“Alis na kami, Amazona girl." Arden.


“Ah, Nathaaaaan!” Tawag ko pero hindi siya lumilingon. Tuloy pa rin siya sa paglalakad. “Gusto mo ipagluto kita ng Adobo? Favorite mo yun diba?" Sigaw ko kasi medyo malayo na sya. Hindi naman siya sumasagot. “Basta ipagluluto kita ha?”


“Bye, Mika. Magdala ka ng adobo ha? Gusto namin matikman yun.” Tristan. Nag nod na lang ako sa kanya.


“Bye Amazona girl!” Sinamaan ko na lang si Arden ng tingin. Sinabi ng huwag akong tawaging Amazona Girl eh! Sumunod na silang dalawa kay Nathan.


Chance ko na ito. Matitikman ni Nathan ang luto ko. Sabi nga nila, A way to a man’s heart is through his stomach.

Today is Saturday!



Walang pasok kaya pupunta ako sa mall, magtitingin ako ng pwedeng iregalo kay Nathan ko. Sa Wednesday kasi ang birthday niya tapos kailangan ko pa siyang ipagluto ng adobo. Effort kung effort basta para sa kanya.


Pumasok ako sa loob ng National Book Store para magtingin ng mga libro. Wala naman ako nakita na pwedeng ibigay sa kanya na book pati naisip ko na baka hindi niya basahin. Naghanap na rin ako ng mga damit pero ang mahal naman. Pansin ko rin na hindi siya nagsusuot ng hindi branded. Chineck ko yung wallet ko at napasampal na lang ako sa noo ko. Ang kapal naman ng mukha ko mag-isip ng magandang birthday gift eh kakaunti naman ang pera ko! Ang hirap talaga kapag ipinanganak kang mahirap. Sana naging mayaman na lang ako. Buti na lang talaga at nakapasok ako ng St. Luke’s Academy dahil ng mayaman kong bestfriend. Bestfriend ko na si Nicole simula elementary pero dapat sa ibang school ako mag ha-high school dahil hindi ko afford makapag-aral sa St. Luke's. Buti na lang pinapaaral ako ng mga magulang nya ngayon para daw may kasama ang anak nila na mapagkakatiwalaan talaga.


Hindi pa roon nakuntento ang magaling kong bestfriend. Dahil lumipat siya bilang kapitbahay namin! Gusto raw niya maging independent at maranasan ang buhay mahirap. At para na rin daw malapit sa akin. Umuuwi naman siya sa subdivision nila every Saturday, then Sunday ng hapon o gabi ang uwi niya sa tabi ng bahay namin. Ang kulit talaga nun! Sabi ko kasi sa amin na tumira pero ayaw naman.


So paano na lang pala kung wala si Nicole? Edi hindi ko nakita ang Nathan ko? Kaya naman ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kanya at natagpuan ko na ang true love ko. Nagtitingin-tingin lang ako sa loob ng Department Store nang may bumangga sa aking lalaki.


“Ouch! Ano ba naman?” Napahawak ako sa balikat ko. Kainis naman!


“Sorry." Natatarantang sabi nya..


“Tristan?” Nagulat din siya nang makita ako. Hinila na lang niya ako sa mga damitan na naka display.


“Teka.. Bakit ka--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.


“Ssssshhh. Huwag ka muna maingay.” sabi niya nang pabulong.

“Nasaan na ba yun?” sabi ng isang babae. “Miss, may nakita ka bang lalaki na tumatakbo kanina? Kulay itim yung damit nya.”


“Wala po ma’am eh. Pasensya na po.” Sabi ng sales lady kaya umalis na yung babae. Tinanggal naman ni Tristan ‘yung kamay niya sa bibig ko.

“Hay.. buti naman umalis na yun.”


“Pasensya ka na ha? Hindi ko sinasadyang mabangga ka. Nagmamadali lang kasi ako. May masakit pa ba?”


“Wala na. Okay na naman eh. Bakit mo ba tinataguan ‘yung babae kanina?” ngumiti na lang naman siya. “Siguro..nabuntis mo ‘yun ano?!”


Humalakhak lang siya tapos humawak sa ulo ko at ginulo ito. Inayos ko naman agad ito. Ang ikli na nga ng buhok ko tapos guguluhin pa. Wala pa ngang balikat yung length ng buhok ko eh. “Aalis na ako. May pupuntahan pa kasi eh. Sorry ulit ha?” Akmang guguluhin na naman niya ang buhok ko pero umiwas na ako. Ngumiti na lang naman siya sa ginawa ko saka umalis.


Naghanap pa rin naman ako ng pwede kong ibigay kay Nathan pero wala akong mapili sa sobrang mahal. Nandito ako ngayon sa bilihan ng gold and silver. Mahal siguro rito pero susubukan ko pa rin.

"Hi Ma'am! Ano pong hanap nila?" Masayang tanong ng sales lady sakin.

"Nagtitingin ako ng pwedeng pang regalo."

"Para sa boyfriend po ba?"

"Yap. Sa future boyfriend ko." Ganun talaga! Dadating din ang time at magiging girlfriend ako ng Nathan ko.

"Mukhang sasagutin nyo na po ma'am ha? Goodluck sa inyo." Ang bait naman ng babaeng 'to at palangiti.


"Ahh hindi, hindi pa nya ako sinasagot. Suplado kasi yun eh." Napanganga na lang siya sa sinabi ko.

"Ito po, nag iisa na lang ito." Pinakita nya sakin yung key cellphone chain na silver. Kuminang ang dalawa kong mata sa ganda.


"Ang ganda!!" Puso na may star sa gitna.


"Pwede nyo ipa-engrave ang pangalan nyo sa likod."Dagdag pa nya.


"Magkano po ba?"



"2000 lang po." Napabuntong hininga na lang ako. Kulang ang pera ko!

"Kulang ang pera ko eh." Malungkot kong sabi. Sayang naman kaso ang mahal talaga. Hindi kaya ng budget ko.


"Ma'am bawal po ito pero satin na lang 'to ha? Installment na lang kayo." Sabi nya habang nakangiti. Napangiti na rin ako. Mall na installment? Wow! Ang galing naman! "Ako na lang muna ang magbabayad ng kulang nyo. Basta ibabalik nyo sakin ha?" Tumawa siya.

"Talaga?! Oo naman! Ibabalik ko. Waaah! Salamat talaga!" Buti na lang talaga mabait yung sales lady. Sa wakas may regalo na rin ako kay Nathan. Pina-engrave ko yun ng salitang "MINATH" Pinagsama ko yung pangalan namin ni Nathan. Sana magustuhan nya.



Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now