CHAPTER EIGHT

8.4K 97 4
                                    


Hindi ko alam kung saan kami maaring pumunta. Masyadong magulo ang aking isipan sa biglaang pagsulpot ulit ni Zachary, alam ko na magagawa nyang kunin ang mga anak ko.

Pero hindi ako makakapayag, sila nalang ang meron ako kaya gagawin ko ang lahat para wag lang sila mapalayo sakin.

Masyadong gulo muli ang aking pag-iisip sa biglaang pagkikita namin ng ama ng mga anak ko, sa tagal ng panahon na akala ko eh ok na anglahat na tipong nakalimutan ko na siya dahil maayos naman kaming nabubuhay ng mga anak ko na sila lang masaya at kontento na ako, kaya hindi ko kakayanin kung ilayoa sila sa 'kin.

Kahit alam ko sa puso ko na hindi ko parin sya nakakalimutan, pero masyadong masakit ang ginawa nya sa'kin kaya, ang damdaming pilit umuusbonh sa muli naming pagkikita ay pilit kung pinapatay.

Habang lulan kami ng taxi at tintigan ko ang mga anak ko na nakatulog na sa sobrang pagod, di ko alam hanggang saan at kailan ko sila maitatago ang tunay nilang pagkatao at kung sino ang ama nila pero hanggat makakaya ko na itago at itakbo sila ay gaagawin ko.

"Mga anak ko, hindi papayag si mommy na makuha kayo sakin ng daddy nyo,gagawin ko lahat" Kausap ko sa kanila kahit na alam kung hindi nila ako naririnig.

Mabuti nalang at may malayong kamag-anak si Greg sa Quezon at doon nya kami tinuro na magpunta para hindi kami masundan ni Zachary.

May tiyahain sya dun at pinsanin na naninirahan, pansamantala doon muna kami habang nag-iisip ako ng paraan kung paano kami mas makakalayo ng mga anak ko.
Alam ko napaka imposible pero susugal parin ako na baka sakali maitago ko parin sila kahit na palagi ako nangangamba na bigla-bigla nalamang susulpot si Zacahary.

Mga ika-apat na ng hapon ng makarating kami ng Quezon, sinalubong kami ng Tiyahin ni Greg na si Tiya Azon, sobrang bait nila at agad nakapalagayang loob ng mga anak ko .

"Maraming salamat Tiya Azon sa pagpayag nyo na manirahan kami pansamantala sa tahanan nyo." Matapat kung pahayag habang magkaharap kaming nag-uusap sa may sala.

Nakatulog na ulit ang mga bata sa sobrang pagod pagkatapos nilang kumain ng hapunan.

"Walang ano man iha, hindi kana iba sakin, gayong malapit ka sa pamangkin kong si Greg, binilin ka nya ng maigi sakin,paulit-ulit nga eh" Pahayag ni Tiya Azon.

"Maraming salamat po talaga, maghahanap din po ako ng pwede namin matuluyan ng mga bata na malapit sa inyo para dun po kami mag stay, habang nasa Quezon po kami."

"Kung iyan ang gusto mo, pero maari naman kayo na manatile sa bahay namin, pero kung nais mo tlaga bumukod irerefer kita dyan sa kalapit bahay namin, sakto at bakante yun at mag migrate na daw sa US yung mag-asawa na nakatira kukunin ng mga anak nila."

Mahabang salaysay ni Tiya Azon. Sakto sa naiisip ko na may mahanap na tutuluyan at makapagsimula kami ng mga bata.

"Malaking tulong na po na mapatuloy nyo kami pansamantala dito, balak ko rin magtayo ng tindahan para kahit papano may libangan at pagkakitaan po ako".

"Oh sya sige ikaw ang bahala, bukas na bukas din ay kakausapin natin sila magpahinga kana at malayo ang binyahe nyo para makarating rito."

"Sige po Tiya Azon,magpahinga narin po kayo, salamat po ulit ."

At agad akung pumasok sa silid kung saan nakahiga ang mga anak ko, agad ko silang tinabihan at hinalikan isa-isa, alam kung sobrang hirap nitong sasalubungin kung pagsubok, pero kakayanin ko lahat para sa kanila.

Kahit maghating gabi na hindi parin ako dalawin ng antok, labis parin ako nababahala sa biglaang pagsulpot ni Zachary. Kaya kung saan-saan napadpad ang isip ko aa mga posibilidad na mangyari. Masyadong mayaman si Zachary para hindi makagawa ng paraan para hindi ako mapapayag sa no mang naisin nya. He can do magic using his own name.


Kinabukasan maaga parin ako gumising, kahit madaling araw na nang makatulog ako, bukod sa namamahay ako eh, sa dami narin ng iniisip ko, sana lang hindi kami masundan dito ni Zachary. Gusto lang naman na mamuhay kami ng tahimik ng mga anak ko, kahit na alam ko na darating ang panahon na magtatanong sila tungkol sa kanilang ama.

Ayaw ko muna mag-isip sa ngayon,kahit ngayon lang gusto ko muna matahimik ang utak ko.

"Hello Greg?"

"Hello gerl ano na?kumusta kayo dyan?"

Masayang bungad sa akin ni Greg ng tawagan ko sya.

"Ayos lang kami rito,mukhang enjoy naman ang mga bata, baka magpasama ako sa pinsan mo para mapuntahan ang school kung san ko sila pwede itransfer."

"Talaga ba na plano mo magpakabundok-bundok gerl? Bakit di mo nalang kasi kausapin si Papa Zachy malay mo may second chance pa"

Kinikilig na litanya ni Greg sakin, hays sana ganon kadali ang lahat, kahit para nalang sana sa mga anak ko, pero kasi hindi ganon yun kadali eh.

"Greg, pinagsasabi mo? Sa lahat ng kaibigan ko, ikaw ang nakakalam ng lahat ng mga pinagdaanan ko, kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko, masyadong magulo ang lahat yung akala ko okay na ako, hindi pa pala ngayon nagkita nanaman kami."

Mababang boses na litanyan ko kay Greg, dahil sa lahat ng tao si Greg ang nakakalam ng lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng hirap mula ng umalis ako at magpakalayo-layo.

"Gerl, naiintidihan kita ang sa akin lang naman hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan mo makakayang itago ang mga anak nyo? matatalino ang mga anak mo darating ang araw na magtatanong at magtatanong sila bakit hindi nila kasama ang kanilang ama, lalo at nag-aaral na sila."

"Hindi ko alam sa totoo lang Greg, gulong-gulo na isipan ko pero alam mo na lahat kaya ko gawin para sa kapakanan ng mga anak ko, kung dumating man ang araw at magtanong sila, sana masagot ko sila ng tama at sana maintindihan nila ako"

Naiiyak na pahayag ko habang tahimik na nakikinig sa Greg sa kabilang linya.

"Oh s'ya gerl, sige na mag-iingat kayo dyan ano man ang mangyari or magkaproblema man, wag ka mahiya tumawag sakin and nandyan naman ang tiya at pinsanin ko para matulungan ka sa mga bata."

"Maraming salamat Greg, sobrang laki ng utang na loob ko sayo, sa lahat ng sakripisyo mo samin. Hindi ko alam paano ako makakabawi sayo pero sana sa oras na mangailangan ka ng tulong hwag ka mahiya na magsabi sakin."

"OO na gerl drama naman, oh sya ba-bye na regards nalang sa mga bagets."

After namin mag-usap ni Greg, nanatile akung nakatulala at inalala ang mga posibleng mangyari sa oras na magahanap na ng ama ang aking mga anak, at sana sa oras na dumating yun sana masagot ko sila ng hindi nasasaktan.

Lingid sa kaalaman ni Elise may taong nakamasid sa kung nasaan sya.

"Try harder baby, cherish this moment because I'm gonna have you back and I'm gonna punish you for hiding my child."

#KBMEH

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now