Chapter Fifteen

32.8K 2.1K 186
                                    

Natapos ang dinner ko with takosang Damon na not so takot na sakin. Masaya talaga ako dahil nawala na ng very light ang takot niya sa girls. I don't know kung sa girls ba talaga o sakin lang. Kung saan man dun, happy pa din ako.

Keri lang na matakot siya sa ibang girls maliban sakin ibig kasi sabihin nun ako lang ang papansinin niya. Hihi.

Hawak hawak niya lang ngayon ang kamay ko habang nag lalakad kami palabas ng restaurant niya. Yung totoo wala akong ginawang move ngayon para tsumansing sa kamay niya, siya ang kusang humawak ng kamay ko. Haha!

Pambihira kinikilig ako, hawak kamay palang to ah paano pa kaya kapag hinalikan ako nito? Baka himatayin na ko nun.

Okay, ang O.A na nun. Haha.

"Ihahatid pa ba ulit kita sa Studio para kunin mo dun yung kotse mo?" Tanong ko sakanya nang makarating kami sa tabi ng kotse ko. Hawak pa din niya yung kamay ko na akala mo ayaw bitawan.

"Uh.. hindi na, para uh.. may dahilan ako para makita ka bukas." He shyly said.

Sabeeh! Halikan ko to eh.

I chuckled. "Okay. Thank you sa free foods."

"Welcome." Tumingin ako sa kamay naming mag kahawak at itinaas ko to at pinakita sakanya.

"Masaya ako dito alam mo ba?" Confess ko habang nakatingin sa mga kamay naming mag kahawak. "Siguro para sayo hinahawakan mo lang yung kamay ko para maging komportable ka pero para sakin ang espesyal nito."

"T'tama ka, hinawakan ko kamay mo para mas maging komportable ako pero part din nun ay dahil.." He paused. "..espesyal ka."

Shemay talaga kunti nalang hahalikan ko na siya. Diyos ko lord bigyan mo ko ng mahabang pagpipigil kundi hahalikan ko na talaga siya, i swear!!!

I just smiled to hide my kilig but it's really hard kaya tumalikod ako sandali at kinagat ang labi ko tsaka nagtititile ng.. palihim! Kinikim ko lang kumbaga. Shemay!

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Hindi!! Tanungin ba ko niyan?!!

Humarap ulit ako sakanya at pilit na tinago pa din yung kilig. "Oo, ano lang uh.. akala ko babahing ako." Pagpapalusot ko. Pambihirang palusot yan, saan nangaling yun?

"I see."

"Uh.. Damon pwedeng uh.. pakiss kahit sa pisnge lang?" That's it! Hindi ko na napigilan, kesa naman sungaban ko nalang siya bigla magpapaalam nalang ako ng matino.. diba?

"Uh.. s'sorry, wag muna." Sabi niya sabay iwas ng tingin.

OUCH!!

"Sige, ayos lang." Bigla akong nadisappoint na ewan. Haay! Di rin kasi ako makapag hintay eh, ang dami pa namang araw.

Bumitaw na ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahil plano ko ng sumakay ng kotse ko.

I tapped his arm, softly. "Goodnight." I said. Patapik tapik lang muna siguro ngayon. Tumingin lang siya sakin sandali at umiwas din naman.

"Goodnight din."

Pag kasabi niya nun binuksan ko na yung pinto ng kotse at sumakay na ko dito, pero bago ko sinara yung pinto kumaway muna ako sakanya bilang pagpapaalam.

Inistart ko lang sandali ag makina tsaka tumingin ulit sakanya sandali. Nakatitig lang siya sakin ng blangko, kaya di ko siya mabasa. Naisip ko lang kailan ko ba nabasa iniisip niya?

Sinimulan ko na yung byahe at nakisama ang byahe sa maganda kong araw dahil hindi ganun katraffic. Siguro dahil good mood ako kaya good mood din ang traffic. Haha!

Sayang lang talaga di siya nag pahalik, mas masaya pa sana kung nakaisang kiss ulit ako sakanya.

Habang nasa byahe ako at malapit nang makarating sa Apartment ko, bigla pang nag ring yung cellphone ko.. kinuha ko yun sa bag at sinagot ang tawag ni.. unknown number.

"Hello?" I answered it.

"Nakauwi ka na?" Shit! Boses ni Damon ko to. Oo, akin na siya kahit nag didate palang kami aangkinin ko na siya.

"Paano mo nalaman number ko?" Pagtataka ko. Hindi pa naman kasi niya hinihingi number ko eh.

"Luisa gave it to Justin, and Justin gave it to me."

"I see, di pa ko nakakauwi malapit palang ako sa Apartment."

"Okay, drive safely."

"I will magpapahalik pa ko sayo eh." Prangka kong sabi, sabay kagat sa labi ko dahil sa kilig ko na naman kahit wala siyang ginagawa o sinasabi.

I heard him chuckled. "Sana nga magawa ko yan."

Oh my GOD!! Sana daw oh! Wuhuu! May plano din siya.

"Magagawa mo yun, just don't over think everything."

"Mmm.. i know but it's hard. Mag drive ka muna, text mo nalang ako pag nakauwi ka na."

"Okay." Pagkasabi ko nun binaba na niya yung tawag.

Dahil gusto niya kong safe at gustong kong sundin siya kaya.. safe akong nag maneho kahit naman lagi talaga akong safe mag drive.

Finally nakarating ako ng Apartment ko. Bumaba lang ako ng kotse ko tsaka pumasok ng Apartment ko at dumiretso sa sala para umupo sa couch ko.

Kinuha ko naman agad yung cellphone ko sinave ko muna yung number as.. Damon ko, tsaka ko siya tinext.

Hi nakauwi na ko. Ikaw umuwi ka na ba or mag oover time pa dyan sa restaurant mo?

I waited fot his reply at di tulad nung nagkachat kami sa isang social media mabilis siyang nakareply.

Hihintayin ko lang mag sara tong restaurant tsaka ako uuwi. I'm glad you're home safe.

Uwi ka din ng safe after niyan, text mo ko pag nakauwi ka na.

Taray girlfriend ang dating ko dito ah. Haha.

I will, hahalikan pa kita eh.

Ay, syete, otso, nuebe, diyes!! Langya Damon, wag mo kong pakiligin!!

Sabi mo yan ah! 😉

Susubukan ko. 😉

I grin as i saw a winky face on his text. Di ko maimagine na nagwiwink siya. Haha!

--

😁😁😁😁😁

Para akong baliw na nagpipigil ng ngiti dito habang nag susulat. Hahaha!

Boto lang po babies.

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon