Chapter 10

6.3K 211 10
                                    

Nakakapagtataka na maaga akong nagising ngayon. Correction hindi pala nagising dahil hindi naman talaga ako nakatulog buong gabi. Ang dami dami kong naiisip. Eto na ba talaga ang mundo ko? Makakaya ko ba dito kung araw araw akong makakakita ng mga taong may powers? Paano ko naman palalabasin ang powers ko kung meron nga? Makikita at makakasama ko pa kaya si mama? Makakabalik pa kaya ako sa mundo ng mga tao?

Arrrrgghhhh. Nakakafrustrate ang situation na to. Nasabunutan ko tuloy ang hair ko mashakit. How can I blend with this magical creatures? Im just a simple and ordinary girl. Hay naku makaligo na nga lang Im sure para na akong zombie neto. Kaya lang masyado akong maganda para maging zombie.hahahaha. baliw na nga siguro ako. Baka guni-guni ko lang ang mga nakita at nangyari sa akin. Kailangan kong maligo para marefresh naman ang utak ko dahil natuyo na siya sa kakaisip ko sa mga nangyari. Nakakaloka ang mga revelations ng HM.

Pagpasok ko sa banyo napahinto ako at kyaaaahhhh. Ang ganda nya grabe para akong nasa isang hotel. Katulad ang design nya nung napuntahan naming hotel ni mama sa Korea. Ayan tuloy naalala ko naman si mama. Miss na miss ko na siya sobra. Asan ka na ba ma.

Habang todo ang emote ko sa loob ng banyo sa kasamaang palad bigla akong nadulas. Aray ko ang sakit naman ng balakang ko. Namanhid siya agad at hindi ko na kayang tumayo huhu ang sakit. Nakarinig ako ng sigaw sa labas ng kwarto ko. Gusto ko sanang tumayo pero di ko na kinaya at bago ako nawalan ng malay ay narining ko ang sigaw ni Ice.

Ice's POV

"Crystal anong nangyari sayo diyan? Bat ka sumigaw Crystal sumagot ka naman oh. Pag di ka sumagot bubuksan ko ang pinto. Crystal????" Ano naman kaya ang nangyari sa babaeng yon. Bigla nalang sumigaw ng malakas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang hindi talaga sumagot si Crystal eh nagteleport nalang kami sa loob ng room nya. Pwede naman talaga mag teleport nalang kami bigla sa room nya pero we respect her privacy naman kaya kumatok muna kami.

Pagsulpot namin sa kwarto nya eh wala siya dun kaya dumiretso kami sa banyo at dun namin siya nakitang nakahandusay at walang malay.

Rain Alvin's POV

Wetwew sa wakas may POV na rin ako. Tinatamad akong mag introduce ng sarili ko kaya next time nalang akong magpapakilala. Katok ng katok si Ice sa pinto ng room ni Crystal pero walang sagot galing sa kanya so we decided to teleport na lang. Wala siya sa higaan nya so dumiretso na lang kami sa banyo at dun namin siya nakitang nakahiga at natutulog.

"Waahh grabe bilib na talaga ako sa trip ng babaeng to at dito pa talaga sa sahig ng banyo matulog." Napailing ako sa dahil sa trip nya ng bigla akong binatukan ni Fire.

"Aray ko naman Fire bat bigla kang nambabatok dyan. Anong kasalanan ko sayong apoy ka huh." Parang magkakabukol yata ako ah.

"Tanga ka ba Alvin? Di mo ba nakikita na may dalang towel ang babaeng yan so ibig sabihin maliligo na sana siya kaso nadulas kaya ayan nakahandusay at walang malay. Common since pre para kang hindi isang royalties kong umasta."

Naman eh sorry na kung masyado akong slow. Binuhat ni Ice si Crystal at biglang nawala sa harap namin. Ang lalaking yun talaga walang modo. Iwan ba naman kami bigla dito. Narining kung nagbulungan ang mga girls at sinabing sa wakas magkaka lovelife na rin si Ice. Todo kilig pa ang tatlo ng biglang mag-apoy si Fire at muntik na talaga akong matusta dahil magkatabi kami.

"Ahhy! Naman Fire bat ba bigla ka na lang nag-apoy dyan huh. Paano nalang kung nasunong ang maganda kung balat lagot ka sa fansclub ko". Deadma lang ang lalaking apoy at biglang nawala sa harap namin. Anong nangyari sa lalaking yon? Masyado siyang weird simula nong kinuha namin si Crystal sa mundo ng mga tao.

"May gusto siya kay Crystal." Nagulat kami ng biglang magsalita si Jake.

The Lost Princess Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon