Chapter Eight

30.6K 1K 7
                                    

Bumaba ako sa kotse at dahang dahang lumapit kay Damon, until now halata parin sakanya ang takot sa mga mata. Ni wala naman akong ginagawa sakanya. Diyos ko paano niya nga kaya nakuha yan? Nakakaintriga talaga siyang tao.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay kong tanong. "Sorry i didn't mean to scared you, gusto lang sana kitang gisingin kanina." I sincerely said.

"A'ayos lang. Hindi lang ako sanay ng ganun ka kalapit."

"Well, nandito na tayo tatawagan ko lang sila Luisa." Pagbabago ko ng topic. Tumango lang siya sakin tsaka umiwas na ng tingin. Kinuha ko nalang muna yung cellphone ko sa bag ko tsaka sinimulang kontakin sila Luisa habang hindi inaalis ang tingin ni Damon.

May tumutulak saking mag isip na tulungan siyang ma overcome ang fear na yan. Ewan siguro parang unfair kasi sakanya ang makaramdam ng takot sa babae at siguro dahil talagang type ko siya.

"Hello!!" Luisa yelled from the other line na dahilan para mawala sandali yung iniisip ko.

"Oh bakit?" I asked.

"Kanina pa ko hello ng hello girl, ang lalim ng isiip?"

"Sorry naman! Anyways.. nandito na kami." I said.

"Okay, coming." Ibinaba ko na yung tawag at sinimulan ng ibaba yung mga gamit ko. Inuna ko yung camera ko at sinukbit sa leeg ko. Then yung camera stand, at yung iba pa kasama ng bag ko.

Grabe sana manlang makaramdam si Damon at tulungan ako. Alam kong takot siya pero, maging gentleman naman siya kahit isang beses lang.

Nahuli ko lang siya na nakatitig lang na naman siya sakin, at halata padin ang takot niya. Umiwas din naman agad siya ng tingin sakin nang mapansin din ang mga tingin ko sakanya.

"Amber! Damon!" Pareho kaming napatingin sa direksyon kung saan nag mula yung boses ni Justin. Mukhang kakatapos niya lang mag shower.

"Anong nangyari sainyo? Bat ganyan itsura niyo?" Natatawa niyang tanong.

"Natripan lang naming maligo ng ulan!" I answered. "Nasaan si Luisa?" Tanong ko.

"Nag sha'shower pa eh." Tumingin siya kay Damon. "Pare sabi ko naman sayo eh, makakasurvive kang may babae sa paligid." He jokes. Inabot ko kay Justin yung bag ko sa dibdib niya na dahilan para tumingin siya sakin.

"Wag mo ng pagtripan yung tao, tulungan mo nalang ako dito wala si Lucas dahil pinabantayan ko sakanya si baby."

"Okay, pare.. bitbit mo?" He asked Damon.

"Oo." Matipid nitong sagot.

"Ano yun?" I asked confused. Yun ba yung dahilan kung bakit bumyahe din dito si Damon?

"Yung susuotin ko sa shoot, nakalimutan ko kasi sa sobrang excitement eh." Natatawa niyang sabi. Ah.. yun lang naman pala yun.

Nag simula na kami sa paglalakad, nasa pagitan namin ni Damon si Justin. Mas kalmado na siya ngayon kesa kanina na takot na takot. Nakikipag biruan na din siya kay Justin na never niyang ginawa kanina. Atleast marunong din naman pala siyang mag biro.

Naikuha na daw nila ako ng room pero two beds yun kasi nga dapat kasama ko si Luisa. Hangang bukas pa kasi kami dito kaya nga nag baon ako ng damit kaso nagamit ko naman na lahat agad.

"Dude, mag stay ka nandito ah para may kainuman ako." Justin said.

"Wala akong dalang gamit."

"Papahiramin nalang kita."

"Naikuha mo ba ko ng kwarto?" Damon asked.

"Hindi, share nalang kayo ni Amber. Fully book na yung resort eh." Justin said habang pinagpapatuloy lang ang paglalakad habang kami ni Damon napahinto. Seriously?? Okay nakita na niya kong underwear pangitaas lang ang suot ko at pants pero share sa room? Iba na yun. Pero kung iisipin paniguradong walang gagawin to si Damon. Ang tanong keri niya kaya yun?

"What?" He yelled, nervously.

"Pare sabi ko naman sayo diba, tutulungan kitang mawala yang daga mo pag dating sa mga babae." Justin said.

"No! Uuwi nalang ako!" Damon said, aakma na sana siya sa paglalakad pero pinigilan siya ni Justin.

"Pare di ka naman kakainin ni Amber nu!" Justin said. I roll my eyes. Para namang maniniwala yan, sarado na yung utak niya para sa mga babae.

"Damon, mag stay ka na.. kailangan ko ng assistant, para makuhanan ko sila ng litrato." I said making them both looked at me.

"See, kailangan ka pa." Justin said.

"Okay." Mahina niyang sabi.

"Alright!" Justin said excitedly. Nag simula na ulit kami sa paglalakad habang si Damon tulak tulak lang ni Justin para mag patuloy sa paglalakad kasi naman mukhang nagdadalawang isip pa si Damon.

Pambihira, kung ibang lalake to maexcite na tong makasama ako sa kwarto.

Narating namin ang room namin and halos mag kadikit lang yung kama namin, kaya nakakaramdam ako ng mahaba habang gabi, ooppss bawal berde. Dahil ang iniisip ko ay malapit lang ako sakanya kaya for sure mahihirapang matulog yung isa.

"Wala na ba talagang ibang kwarto?" Damon asked.

"Wala na! Sige, mag bihis na muna kayo." Justin said then iniwan na kami ni Damon. Tama siya gusto ko ng mag bihis at mag palit ng pants dahil until now basa padin ito.

Tinangal ko lang yung converse kong sapatos at medyas, tsaka kinuha yung tuwalya ko. I caught Damon, staring down at me, again. Napapadalas ata pagtitig nito sakin ah.

"What?" I asked. He just shake his head. "Gusto mong sumabay mag shower?" I teasingly asked.

"Wala akong planong gawin yun."

I laughed. "Biro lang, pansin mo ba?" Tanong ko habang nakangiti ng malaki sakanya.

"Ano yun?"

"Natatagalan mo ng kausap ako. Ibig bang sabihin nun hindi ka na ganun ka mojor scared sakin?" Napaisip siya sa sinabi ko.

"I uh.."

"Don't answer, ayos lang. Katulad lang ako ni Justin na gustong mawala ang takot mo sa girls."

"Bakit mo naman gagawin yun?"

"Dahil kaibigan mo ko."

"Kailan pa?" Pagtataka niya. I stand and step forward to him pero umatras agad siya kaya huminto na ko.

"Simula ngayon."

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon