Chapter Twelve

30.3K 1K 58
                                    

Majah visited me today.

She brought some beers kasi wala ng stock dito sa bahay. Ang dahilan niya para bumisita ay dahil alam na niya ang tungkol sa uh.. rejecting ni Damon. Not totally nireject, sadyang sarado lang talaga daw ang utak niya sa mga pakikipagrelasyon.

Kaya itong kaibigan ko, dadamayan daw ako. Edi wow! Akala niya ata na broken hearted na agad ako sa takosang yun eh hindi naman, siguro na disappoint lang pero na hurt ng bonga, hindi ah.

Inabutan niya ko ng beer at nag offer ng cheers. "Para sa pagmomove on sa takosang yun."

"Para sakin!" Nakipag cheers ako at di ko na napigilang matawa nung mainum ko yung beer. "Seryoso ka talaga dyan sa pagdamay effect mo sakin? Kasi beb, promise okay lang ako."

"Alam namam natin na kapag sinasabi ng mga taong okay lang ako, ibig sabihin hindi."

I rolled my eyes. "It's not a big deal. Gusto mo lang ng kainuman eh." She laughed, means... tama ako! Kainuman lang talaga ang gusto niya at ginamit pa niya ko. Pambihira talaga. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nag open ng social media account ko.

Laking bigla ko na inaccept ni Damon ang friend request ko.. pinakita ko yun kay Maj. "Look he accepted me." I said grinning, playfully.

"So.. weird. Tinangihan niya yung offer mong tulungan siyang maovercome yung gyn-cheme na yan, at sinabihang wala kang mapapala sakanya.. tapos iaaccept ka naman pala niya sa social media."

"I know." Matipid kong sagot. Sa totoo lang simula palang talaga weird na siya, ano pa bang bago dun?

"Should i message him?" I asked smirking, sniffily.

"Don't ever think about it!"

"Why not?" I asked making a fake innocent face.

"You're too good for him." I laughed at her words. Yah! Ganyan talaga ang kaibigan, uutuin ka.

Inagaw nalang niya sakin yung cellphone ko at itinabi. "Gusto mong ituloy natin tong inuman sa Club?" She asked.

"No, wag na dito nalang tayo mamaya mapaaway pa ko dun. Alam mo namang mainitin ulo ko pag nakakakita ng lasing."

"Kung sabagay." She said shrugging.

Kinuha ko nalang ulit yung cellphone ko at inistalk si yung social media ni Damon. Tinignan ko ang profile niya at walang masyadong post, ang mga nakapaskil sa wall niya puro tinag lang siya. Puro pictures kasama siya na nakangiti kaya di ko maiwasang mapangiti. Bagay kasi talaga sakanya ang ngumiti kaya lang nagagawa niya lang yun pag mga kaibigan niyang lalake ang kasama niya.

Biglang may nag pop-up sa message box na isang message na kaya tinignan ko to at napanganga ko sa gulat ng mabasang si Damon yun.

Damon Lawrence: Hey

Me: Hey?

"Hoy, ano ba yan bakit busy ka dyan?" Maj asked, seating besides me. Nakibasa siya sa message box ko. "Shocks, seriously minessage ka pa niya?" She surprisingly said, making me giggled.

I waited for his reply.. actually we.. nakihintay din si Majah para makiintriga. Inabot na siya ng five minutes hanggang ten, hanggang sa thirty minutes na.. finally nag reply siya. Grabe, ano ba to telenobela sa haba kaya inabot ng thirty minutes bago mag reply.

Damon Lawrence: Sorry

Nag katinginan kami ni Majah sa reply nito sakin. Sa haba at tagal ng hinintay namin sa reply niya, sorry lang? Sorry for what? Sa pang rireject niya sakin?

Me: For what?

Damon Lawrence: Everything

Me: Make it straight to the point.

Damon Lawrence: Nevermind.

Urgh!!! Seriously?

Maj laughed loud. "Wala kang mapapala kausap yan, tigilan mo nalang." She's right, mag sosorry siya tapos never mind nalang? Pambihira magulo nga talaga utak niya. Buti nga nireplyan ko pa siya sa pag personal message niya eh  tapis inenever mind niya lang ako?

Kung kasama ko lang siya natalakan ko na siya. Talaga naman! Nakaka panginit ng ulo.

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon