangkaso ako! I'm really sorry!" Sabi niya.

"Okay! I'm just gonna call Mom to let them know na hindi tayo makakapunta."

"No! You can just go there and have lunch with your parents." Aniya.

"O-okay! Magpahinga ka! Uminom ka ng gamot! Okay?" I uttered.

"Oo! Sige na! Ingat ka!" He said. Magsasalita pa sana ako ng binaba na niya ang tawag.

Wala man lang iloveyou?

Dawn! May sakit na nga e, nagiging sensitive ka na naman!

"Alright! Dadaanan ko na lang siya ng pagkain at gamot bago pumunta kina mom" lumabas na ako sa condo unit ko at bumili ng pagkain at gamot bago dumaan sa condo ni Nicko.

When i reached his condo, nakaawang ng bahagya ang pintuan niya.

Bubuksan ko na sana ng tuluyan iyon ng may marinig akong boses.

"I miss you so much Love!" Boses ng babae iyon. Dahan dahan kong binuksan ng bahagya pa ang pintuan and to my surprise, may kahalikan si Nicko! Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod siya sa may pintuan habang yong babae naman ang nakaharap sa may pinto ngunit hindi ata niya ako nakita dahil busy din siya sa pag halik kay Nicko.

"Meg!" Pinigilan siya ni Nicko.

"Don't you miss me Love?" Tumigil siya sa pag halik at lumayo siya ng bahagya kay Nicko and to my surprise, siya yong babae sa picture frame sa side table ni Nicko sa kwarto niya.

"I do miss you!" Mas nawindang ata ako nung marinig ko ang sinabi ni Nicko and again, they kiss each other.

Hindi ko alam kong paano ako lumayo sa lugar na iyon ng hindi nila napapansin.

Ni hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Ni hindi ko alam kong paano ako nakarating sa may kotse ko.

Namanhid din ang buong katawan ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Am i dreaming? Oh Lord! Please tell me im dreaming!" I uttered as i pinched my self, ung todong kurot and it hurts me and then i realized, i'm not dreaming!

What i saw awhile ago is true! Nicko is making out with other girl.

Why Nicko? Why?

Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng hikbi sa labi ko. Daig ko pa ang bata sa paghagulhol dahil sa sakit na nararamdaman ko na tila hinihiwa ka ng literal at dahan dahan.

----------------------------------------
Thank you!

Saltik_26

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon