Chapter 42

1.9K 74 1
                                    

Akira's POV

Excited na ako masyado habang lumilipad sa ere. Sa wakas makakabalik na naman ako sa Mt. Daragon. Kung hindi pa sana ganito ang aming sitwasyon ngayon ang saya saya ko siguro. Matagal akong nangulila sa lugar na 'to. Hindi man ako dito ipinanganak pero dito naman ako lumaki at nagkaisip. Napilitan lang naman akong lumayo dito dahil sa isang misyon. Gayunpaman masaya ako kahit matagal akong nawala dito. Nakasama ko naman siya at nabantayan kahit na nga ba hindi niya naman ako nakikita dati. Isang malaking karangalan sa akin ang bantayan siya lalo na at ito ang hiling ng aming namayapang ina. Natauhan ako ng biglang magsalita si Crystal.

"Hui Akira natahimik ka na diyan. May problema ba? Bat parang kay lalim ng iniisip mo?".
"Paumanhin prinsesa. May sinasabi ba kayo?" Tanong ko sa kanya dahil pansin kong mukha siya badtrip siya.

"Eh kasi naman po kanina pa ako daldal ng daldal dito wala ka namang response. Para na po akong baliw dito". Batid kong nakanguso na naman dahil sa inis ang prinsesa.

"Pasensya ka na prinsesa may naisip lang kasi ako at saka excited na akong makitang muli si ama. Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Masaya din akong makakastay na naman ako ng matagal dito kasama ang mga dragon na tulad ko." Hindi ko maitago ang sayang nadarama ko habang kausap siya.

"Naiintindihan kita maski sino naman maeexcite talaga lalo nat makikita at makakasama mo na naman ang iyong ama. Ipakilala mo ako sa kanya huh Akira?"

"Oo naman Crystal batid kong gusto ka rin niyang makita."

Nandito na kami ngayon sa tuktok ng bundok. Nakikita ko na ang aking ama, ang mga kapatid ko at ang mga kasamahan kong mga dragon na naghihintay sa amin sa bulwagan. Lumapag ako at nagpalit anyo. Mabilis akong tumakbo papunta kay ama at mahigpit ko siyang niyakap. Narinig kong humagikhik ang aking mga kapatid pati na rin si ama.

"Masyado ba akong namiss ng aking bunso at gayon na lamang kahigpit ang yakap mo sa akin?" Kay lapad ng ngiti ni ama.

"Miss na miss ko na po kayo ama. Pati na rin ang aking mga kapatid. Hindi nyo ba ako namiss huh? Bat parang hindi kayo nasiyahan na makita ako?" Nakalabi ako habang nagsasalita. Parang gusto ko ng magtampo sa kanila ngunit nawala lahat ang agam agam sa puso ko ng isa isang lumapit sa akin ang aking mga kapatid at yumakap sa akin. Hindi ko napigil ang mga luhang pumatak sa aking mata. Napakaiyakin ko talaga kapag ang pamilya ko ang aking kaharap. Natigil ako sa pag eemote ng tumikhim ang aking ama at sinabing mukhang nakalimutan ko na daw ang aking mga kasama.

"Paunmanhin ama." Nakita kong naglalakad ang mga royalties kasama ang prinsesa palapit sa kinaroroonan namin. Sabay sabay na yumuko ang mga kasamahan kong dragon bilang paggalang kay prinsesa Crystal.

"Maligayang pagbabalik sa Mt. Daragon prinsesa Crystal." Pansin kong nailang ang prinsesa kaya nagmamadali siyang lumapit kay ama at sinabing hindi na niya kailangang yumukod.

"Naku po hindi na po kailangang yumukod pa kayo sa akin. Masaya po akong makabalik dito at makita kayo. Nang pumunta ako dito ay hindi ko man lang kayo nakilala." Kay ganda niyang tingnan habang nakangiti.

"Ikinagagalak kitang makilala mahal na prinsesa. Kuhang kuha mo nga ang mukha ng iyong ina. Sobra mong ganda." Ngumiti din si ama sa kanya.

Namula si Crystal ng marinig niya ang sinabi ni ama. "Maraming salamat po. Ahm. Ano nga po palang pangalan niyo?" Napakamot sa buhok si ama at ngumiti. "Ako si Arca mahal na prinsesa." muling yumukod si ama. "Ikinagagalak ko po kayong makilala ginoong Arca."

"Gayun din ako mahal na primsesa."

"Ginoong Arca ipapakilala ko nga po pala sa inyo ang mga royalties na kasama ko." The royalties move forward and start to introduce themselves.

"Ako po si Fire, fire mage po ako."

"Ako naman po si Rain Alvin isa po akong water mage".

"Ako naman po si Airah Shine isa pong air mage".

"Thalea Jane po earth mage".

"Ako po ai Ice isang ice mage".

"Ako naman po si Kathleen at ito pong katabi ko ay kambal ko. Lightning mage po ako."

"Ligthning mage din po ako. Im Jake Aldren."

"Im honored to meet all of you. Welcome to Mt. Daragon. Hangad kong marami kayong matututunan sa pagtira niyo dito. Ang mga anak ko pala ang siyang magtuturo sa inyo. Wag kayong mag-aalala dahil magaling at malakas sila." Tumalikod si ama sa kanila at ako naman ang hinarap.

"Dalhin mo na sila sa kanilang magiging silid habang naririto sila anak. Bukas niyo na lamang simulan ang pag-eensayo." Utos ni ama sa akin nag kanya kanya ng alisan ang dragon na naririto sa bulwagan.

"Let's go guys. You need to rest dahil kakailanganin niyo ng sapat na lakas para bukas."

Naglakad na ako palayo sa kanila. Sumunod naman agad sila sa akin at hinatid ko na sila sa kanilang mga silid. Pagdating namin sa silid na nakalaan para sa kanila ay kinausap ko sila ng masinsinan.

"Magsisimula na bukas ang napakahirap nyong pagsasanay para sa nalalapit na digmaan. Kailangan nyong maging handa at maging malakas para hindi tayo matalo sa laban. Sa ngayon magpahinga na muna kayo. May tagasilbi na pupunta rito mamaya para dalhan kaau ng makakain. Sige maiwan ko na muna kayo dito." Umalis na ako pagkatapos ko silang kausapin.

Magsisimula na bukas ang bagong kabanata ng aming mga buhay.









******************************
Sa inyong lahat na patuloy na naghihintay sa mga updates ko kahit na sobrang tagal maraming salamat po. Pagpasensyahan nyo po at sana patuloy nyo pa ding aabangan ang mga updates ko. Suggest naman kayo ng posible na ending yong bang alam kong magiging satisfied kayo habang nagbabasa. Thank you guys. GODBLESS!!

PS. Alam kong lame ang chapter na 'to. Sorry guys!

******************************

The Lost Princess Is BackWhere stories live. Discover now