Death Match Part 3

Magsimula sa umpisa
                                    

Tsk. Mabilis at malakas. Mahirap ito.
Saad ni Misty sa kanyang isipan.

Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan, salit-salitan siya kung tumakbo. Sa sobrang bilis ni Misty ay naiiwan ang kanyang mga afterimage at ang kinalabasan ay parang nagiging dalawa na siya. Ginawa ito ni Misty para lituhin si Light pero ang hindi niya alam ay alam na ni Light kung nasaan siya, saan siya aatake, at kung kailan siya aatake. Pagkalapit ng dalawang Misty ay sakto naman pumihit patalikod si Light at ipinatama niya ang kanyang shield sa katawan ni Misty dahilan kung bakit siya tumalsik palayo.

"Double Mirage- Allows the user to move in two direction consecutively in the fastest way to create two afterimage to confuse the enemy. Well, nice combi with Flash Step. Unfortunately, alam ko na yan kaya that doesn't work on me." Light

Kkkhhh. Alam niya ang details ng skill na iyon. Alam rin niya kung paano iwasan. Alam rin niyang gagamitin ko ang Flash Step. Just who the hell is he?!

"Yan lang ba ang kaya mo Misty? Wala pa akong galos. Wala pang nabawas sa hp ko. I didn't even use any skill. Sa tingin mo, sinong mananalo?" Light

"Wag kang pakampante, hindi ko pa pinapakita lahat ng alas ko!" Misty

"Oh? Ahahaha, then show me." Light

Ipinikit ni Misty ang kanyang mga mata at nagconcentrate. Unti-unting umilaw ang katawan niya. Lumalakas ang aura niya. Dumarami ang dragonic scales sa katawan niya. Tinubuan narin siya ng pakpak sa likod. At ang kaniyang mga mata ay naging kulay violet. Nawala na ang usok ba bumalot sa kanya kanina at lumabas ang isang nilalang na nakangiti na animo'y nakikita na niya ang tagumpay.

"Dragon Force: Second Mode On!" Misty

Tumakbo ito ng napakabilis, halos hindi mo na ito masundan sa sobrang bilis, papunta siya kay Light. Gamit ang kanyang dagger ay nagbitaw ito ng hit pero nasangga lang ito ni Light. Kumuha muna ng distansiya si Misty at nagcast ng isang skill.

"Poison Tornado." Misty

Mula sa gitna ng arena ay may nabuong tatlong buhawi. Napakalakas nito at hindi pangkaraniwan ang kulay nito, imbes na kulay puti ay kulay lila ito sa kadahilanang hindi ito gawa sa hangin bagkus gawa ito sa poison gas. Napakadelekada nito at mahirap iwasan. Pero si Light ay ngi-ngiti-ngiti lang at mukhang alam na niya ang solusiyon rito.

"Absolute Barrier" Light

May kung anong liwanag ang bumalot sa kanya. Kung titingnan isa lang itong simplrng barrier at alam ni Misty na hindi kayang pigilan ng simpleng barrier ang kanyang Poison Tornado. Pero ang Absolute Barrier ni Light ay skill ito na nagmula sa Guardian Dragon at kahit gaano kalakas ang mga atakeng ibabato rito, as long as it is sustained with mana, ay hinding-hindi ito mababasag.

Dumaan na ang tatlong buhawi at ang arena ay wasak na wasak na ito. Halos hindi mo na ito mamukhaan dahil nagkalat sa sahig ang mga tipak ng sahig, mga butas at kung ano-ano pa. Inshort complete disaster. Nawala na ang usok at kitang-kita ang nag-iisang lalakeng nakatayo sa arena. Si Light na walang galos, walang sugat, walang bawas sa Hp.

Tchhh. Eto na, kung hindi pa siya mababawasan magsu-surrender na ako.
Lumipad ito paitaas. Itinaas ni Misty at may kung anong likidong lumabas sa katawan niya at lumutang papunta sa kanyang kamay. Nagsimula ito sa isang maliit na bilog na kulay maroon hanggang sa lumaki ng lumaki at halos takpan na nito ang buong arena.

"Poison Planet- extracting all the poison from the body to create a huge ball of poison. If it touches any living thing, it is considered as dead. Pero alam mo naman kung anong consequence nito after mong maicast diba? Bababa ang hp mo at mananatiling 20%. Drain ang mana at stamina." Light

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon