T W E N T Y - F I V E

Bắt đầu từ đầu
                                    

Nasan na siya? Saan siya nagpunta?

"Si?"

"Kausap ko si ano, yung halaman kasi parang malalanta na. Sabi ko kailangan niyang kumapit para mabuhay." Palusot ko saka pilit na tumawa.

"Mission number 4 has ended." Isang kataga ang lumabas mula sa mga speakers na rinig na rinig sa buong campus.

Nagawa kaya namin? Este, nagawa kaya nila?

"Waaaaahhh!" Nakarinig kami ng mga sigaw at maraming putok ng baril na nanggagaling sa kung saan-saan.

Ilang minutong nagpatuloy ang putukan at sigawan hanggang sa tumahimik ang buong kapaligiran.

"Camplet 1, Camplet 3, Camplet 4, Camplet 5, Camplet 6, Camplet 8, Camplet 9, Camplet 10, Camplet 11, Camplet 12, Camplet 15, Camplet 16, Camplet 18, Camplet 19 and Camplet 20... Have been eliminated."

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako or what. Nakaligtas ang Camplet namin pero labinglimang Camplet ang nawala, maraming estudyante pa ang namatay.

Ang ibig sabihin lang nito... Lima na lang ang natitira at sure akong mas magiging malala pa ang mga susunod niyang ipapagawa.

"Camplet 2, Camplet 7, Camplet 13, Camplet 14 and Camplet 17 have made it until Day 2."

"Sure akong mas magiging madugo pa ang mga susunod na missions." Nasabi ko na lang.

"The toughest and the greatest will be able to escape this hell. Good luck!"

Namatay na nga ang mga speakers at muling nagbalik ang tahimik na paligid.

Agad kaming pumunta sa quarter namin at nadatnan ang iba doon.

"Nasaan na ang iba?" Tanong ko.

"May namatay na dalawa... Si Arthur at si Denise." Malungkot na sambit ni Tim.

"Hindi ba't kasama mo si Arthur, Jenny?" Tanong ng isang babae na humahagulhol sa kaiiyak.

Siguro girlfriend niya ito kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya.

"Ewan ko, nagpaalam kasi ako sa kaniya na pupunta lang sa cr kagabi tapos pagbalik ko, patay na siya." Sagot ni Jenny.

"Dapat hindi mo siya iniwan!" Sigaw pa nito.

"Tama na. Walang may gusto sa mga nangyari." Sabat ko.

Napatingin ako sa hindi nagkikibuang si Riko at Sandra kaya lumapit ako sa kanila.

"Ano namang nangyari sa inyo?" Tanong ko ngunit wala ni isa ang sumagot.

Napatakip ako ng ilong ng maamoy ang mabahong something sa kanila.

Napatingin ako sa kamay ni Sandra at sa mukha ni Roy na parang may natuyong marka ng tsokolate.

"Eww." Nasabi ko na lang at ipinaypay ang kamay ko sa harap ng ilong ko.

Sinamaan nila ako ng tingin na tila ba kakainin ako ng buhay.

"Chill." Taas kamay kong nasabi.

Ano ba kasing nangyari sa dalawang to at ganito ang mood nila?

Napatingin ako sa nagpipigil ng tawang si Zac.

May something sa tatlong ito na hindi ko alam. I smell something poopy.

Binigyan ko na lang sila ng isang ngiwi saka lumabas.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Grey na ngayon ay nasa harapan ko.

"Magpapahangin." Sagot ko at naglakad na.

Sumunod siya sa akin at napunta kami dito sa fave spot ko.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Eto kasi ang pinakapaborito kong lugar dito sa school.

Isa itong open field pero nababalutan ito ng medyo hanggang tuhod na mga damo at marami ding bulaklak ang nandito na nagbibigay halimuyak kasabay ng pagpalo ng hangin.

Dati daw kasi itong soccer field kaso nawala na ang soccer team kaya matagal itong hindi nagamit.

Naupo ako doon sa maliit na punong nasa gitna nito.

Kaisa-isang puno lang ito dito at espesyal ito sa akin dahil maraming mga ala-ala ang narito.

Dito kasi ako umiiyak kapag may problema, dito rin ako pumupunta kapag gusto kong mag-isip o kaya naman may problema ako sa grades at kailangan ko ng tahimik na paligid para mag-aral.

Never akong nagsama ng kahit sino dito at first time ko dahil naupo na rin sa tabi ko si Grey.

"Ang ganda no?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang malinis at maaliwalas na field.

"Mas maganda ka pa rin." Bola niya kaya napangiti ako.

He always makes me smile.

"Thank you." Sambit ko na hindi niya nakuha kung para saan.

"For what?" Tanong niya.

"For making me smile kahit na hindi dapat." I answered.

"Of course, that's one of my missions." Sagot niya saka ngumiti.

"Talaga?"

"Not actually, pero it is one of my personal missions."

Napatingin ako sa kaniya.

"Thank you." Muli kong sambit at sumandal sa kaniyang balikat.

Hinaplos haplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.

"Huwag tayong susuko. Kailangan nating malagpasan to lalong lalo na ang mapigilan ang fate mo." Saad niya saka inakbayan ako.

"Don't worry, wala akong intensyon at never akong susuko." Sabi ko.

"I like that spirit."

"Ako pa! Si Rienne Allison ata to!"

Nakarinig kami ng isang tikhim kaya napatingin kami sa gilid ng puno at nakita si Nicole na kanina pa palang nakasandal doon.

"Sorry to interrupt your sweet moment pero sa tingin ko ay kailangan niyo nang tumayo." Sabi niya.

Nahiya naman kami kaya agad kaming tumayo at pinagpagan ang aming mga sarili.

"Meron na kaming lead." Napatingin naman ako sa kabilang gilid kung saan biglang sumulpot si Blake.

Ano ba naman tong dalawang to parang mga multong basta-basta na lang sumusulpot.

Nagiba ang atmospera namin at naging seryoso.

"Tell us." Saad ni Grey.

"They're preparing for the ritual." Sagot ni Nicole na para bang alam ang lahat.

"Ritual?" Tanong ko.

"A ritual na makakabuhay sa kaniya." Ani ni Blake.

Wait, gulong gulo na ulit ang utak ko.

"The reason they're doing this is to collect enough souls in order to accomplish the ritual that can bring him back into life." Dagdag pa ni Nicole.

Sinong him?

Kaya pala kinukulong nila ang mga kaluluwa ng mga namatay na.

"We need to protect you dahil ikaw ang huling sangkap... At ang pinakamahalaga." Saad ni Blake.

Ako na naman?

"Yes, because you are their queen." Ani naman ni Grey.

Ano ba kasi ang plano ng Devil's Empire? Sino ang bubuhayin nila at bakit nila kailangan itong buhayin?

"We need to move. Your head, Dean Ferrer, is under their control and power."

Tama. We need to move.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ