Chapter 13:Welcome Test(2)

5.5K 192 0
                                    

Isa isa ng tinawag ang mga pangalan ng mga estudyante at totoong nakakamangha ang mga ipinakita ng mga eto. May plant manipulator, super speed, shadow manipulator at marami pang iba. Nakanganga talaga ako habang tinitingnan sila grabe ang astig ng kanilang mga magica.

Pagkatapos magpakitang gilas nung babae ay pangalan ko na ang tinawag. Naku po paano na to ano kayang gagawin ko. Mabagal akong naglakad patungo sa arena at pagpasok ko dun nagkaroon na siya ng parang shield na siyang poprotekta sa mga nanonood sa labas. I dont know what to do. Paano ko papalabasin ang magica na meron ako kung nahihirapan akong mag concentrate dahil sa kaba.

Samantalang ang royalties naman ay hindi mapakali sa kanilang inuupuan. Natatakot sila na baka matuklasan ng lahat ng nandun na walang kapangyarihan si Crystal pag nagkataon maari siyang mapatawan ng parusang kamatayan. Nagpapanic na ang mga babae kahit kahapon palang nila nakilala si Crystal ang naging malapit na siya sa kanila at ramdam nilang may mabuti itong kalooban.

"Tumahimik kayo guys at tingnan nyong mabuti si Crystal." Biglang nagsalita si Ice kaya natigil kami sa pag-uusap at namangha kami.

Crystal Shanne's POV

Tinawag ulit ng lalaki ang aking pangalan at sinabing magsimula na daw ako. I just close my eyes and concentrate. When I open my eyes nabigla ako dahil wala na ako sa arena sa halip ay nasa isang napakagandang harden na ako. Ang ganda rito para akong nasa paraiso ng biglang may nagsalita sa aking likuran at ng lumingon ako isang babae ang nakatayo at nakangiti sa akin. Ang kanyang damit ay kumikislap at nakalutang siya sa hangin.

"Mawalang galang na po pero sino ka? Nasaan ako,anong ginagawa ko rito? Kailangan ko nang bumalik dun". Ngumiti siya sa akin at nagsalita, "tinawag mo ako binibini kaya ka narito ngayon. Nais mong malaman kong anong kapangyarihan ang taglay mo hindi ba?" Napatango nalang ako sa sinabi nong babae at nag isip. Kung tinawag ko siya maaari kayang siya ang aking inner self? "Kayo po ba ang inner self ko?". Ngumiti siya sa akin at nagsalita. "Ako si Iceya(Ay-se-ya) ang diyosa ng yelo isa ako sa iyong mga kapangyarihan binibini gamitin mo ako at ipakita sa kanila ang iyong taglay na lakas." Nagulat talaga ako guys kung ganun katulad kami ng magica ni Ice pero teka sabi isa siya sa aking mga kapangyArihan. Ibig sabihin ba nun may iba pa akong magica? Muling nagsalita ang diyosa at sinabing kailangan ko na daw bumalik dahil may welcome test pa ako. Kaya tinanong ko siya kung paano ako makakabalik doon at sinabi nya mag concentrate lang daw ako at isipin ang lugar na yon. Bago ako umalis tinanong ko siya magkikita pa ba kami she just nodded and say na tawagin ko lang daw siya.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nandito na ulit ako sa battle arena at nagulat ako sa aking nakita. Umuulan ng yelo at halata sa mukha ng mga taong doon ang pagtataka at pagkamangha. Maski ako man ay namangha sa aking mga nakita. Ng ikumpas ko ang aking mga kamay ay may nabuong ipo ipong gawa sa yelo at sa lakas nyon ay nabasag ang shield na nakapalibot sa arena kaya ganun na lang ang takot ng mga estudyanteng naroon. Hindi ko na alam ang gagawin dahil palaki ng palaki ang ipo-ipo at nasisira na ang mga upuan sa gym.

Narinig kong nagsalita sa aking isip ang HM. "Try to control your emotions and magica binibini. You have to stop now."

Pagkatapos nyang magsalita sa aking isip ay unti-unting nawala ang ipo-ipong yelo at feeling ko nadrained lahat ng lakas ko. Nanlambot ang aking tuhod at nahilo ako. Hindi ko na nalaman kung anong sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang aking paningin at hinimatay ako.

Nagising ako dahil sa kumakalam na ang sikmura ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang royalties na nakamasid sa akin. Naiilang ako sa kanilang mga tingin puno ang mga eto ng katanungan na hindi ko alam kung paano sasagutin.

"Mabuti naman at nagising kana Crystal. Alam mo bang isang linggo ka nang natutulog diyan. Akala nga namin hindi ka na magigising eh. Kaya we're glad that your okay now." Nabigla ako sa sinabi ni Kathleen. Ako daw isang linggo ng tulog?ngeeeeeeehhh. Kaya pala gutom na gutom na talaga ako. Akma akong babangon ng mabilis na nakalapit sa akin si Ice at inilalayan ako. Nakita kong nagtinginan ang ibang royalties at parang nag usap sa kanilang mga isip. Sad to say hindi ko mabasa ang mga iniisip nila dahil nakasara iyon.

"Nagugutom ako guys pwede bang kumain na muna tayo at saka na ako magpapaliwanag sa kung anong nangyari dun sa arena during our welcome test." Tumango ng sabay sabay ang mga royalties at sumunod na ako sa kanila habang inilalayan ako ni Ice. At dahil sa ginawang iyon ni Ice ayun nagwawala na naman ang puso ko. Kinikilig na naman ako parang nawala yata ang gutom ko.hahahahahaha. ang bango bango ni Ice. Busy ako sa kakasinghot kay Ice ng magsalita si Thalea at tinanong ako kung ano daw gusto kong kainin.

"Adobong manok, beef steak, pritong isda, ginataang gulay dahil kailangan ko ng vitamins dahil nanghihina parin ako at saka salad para sa panghimagas. That's all Thalea at saka orange juice pala. Thank you."

"Hindi halatang gutom ka Crystal" ang sabi ni Thalea sabay ngiti sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanila. Eh anong magagawa ko masyado akong gutom. Sila kaya nasa kalagayan ko isang linggong hindi kumakain syempre magugutom talaga ako.

Nang bumalik na si Thalea sa aming table ay nilantakan ko talaga kaagad ang pagkain na dala nya. Grabe ang sarap sarap naman neto. Nang matapos na akong kumain ay bumalik na kami sa clinic at sinabing lalabas na ako. Pagkatapos echeck ni nurse Keith ang vital signs at masiguradong magaling na ako ay pinayagan na nya akong lumabas.

Pagdating namin sa dorm ay agad akong inusisa ng mga kasama ko.

The Lost Princess Is BackWhere stories live. Discover now