Death Match Part 2

Start from the beginning
                                    

"Kung tama ang pagkaka-alala ko, ang Ancient Hydra ay mahirap hanapin at kunin. Hindi ko alam kung saan ito mahahanap pero swerte niya dahil nakuha niya ito. Isa lang ang Ancient Hydra sa mga Rank SS+ Pet. Sigurado akong mayroon ding ganitong pet ang iba nating kalahok." Gm Benj

Isang Rank SS+ Pet huh? Hay. Siguro oras narin para lumabas siya. Sa isip ni Rolly. Itinaas niya ang kanyang kamay at nagpakawala ng maraming apoy. Kakaiba ito dahil kulay asul ito. Nagsimulang magkaroon ng usok ang buong paligid. Maya-maya ay nabuo ang isang anino. May ulo, pakpak, at buntot.

Roaaaaarrrrrr!!!

"Ako naman. Lumabas ka Igneel." Rolly

Unti-unting nawala ang usok at tumambad ang isang napakalaking dragon. Nag-aapoy ang pakpak at buntot nito. Meron itong matatalim na ngipin at mata. Kapangi-pangilabot ang itsura nito.

Name: Igneel
Level: 150
Category: Rank SS+ Pet

"Sabi na nga ba eh. Hahaha. Tutal sumisikip na ang arena i aadjust natin ito." Gm Benj

May pinindot siyang buton at lahat ng upuan ng mga manonood ay nagsimulang lumutang. Nagkabitak-bitak ang haligi ng collosseum at nagsimulabg lumawak ang arena. Tripple na ang lawak nito kaysa sa dati. Malaya nang gumalaw ang mga pet nila. Wala ng sagabal sa kanila.

"Oras na.

"Hydra, Water Tides!" Deb

Umungol ng napakalakas ang Ancient Hydra at may nagsulputang mga naglalakihan at nagraragasang alon ng tubig papunta sa kalaban. Sumakay naman si Rolly sa kanyang pet at lumipad sa ere. Lumipat naman si Deb sa uluhan ng kanyang pet. Nababaha na ang buong arena at hindi lang iyon simpleng tubig dahil may kasama itong special effect. Once na nakalubog sa tubig ay unti-unti nitong drinedrain ang mana ng kalaban at kapag ubos na ang mana ay isusunod naman niya ang hp. Kaya naman walang magawa si Rolly kung hindi ang lumipad. Pero gaano siya kaya tatagal roon?

Tsk. Di ko inaasahan ito. Magaling Deb. Napakagaling. Napangiti nalang si Rolly sa naiisip nito.

Isang oras at kalahati pa ang natitirang oras sa dragon force mode. Kailangan ko na itong tapusin. Hindi ko muna gagamitin iyon dahil alam kong si Zed ang pupunta sa semi-final at gusto kong ako ang kalaban niya. Napatingin si Rolly sa ibaba at nakita niya ang tubig. Napakalinaw ito at kitang-kita niya ang kanyang repleksiyon rito. Napatingin siya kay Deb na ngingiti-ngiti na animoy na sa kanya na ang tagumpay.

Wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko ng gamitin iyon. Saad ni Rolly sa kanyang sarili.

"Igneel, Fire Breath." Utos niya sa kanyang dragon. Nagbuga ito ng napakainit na apoy na kayang sumunog sa kahit anumang dapuan nito.

"Hydra, Ancient Barrier!"

May nabuong barrier na gawa sa tubig at pumalibot sa Hydra. Pero dahil sa init ng apoy ni Igneel ay nagiging singaw ito. Pero di patitinag ang Hydra at kinapalan lalo ang barrier.

Mahigit dalawang minuto narin ang lumipas at napuno ng hamog ang buong paligid. Nahihirapang makakita ang mga manonood dahil narin sa kapal ng hamog. Labis namang naalerto si Deb dahil hindi niya ito inaasahan. Nahihirapan din siyang makakita dahil hindi pa max ang Night Vision Skill niya. May narinig siyang pagaspas ng hangin sa kanyang likuran kaya tiningnan niya ito. Nakapagtataka dahil wala siyang nakita rito.

Mula sa taas ay naroon si Rolly at nakatingin sa baba.

"Ito palang ang unang beses kong gamitin ito.

Fire Dragon Secret Skill: Meteor Rain.

Fire Dragon Secret Skill: Big Bang Explosion."

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Where stories live. Discover now