Thirty Nine

29.4K 1K 38
                                    

Ngayon na ang pinaka hihintay na Wedding day ni Luisa at Justin.

Isa ako sa mga abay, kaya naka gown ako kahit na ayaw ko talagang mag suot ng gown wala akong choice dahil kasal 'to ng isa sa best friend ko.

At dahil kasal na nga nila ngayon, ang baby Ian ko ang bridal car nila. 'Yun kasi ang panalo nila sa pustahan namin noon kay Damon. Sobrang saya ko kapag naaalala ko ang pustahan na 'yun dahil feeling ko dun nag simula ang lahat sa'min ni Damon. Noong una seni-seduce ko lang siya para mahalikan. Hanggang ngayon pa din naman. Haha.

Ang pinagkaiba lang, ngayon mabilis na siyang ma-seduce sa karisma ko.

Ang groom ay nandito na sa simbahan kasama ang best man niyang sino pa ba ang the bestman in my life na si Damon takosa Lawrence. Ang gwapo-gwapo niya ngayon, sobra! Ni halos hindi ko nga mai-alis ang tingin ko sa kanya eh. Baka kasi may biglang lumapit sa kanya na babae at makasapak ako, pero syempre dahil alam kong nandun pa din ang fear niya kampante pa din ako.

Kung ako hindi maalis ang tingin sa kanya, syempre ganun din siya sa'kin. Patas lang.

Kung ang groom ay nandito na ang bride ay malapit na daw. I don't know, 'yun lang ang naririnig ko.

Sana naman hindi nagloko si baby Ian dahil baka maging sanhi pa siya ng pagka-late ng bride. Tsk. Nagugutom pa naman na 'ko. Haha.

"Beb," Tawag sa'kin ni Majah kaya binaling ko ang tingin sa kanya.

"What?" I asked.

"Pansin mo?"

"Ang alin?"

"Halos hindi maalis ng boyfriend mo ang tingin sa'yo!"

"Oo naman nu!"

"Ganda mo eh nu?"

I laughed. "Ikaw lang eh, hindi ka bilib."

"Kayo na ba susunod na ikasal?" Tanong niya kaya napatingin na naman ako sa takosa ko, kausap lang niya ang kinakabahan na si Justin. Sumulyap siya sa'kin at ngumiti, ngumiti din ako sa kanya bilang sukli.

"I wish kami nga kaso lang, alam mo naman kung gaano ka-komplikado si Takosa 'di ba?" Sagot ko sa tanong niya tsaka ko binalik ang tingin sa kanya.

"Nag fi-freak out pa din siya kapag binabanggit mo 'yung kasal?"

"No, hindi naman na, tsaka isang beses palang ulit namin na napagusapan 'yun."

"I see."

"Anyways, kumusta kayo ni Mario?"

"Well, we started to date again."

"What do you think? Mag wo-work na ba ngayon?"

"Sana, ayaw ko namang mabigo ulit sa kanya sa pangalawang pagkakataon."

I giggle. "'Wag kang nega dyan!"

Binaling ko ulit ang tingin kay Damon at ngayon ay kausap na ni Papa. Yup, nandito din ang parents ko Ninong at Ninang sila sa kasal eh.

Napa ngiti ako nang makita kong relax lang na kausapin ni Damon si Papa, para nga silang mag ama na eh.

"Finally, nandyan na si Luisa." Maj said kaya nabaling ko ang tingin sa direksyon ng kotse ko.

At dahil nandito na ang bride, sinimulan nang papilahin ang mga Ninong at Ninang at mga abay kasama kami ni Maj syempre para masimulan na ang entourage.

Nag simula ang lahat sa paglalakad sa Aisle hanggang dumating ang turn ko sa paglalakad. Nakatitig lang ako sa mahal kong takosa while walking, ganun lang din naman siya sa'kin. Nakita ko pa ngang siniko siya ni Justin bilang pang tease siguro.

Feeling ko tuloy ako ang ikakasal. Hihi.

Nakarating na 'ko sa uupuan ko pero 'yung tingin ng takosa ko hindi pa din inaalis sa'kin.

I make a pa-cute face to him kaya napangiti siya. Papasa siguro akong clown sa kanya, napapangiti ko lagi eh.

Ang huling rumampa ay syempre ang magandang bride na si Luisa, kasabay ang parents niya para ihatid siya. Hanggang sa makalapit sila kay Justin at tsaka sinimulan ang wedding ceremony.

Nang matapos ang weeding ceremony... oras naman ng picture-an kasama ang newlywed couple.

Sa wakas makakalapit na ulit ko kay Takosa ko. Ganun din siya. Siya ang unang lumapit sa'kin kaya bilang pag salubong ini-open ko arms ko para salubingin siya ng yakap.

"Napaka ganda mo talaga my love." He whispered.

I giggle. "Napaka gwapo mo naman, my takosa."

Bumitaw kami sa pagkakayakap at pinagmasdan ang newlywed couple. Turn ng mga Ninong at Ninang ang mag pa picture with the couple.

"Anong pinagusapan nyo kanina ni Papa?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa parents ko.

"Mmm. Just a guy staff."

"Like what?" I asked.

"Work and Business."

"I see." Ang boring naman ng pinagusapan nila.

Now turn naman naming mga abay ang mag pa-picture sa couple. Nag paalam lang ako sandali sa mahal ko at pumunta na sa couple para syempre batiin sila.

"Congrats beb!" Sabay naming bati ni Majah sa kanya at binigyan namin siya ng sandwich hug.

She groans. "Bebs!" Pagaangal niya kaya natawa kami ni Majah.

Okay back to serious, nag pa picture na kami with them. Nang matapos 'yun bumalik na 'ko sa boyfriend ko na kasama na ngayon ang parents ko.

"Sa'min ba kayo sasabay papuntang reception, Ma?" Tanong ko pagkalapit sa kanila.

"Yes! Hindi namin alam ang papunta dun." Sagot ni Mama.

Dumating ang oras ng paghagis ng Luisa sa bulaklak niya bago kami umalis sa simabahan. Ayoko sanang makigulo sa mga single ladies na gustong sumalo ng bulaklak kaso hinila ako ni Majah.

Hinila niya 'ko sa harap, nang makita na kami ni Luisa ngumiti siya at bigla niyang hinagis sa'kin ang bulaklak kaya wala na 'kong nagawa kundi ang saluhin ito.

Baklang 'to! Sinadya niya 'to!!

Tumawa si Maj na halatang ka-kuntyaba ni Luisa. Kaloka sila!

Kumindat lang sa'kin si Luisa ng mapangasar tsaka siya tumingin sa dirkesyon ni Damon kaya napa tingin din ako sa direksyon niya.

Umiwas siya ng tingin at napakamot sa likod ng ulo niya at kahit medyo malayo kita kong nag ba-blush siya.

Tsk. Ba't po ang cute niya?

Hay! Kasabihan lang naman 'to eh, imposible namang ako talaga ang sunod na ikakasal dahil sa boyfriend kong takosa. Tsaka hinagis lang 'to ng sadya ni Luisa sa'kin kaya imposible mangyari 'yun!

Tsk. Sige, kumbinsihin ko pa sarili ko!

Since tapos naman na ang paghagis ng bulaklak, lumapit na 'ko sa parents ko at takosa ko bitbit itong bulaklak.

Nakakahiya 'to promise!

"Nice catch, sweetheart." Mom teased.

"Mom, sinadya lang 'yun ni Luisa." Bumuntong hininga ako. "Alis na tayo?" Pagbabago ko agad ng topic.

Sumangayon naman silang lahat.

Sumakay na kami sa kotse ni Damon. Sila Mama at Papa ay nasa back seat kami ni Damon syempre dito sa front seat.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe, sinisimplihan ko ng tingin si Damon para makita pa more ang rekasyon niya sa pagkakasalo ko nitong bulaklak. Wala naman akong ibang makita kundi ang pag focus niya lang sa pagmamaneho.

Tsk. Baka kapag nainip akong mag hintay na pakasalan niya, baka ako na ang mag propose sa kanya! Kaloka!

--

Sorry maikli. Hehe.
Keep voting po.

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon