Ayoko ng Balikan

41 2 0
                                    

March 5, 2017

Ayoko ng balikan ang nakaraan
Pighati lang ang aking naranasan
Buhat nu'ng ako'y iyong iniwan
Mga mata ay palaging luhaan.

Bakit ba kinakailangan
Na ako'y iyong saktan?
Nagmahal lang naman
Ako ng lubusan.

Tuwing naaalala ko
Mga pasakit dulot mo
Di ko maiwasang manlumo
Dulot ng alaala ay kirot sa puso.

Tapos na akong lumuha
Gusto ko ng makawala
Sa gapos ng tanikala
Na dulot ng yong pagkawala.

Ayoko ng alalahanin
Mapait na kwento natin
Dulot nito'y sakit sa damdamin
Kaya gusto ko na talagang limutin.

Ayoko ng balikan mga pangako
Na sadyang napako
Dahil ikaw ay mapaglaro
Sa puso kong tuliro.

Ayoko na..
Sana'y lubayan na ako ng iyong alaala
Upang sakit ay mawala na
Naway kaawaan ako ng tadhana.


Hugot ni PrettilayWhere stories live. Discover now