Chapter 32: Baby Don't Cry (Part 3)

Start from the beginning
                                    

Sinundan ko din naman sila kaagad. Hinayaan namin ni Taki si Tobbie na buksan ang pinto. The creaking sound of the door adds more to the horror that's building up in the air. Maingat kami na para bang may kung anong nag-aantay sa aming hindi maganda sa likod ng pintong nagsisilbing harang.

Tahimik at magkakasabay kaming pumasok sa loob at kaagad na pinailaw ang mga dala naming flashlight bago pa kami tuluyang kainin ng kadiliman.

London bridge is falling down, falling down, falling down
London bridge is falling down~

Nagulat kaming tatlo nang bigla naming marinig ang kanta ng isang lumang nursery rhyme. Sinuyod namin ng tingin ang paligid gamit ang ilaw ng nga flashlight namin kaya nakita namin agad ang vintage disk player na siyang pinanggagalingan ng ng tunog. We instantly compressed ourselves when we realized that the darkness inside the house was due to the absence of electricity. We figured it out kanina nang mapansin namin ang nasirang kable sa poste ng kuryente na nasa gilid ng bahay nila. So how come that a disk player would play without the use of electricity? Pero mas kinilabutan ako nang mapansing may tunog ng umiiyak na sanggol ang sumasabay sa tugtog ng disk player.

"Narinig niyo yun?" Tanong ko sa dalawang kasama ko.

"Oy! Wala namang ganyanan!" Kinakabahang wika ni Taki.

"Alam niyo ba na ayon sa mga sabi-sabi ay kapag nakarinig daw ng malakas na iyak ng sanggol ay malayo para daw iyong tiyanak pero kabaligtaran naman iyon kapag humina na ang tunog. Ibigsabihin kasi nun ay nasa malapit lang ito." Paliwanag ni Tobbie at isiniksik ang sarili sa amin ni Taki.

Kung totoo man ang sinasabi niya ay pasalamat kami at malakas pa ang iyak na naririnig namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa kanilang sala. We all halted in between our steps when we spotted something. Inilawan namin iyon at bahagya kaming napaatras dahil si Manang Melba iyon na naliligo sa sarili niyang dugo habang dilat na dilat ang mga mata.

"Si... si Manang Melba yan di ba?" Nanginginig na tanong ni Taki.

Nilapitan ni Tobbie ang katawan at tsinek ang pulso nito. Marahan niyang binitawan ang palapulsuhan nito at umiling. Dahil doon ay naramdaman kong mas kinabahan tuloy lalo si Taki sa tabi ko.

"Taki!" Magkapanabayan naming tawag ni Tobbie sa kanya nang bigla siyang tumakbo paakyat ng pangalawang palapag.

Sa tingin ko ay pupuntahan niya ang kwarto ni Mariel. I understand that she's very eager to save her friend but she must also have to learn to calm down and not to act on mere reflex! Ako kinakabahan sa kanya e! Paano na lang kung makabangga niya bigla yung tiyanak?

Mabilis namin siyang hinabol ni Tobbie paakyat ng hagdan. Maya-maya pa ay may narinig na kaming pagbagsak ng kung ano sa may pangalawang palapag. Nahinto kami ni Tobbie at nagkatinginan.

"Anong nangyari?" I asked but he shook his head and took big and faster steps going there instead. I did the same too.

Pagkarating namin doon ay nakahinga kami ng maluwag ng makita si Taki na ligtas at inaalalayan ang walang malay na si Mr. Dela Vega. Maagap naman siyang tinulungan ni Tobbie sa pagbubuhat sa ginoo.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Taki.

"Nadapa ako nang makatungtong na ng tuluyan sa second floor dahil kay Mr. Dela Vega na nakahiga dito na walang malay."

Mystic Club: The Paranormal DetectivesWhere stories live. Discover now