Thirty One

26.2K 1K 63
                                    

Bumalik ako sa Apartment ko at dumiretso sa sala. Umupo ako sa couch ko habang nasa mukha ko ang mga kamay ko dahil sa pag iyak ko. Shit! Sobrang sakit talaga. Ngayon lang naging masakit para sa'kin ang isang break up. Siguro talagang dahil sobrang lakas ng tama ko sa takosang 'yun kaya ganito nalang kasakit.

Pinunasan ko 'yung luha ko at kinuha 'yung cellphone ko sa bag at dinaial 'yung number ni Majah.

"Hello, beb?" She answered it.

"Pwede bang sunduin mo 'ko dito sa Apartment? Mag papakalasing kasi ako ngayon kaya hindi ako mag dadala ng kotse."

"Yah sure. Are you okay? Para kasing umiiyak ka."

"No I'm not okay and yah I'm crying."

"What happen?"

"Me and Damon broke up."

"What?!!"

"Mahabang istorya, bilisan mo gusto ko nang mag inum."

"Okay, papunta na 'ko dyan." Ibinaba ko na 'yung tawag at napa tingin ako sa kawalan tsaka ko naramdaman na tumulo na naman ang luha ko at kumirot na naman 'yung puso ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag hintay sa pag dating ni Maj basta ang alam ko lang medyo matagal 'yun. Pagkarinig ko ng pag busina niya lumabas agad ako ng Apartment ko para puntahan siya.

Dumiretso ako sa kotse niya at binuksan ang pinto sa passenger seat tsaka ako sumakay.

"Are you okay?" Maj asked, concerned.

"No! Simulan mo ng mag drive para makarating na tayo sa Club."

"Okay." Pag sangayon niya. Sinimulan niya ang byahe papuntang Club habang ako nakatulala lang na nakatingin sa bintana.

"Ano bang nangyari? Bakit siya nakipag hiwalay?" Maj asked.

"Dahil unfair na daw para sa'kin ang sobrang pag intindi ko sa phobia niya."

"Bakit naman niya naisip 'yun?"

"Dahil sinabi kong naiintindihan ko 'yung kondisyon niya na kaya ko namang mag hintay hanggang sa maging kaya na niya 'yung idea ng pagpapakasal. Ang sabi niya ayaw niya 'kong mag hintay sa bagay na hinding-hindi mangyayari."

"Aww! So ayaw niya talagang mag pakasal?"

I shake my head. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis niyang sumuko. Hindi ko naman siya sinabihan na Hoy takosa, pakasalan mo na 'ko para maka pag-sex na tayo! Hindi muna niya pinalipas ang panahon at pakiramdaman kung kaya niya nga ba 'yun o hindi basta bigla nalang niyang tinapos nang hindi manlang sinusubukan."

"Ang komplikado talaga ng takosa mo." She comments.

"He's not my takosa anymore." Pagtatama ko.

Tinapos na niya.

Nang makarating kami ni Majah sa Club. Pagka-park niya at pagka patay ng makina, sabay na kaming bumaba ng kotse niya.

Sabay din kaming nag lakad papasok ng Club. Habang nag lalakad may naka bangga sa'king isang babae. "Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Irita kong sabi.

"Excuse me, ikaw 'tong bumangga sa'kin!"

"Hindi kita mababangga kung naka tingin ka sa daan mo!"

"Woe," Biglang pag singit ni Majah sa pagitan namin nung bruha. "I'm sorry, 'wag mo nalang siyang pansinin may problema lang siya." She apologized to her.

I rolled my eyes. "Bakit ka humihingi ng sorry dyan? Eh kasalanan naman talaga niya!"

"Amber kalma nga lang!" She scolded. Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila ako papuntang Bar Station.

"Inatake ka na naman ng pagiging maldita mo." She scolded again.

"Hindi ako mag mamaldita kung tumitingin 'yung bruhang 'yun sa daan niya." Ang dami kasing babanggain ako pang mas badtrip pa sa badtrip.

Binaling ko ang tingin sa Bartender. "Pogi, isang brandy sa'kin."

"Mag papakalasing ka talaga ah." She comments.

"'Yun ang plano ko."

"Beer nalang sa'kin." Order naman ni Maj sa Bartender.

Pagbigay ng Bartender ng order naming alak, ininum ko agad ito kaya nakaramdam ako ng init at pangangati sa lalamunan ko. Sa tagal na hindi ako uminum ng brandy parang hindi na tuloy ako sanay.

"Dahan-dahan lang hindi ka mauubusan ng alak." Maj said.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya basta nag patuloy lang sa pag inum ko ng walang tigil. Pag nauubusan ako umu-order agad ako. Hindi ako tumigil sa pag inum hanggang sa maramdaman kong lasing na 'ko.

Nagising ako mula sa pagkakatulog ng sobrang sa'kit ng ulo ko. I open my eyes and I'm on my bedroom. Umupo ako mula sa pagkakahiga at lalo kong naramdaman ang sakit ng ulo.

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi at hindi ko lang gusto ang naalala ko. Ang pakikipag break kasi agad ni Damon sa'kin ang pumasok sa isip ko sunod lang 'yung pakikipag inuman ko kay Majah.

Siya na rin siguro nag hatid sa'kin dito sa bahay.

Bumangon ako ng kama at sinimulan ang mag lakad palabas ng kwarto ko habang nasa ulo ko 'yung isa kong kamay. Dumiretso ako sa sala at nakita ko dun si Majah na nagluluto sa kusina ko.

"Morning," i greeted her kaya lumingon siya sa'kin.

"Morning. Coffee?"

"Yah, thanks."

"Humiram na 'ko ng damit mo ah, hindi na 'ko nakauwi eh." Sabi niya habang nag titimpla ng coffee.

"Ayos lang. Anong oras pala tayo nakauwi?"

"2am na din ata."

"Wow!" Inabot niya sa'kin 'yung tinimpla niyang coffee para sa'kin. "Ano palang ginawa ko kagabi?" Tanong ko para may idea ako.

"Maliban sa puro ka inum, puro ka din Damon ko, takosa ko  habang umiiyak."

"Oh shit!" Na i-imagine ko sarili ko, sobrang nakakahiya 'yun.

"Alam mo kagabi lang kitang nakitang sooobrang umiyak. Ang lakas talaga ng tama mo kay Damon."

I sighed. "Tama ka." Uminum nalang ako ng coffee ko. Dahil siya ang pinag uusapan namin, hindi ko maiwasang isipin siya. Siya kaya anong nararamdaman ngayong wala na kami? Ano kaya pakiradam ng isang takosa sa isang break up? I wonder kung nasaktan din.

"Earth to Amber." Maj said kaya nabasag ang pag iisip ko.

"What?" I asked.

"Abangan mo lang baka bumalik." Biro niya.

"Leche ka beb!" She laughed at my words.

--

Sorry maiksi, 'yan lang kinaya.
Keep voting. ☆

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon