CHAPTER TEN

8K 79 6
                                    

CHAPTER TEN
●◉◎◈◎◉●

Monteverde General Hospital
Mabuti nalang at dito sa Hospital na 'to nadala ni Elisse ang anak namin, at least kampante ako na maaalagaan at mamomonitor ang kalagayan nya.

Kaibigan at kasosyo ko sa negosyo ang anak nang may-ari nito na sya ring magmamana ng lahat ng Hospital branches na meron sila.

"Dude, anong masamang hangin at napatawag ka?"

Bungad sakin ng gago, matapos sagutin ang tawag , minsan di ko alam bakit nagkaron ako ng mga ganitong kaibigan, si Harold Marphore na gala palibhasa tagapagma ng mga barko ng magulang eh hindi mapirmi sa kalupaan tang*nang ’yon, itong si Axel Moteverde naman tagapagmana ng Hospital ng mga magulang nya, na saksakan ng babaero lahat nalang gustong bakunahan ang motto sa buhay, si Ichigo Montes na eroplano naman ang trip sa buhay na gawing laruan kakalapag palang gusto nanaman lumipad, taena may binabahay na yata sa himpapawid.

"Gago, nasa Quezon ka ba?" Tanong ko kay Axel.

"Oo dude, may pasyente ako kanina, tangina dude tatawagan na dapat kita kasi nung makita ko yung bata ikaw naalala ko, para kayong pinagbiyak na bunga eh, tangina may nabuntis ka ba na hindi namin alam?"

Mahabang litanya ni gago, di ko pala nabanggit, marites ng tropa to.

"Anak ko yun"
Sagot ko sa kanya, nothing to hide though, they will know it sooner or later.

"Tangina dude! Kanino? Hayop ka ang tinik mo tlaga, sabi na kapag tahimik matulis"! Gulat na gulat na balik ni Axel sa sinabi ni Zachary.

"Gagu, isa lang naman naging girlfriend ko, hindi nyo katulad mga babaero!"

Tinawanan lang ako ng gago palibhasa totoo.

"Tumawag ako para kamustahin kalagyan ng anak ko, ayusin mo serbisyo mo pasasabugin ko Hospital nyo at i-pullout ko qng share ko kapag may nangyaring masama sa anak ko! At magpapakuha narin ako ng dugo na kailangan nya."

"Tangina mo, gago! Hahaahaha. Kami pa ba, sige puntahan mo ako sa office para masamahan kita for Lab test na kailangan, hwag mo takutin mga empleyado ko! Istorbo ka kahit kailan!"

Binabaan ko na ng tawag si Axel at agad na nagtungo sa reception para itanong kung saan ang opisina ng gago, sigurado may tinuturukan nanaman yun kaya feeling na istorbo ang loko.

After ng Lab test agad din nakuha ang result, at compatible kami ng anak ko, malamang! Anak ko yun eh.Tangina lang iba yung pakiramdam ko para akong nakalutang ng makita ko kanina ang anak ko, bukod sa pangamba na malaman kung naconfine s'ya, yung pakiramdam na nagbunga rin pag o-overtime ko sa nanay nila.Masama lang tinaguan!

Pagbalik ko sa loob ng private room ng anak namin ni Elisse kung saan iniwan ko sya kanina para maasikaso ang mga dapat gawin at makausap ng personal si Axel.

Pero badtrip pagdating ko naabutan kung nakayakap sa kanya yung gaging si Adrian! Buhay pa pala tong gago na 'to, dapat pinatapon ko nalang ng Nigeria to ng hindi na nakalapit sa asawa ko.

"Eherm.." kunwaring nasasamid, para makuha attention nila.

Agad naman silang lumingon sa gawi ko, at nakipagtitigan kay Adrian na mapapel sa buhay naming mag-asawa.

"Brad, kumusta?"
Baling sakin ni Adrian at naglahad pa na kamay, agad ko namang tinanggap at piniga ng pasimpli.

Nakita ko na napangiwi ito at lumingon sa asawa ko, gago tlaga mag-iinarte pa tlaga.

"Ayos lang, buhay ka pa pala?" Sagot ko sa kanya, na kinangiwi nya at agad na paglingon sakin ni Elisse.

"Zachary!!" Pasigaw na tawag sakin ni Elisse

KIDNAPPED BY MY EX-HUSBANDWhere stories live. Discover now