Chapter 25

4.6K 159 2
                                    

Jake Aldren's POV

Ng biglang mag-apoy ang katawan ni Fire at bigla siyang nawala ay sinundan ko siya kaagad. Alam ko na naman kung saan siya nagpupunta kapag gusto niyang mapag-isa.

Alam kong nasaktan siya sa eksenang naabotan namin. Habang nakikipaglaban kami sa mga Darmonian kanina napansin kong nawala siya sa focus nag magsalita si Ice at sinabing tinawag siya ni Crystal at humingi ng tulong sa pamamagitan ng kanilang mga isip.

Andito ako ngayon sa bandang likuran niya. Masyado nga talagang magulo ang isip niya ngayon dahil hindi man lang niya ako napansin.

Naaawa ako sa kanya. Alam kong hindi biro ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto ko siyang damayan sa nararamdaman nya pero hindi ko alam kong paano. Nasanay kasi kami na kapag mainit ang ulo niya ay hindi namin siya nilalapitan pero ngayon kailangan ko siyang kausapin.

Humiga siya sa damuhan at pumikit.

"Mahal mo siya." Ang tanging nasabi ko ng saktong nakalapit na ako sa kanya.

Nanatili lang siyang nakapikit at hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Parang wala lang siyang narinig. Napa buntong hininga na lang ako at humiga rin sa damuhan.

Tahimik lang kaming dalawa. Parang walang balak yata ang isang to na magsalita eh. Hahayaan ko na lamang muna siya. Alam kong mag-oopen rin to.

Ang sarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ang sakit ng katawan ko at hapong hapo ako. Walang hiyang mga Darmonian na yun biglaan lang kung lumusob. Ano na kayang nangyari dun sa academia ngayon? Pagkatapos kasi ng labanan ay sinundan ko kaagad ang mokong nato eh.

Para akong dinuduyan ng hangin kaya naisip kong matulog nalang muna. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng magsalita si Fire.

"Oo mahal ko siya. Hindi ko alam kung kelan to nagsimula basta nagising na lang ako isang umaga na mahal ko na siya. Hindi ko namalayan na natibag na pala niya ang harang ginawa ko." He sigh and continue talking.

"Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal dahil natrauma na ako sa nangyari dati. Ayoko nang maranasan pang maiwan ulit. Ang sakit sakit sa dibdib." Ramdam ko ang paghihirap niya.

Tinapik ko na lamang ang balikat ni Fire. Bakas sa mukha niya na gusto niyang umiyak pero syempre dahil lalaki kami kaya nahihiya siyang gawin yon.

"Iiyak mo lang yan pre nang sa ganun eh maibsan yang nararamdaman mong sakit. Wag kang mahiya sa akin wala naman akong ibang pagsasabihan eh. Okay lang na umiyak ka paminsan minsan hindi naman kasi porket lalaki tayo eh wala na tayong karapatang umiyak." Nakita kong namumula na ang mga mata niya tanda na malapit na siyang umiyak.

"Payong kaibigan lang pre huh mag usap kayo ni Ice. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo para kang Crystal. Alam kong hindi siya magagalit at maiintindihan ka niya. Eka nga nila may the best man win na lang." medyo mahaba yong sinabi ko ah hiningal ako dun pero syempre hindibpa rin nabawasan ang angking kagwapohan ko hehehehehe. Nababaliw na yata ako. Natigil lang ako sa pagmumuni muni ng magsalita ulit si Fire.

"Anong saysay kong sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko kung halata naman na may gusto rin sa kanya si Crystal. Ayokong kaawan niya ako. Baka maisipan pa niyang mag give way na lang." Nakanguso si Fire habang nagsasalita.

"Tang**na pre nakakasuka ang pagmumukha mo. Tigilan mo nga yang panguso nguso mo dyan nakasuka ka." Sabay kaming napatawa pagkatapos.

"Kilala natin si Ice hindi siya ganung klase ng tao. Lumalaban siya ng patas. Wag ka munang magluksa dyan malay mo ikaw ang piliin ni Crystal di ba? Habang may buhay may pag-asa pare isaksak mo yan sa kukute mo". Nakita kong napangiwe si Fire.

"Ptttt.hahahaha. Ang korne mo Jake. Hahahahaha. Nakakataw ka pre." Maiyak iyak na siya sa kakatawa kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Mayamaya naman ay tumigil na rin siya sa kakatawa at seryosong tumingin sa akin.

"Salamat Jake kahit papano gumaan ang pamiramdam ko. Nababading ka na yata pre. Hanep ka mag advice. Hahahahaha." At yun tumawa na naman siya ulit. Ang sarap patamaan ng kidlat ang isang to. Di ba niya alam na nahirapan akong pagaanin ang nararamdaman niya tapos tatawanan lang niya ako.

Tumayo na ako at akmang aalis na ng magsalita siya.

"Salamat Jake." Hindi ko na siya tiningnan at nagteleport na pabalik ng academia.

******************************
2 chapters updated today. Sana magustuhan nyo. Salamat ulit

******************************

The Lost Princess Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon