Chapter 6

6.8K 239 1
                                    

Crystal Shanne's POV

Anong nangyari dun kay Ice bigla na lang siyang namula. Ang bilis nilang maglakad huh ba't ba nagmamadali ang taong 'to. Ah tao nga kaya sila? May powers sila, kaya nilang mag teleport.

Ayyst! Lalo atang nagulo ang isip ko ah. Binilisan ko na lang ang lakad ko. Iniwan ba naman ako ng mga taong eto.

Sa bilis ng paglalakad namin hindi ko na matandaan kong saan kami dumaan. Ang sabi lang ng mga kasama ko dun daw kami dadaan sa short cut. Feeling ko lang huh may pinagtataguan ang mga to. At dahil wala akong alam sa lugar na to sumunod na lang ako sa kanila. I dont have a choice naman eh.

Bigla kaming huminto sa harap ng isang malaking pinto. Ang ganda ng design may mga nakaukit na parang fairy kasi may mga wings eh. Mahilig ako sa mga fairy. Gustong gusto ko kasing lumipad.

Nakatayo lang kami sa harap ng pinto. Parang walang balak kumatok tong mga kasama ko. Magtatanong na sana ako kong hindi ba sila kakatok ng bigla na lang bumukas yung pinto. Pumasok na sila sa loob ako na lang mag isang nakatayo sa labas. Bakit parang feeling ko magbabago na ang buhay ko once na pumasok ako?

"Crystal halika na. Bat nakatayo ka lang dyan".sabi ni Ice

"Ah. Okay papasok na ako." Bakit parang iba talaga ang pakiramdam ko. Weird.

The Lost Princess Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon