Chapter 41

2.2K 75 3
                                    

Habang naglalakbay ang prinsesa at ang mga kasamahan nito papuntang Mt. Daragon ay naglalakbay ding mag isa si Anasthasia papunta sa Mt. Himpa. Hindi madali ang pagpunta sa lugar na iyon dahil bihira lamang ang nakakakita sa Mt. Himpa. Nakalutang kasi ito sa ere at nababalotan ng fog. Wala ring nagtatangkang pasukin ang fog dahil sa mga sabi sabi na hindi na nakakabalik ang sino mang naglalakas loob na pasukin ang bundok.

Ayon sa alamat maraming pagsubok ang nakaabang sa sino mang mages na magtangkang pumasok sa bundok. Katakot takot at napakahirap na mga pagsubok. Walang makapagsabi kung ano talaga ang meron sa bundok na iyon. Basta ang alam lamang ng lahat hindi mga mages ang naninirahan doon.

Ang sabi ay mga dragon daw ang naninirahan doon. Ang iba naman ay sinasabing mga bathala ang nandoon. Ngunit walang nakakaalam sa kung ano talaga ang totoo. Puro haka haka lamang ang lahat.

Ang hindi nila alam ay may dalawang mages ang nagtagumpay na pasukin ang bundok at nakabalik ng buhay. Nakapasok sila sa kadahilanang pinagbuksan sila ng bundok. Tinanggap sila ng sino mang naninirahan doon. Maari naman talagang pumasok ang mga mages sa bundok kapag may pahintulot sila sa mga nakatira doon. Hindi nga lang lahat ang tinatanggap nila. Pili nga lang at yong may mabuting saloobin lamang. Ang dalawang mages na nakapunta doon ay ang dating hari at reyna ng Arcaña. Binasbasan sila doon at binigyang ng sapat na kapangyarihan para malaban ang mga Darmonian at mabigyan ng proteksyon ang mga mababait na mages.

Alam ni Anasthasia na suntok sa buwan ang gagawin nyang pagpunta sa Mt. Himpa dahil hindi siya sigurado kong  pagbubuksan at tatanggapin ba siya ng mga nilalang na naninirahan doon. Pero kailangan niyang sumugal para sa kaligtasan ng lahat ng mabubuting mages na nasa kaharian. Hangad niya na sanay hindi siya mabibigo. Naniniwala siyang ginagabayan siya nina Athara at Aqueel.

Noong unang panahon kasi dalawang angkan lamang ang naninirahan sa Arcaña. Ang mga dragon na naninirahan sa Mt. Daragon at mga nilalang na naninirahan sa Mt. Himpa. Sila ang mga sinaunang angkan na nilikha ng mga bathala upang pangalagaan ang kaharian. Napaka payapa ng kaharian at tahimik na naninirahan dito ang mga sinaunang angkan. Nang lumaon ay nakapag pasya ang dalawang angkan na lumikha ng iba pang nilalang na maaring manirahan sa kaharian. Sa pinagsanib nilang kapangyarihan at sa tulong ng mga bathala ay nakagawa sila ng mga nilalang na tulad nila ay may mga kapangyarihang taglay at tinawag silang Mage. Hinati nila ang mga mage sa anim na grupo. Ang unang grupo ay mga mages na nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy at pinatira nila sa Fairea. Ang ikalawang grupo naman ay mga air mages at tumira naman sila sa Hasea. Ang pangatlong grupo ay ang mga water mages at tumira sa Tharea. Ang pang apat na grupo naman ay mga earth mages na siyang tumira sa Larea.  Ang panlimang grupo naman ay ang mga ice mages na siyang tumira sa Yasea. At ang pinakahuling grupo ay mga mages na nagtataglay ng kapangyarihan ng kidlat at kilala sa pagiging mga warrior mages ay tumira sa Kareea.

Pinangangalagaan ng mga diwata ang limang grupo ng mga mages. Si Fierro ang diwatang tagapangalaga ng brilyante ng apoy ang siyang nagbabantay sa Fairea. Si Harim naman ang nagbabantay sa Hasea at siyang tagapangalaga ng brilyante ng hangin. Ang tagapangalaga naman ng brilyante ng tubig ay si Tharious at siyang nagbabantay sa Tharea. Ang diwatang si Laresia naman ang nagbabantay sa Larea at ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa. Ang Yasea naman ay binabantayan ni Iceya ang diwatang tagapangalaga ng brilyante ng yelo samantalang si Kessia naman ang tagapagbantay ng Kareea at siyang pinuno ng lahat ng mga warrior mages.

Matalik na magkaibigan ang anim na diwatang nagbabantay sa mga mages. Noong una ay masaya ang pamumuhay ng lahat ng mga mages. Nagmamahalan at nagbibigayan ang lahat. Ngunit dumating sa punto na nagsimula na silang mag away away dahil sa pagiging sakim ng iba. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng anim na mga grupo. Hindi na napigilan ng mga diwata ang labanan dahil hindi na sila pinapakinggan ng mga mages.Sobrang nabahala ang anim na diwata kaya napagpasyahan nilang sabihin sa mga sinaunang angkan ang mga nagyayari sa kaharian. Nagpadala ang mga bathala ng isang lalaki na nanggaling sa Mt. Daragon at isang babae galing sa Mt. Himpa doon sa kaharian. Ang dalawa ang tumapos sa labanang nangyayari at sila ang naging kauna unahang hari at reyna ng kahariang Arcaña na nanggaling sa kanilang pangalan na Arca at Caña. Ibinigay ng mga bathala kay Caña ang brilyante ng apoy,hangin at tubig. Kay a naman ang brilyante ng lupa at yelo. Siya na rin ang namuno sa mga warrior mages. Ginawa ito ng mga bathala ng sa ganun ay tuluyan ng matigil ang labanan dahil wala na sa limang bayan ang mga brilyante. Nanirahan sa mismong palasyo ng Arcaña ang hari at reyna kasama na ang anim na mga diwata.

Sa paglipas ng mga panahon ay bumalik na sa Mt. Daragon si Arca at sa Mt. Himpa naman si Caña. Ipinasa nila sa mga royal mages ang pagiging hari at reyna ng kaharian. Hanggang sa sina Aqueel na at Athara ang namuno sa kaharian. Si Aqueel ang general ng mga warrior mages samantalang si Athara ay ang nagmamay-ari ng limang brilyante.

Lingid sa kaalaman ng lahat may grupo pala na nabuo ang mga masasamang mages at dahil sa paghahangad nila ng labis na  kapangyarihan ay lalo silang naging masama. Palihim silang kumikilos at nanghihikayat ng ibang mages para umanib sa kanila. Magkapatid na lalaki at babae ang siyang naging lider ng mga dark mages at ang mga yon ay sina Damon at Zahya.

Si Damon at Zahya ay matalik na kaibigan nina Aqueel at Athara. Ngunit ang magkapatid ay umiibig kina Aqueel at Athara. Isang sakim na pag-ibig na siyang naging daan para magkaroon ng digmaan at siyang dahilan ng pagkasawi ng dating hari at reyna ng Arcaña.

Alam ni Anasthasia na mauulit na naman ang digmaan. Nakikita niya ito sa kanyang pangitaen. Si Anasthasia ay isang seer na nanggagaling sa Larea. Isa siyang earth mage. Nakasakay siya ngayon sa kanyang alagang agila papuntang Mt. Himpa. Kailangan niyang makumbinse ang sinaunang angkan na tulungan sila sa nalalapit na digmaan. Nangako ang mga dragon na tutulong sila kaya medyo nakakampante siya sa ngayon. Sana nga lang makumbinse din niya ang mga







































































Taong ibon na naninirahan sa Mt. Himpa.

******************************
Medyo malapit na tayo sa ending sweeties. Keep on voting! Dont forget ur comments and violent reactions. Magparamdam na kayo mga silent readers ko dyan.

******************************

The Lost Princess Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon