Chapter Nine

29.5K 1K 21
                                    

Natapos na ko sa pag shower at nag tapis lang ako ng tuwalya sa paglabas ko ng bathroom. I saw Damon seating on his side of bed, holding of paired of clothes. Yun siguro yung pinahiram ni Justin sakanya.

"Need a towel?" I offered making him looked at me. Pero umiwas din naman agad siya ng tingin dahil siguro sa nakatapis lang ako.

"H'hindi na, for sure may towel din dito."

"Okay." Matipid kong sabi. Pumunta na lang ako sa kama ko at sinimulan ng mag bihis, kumuha ng ripped skinny jeans and yung sando kong suot kanina nalang ang ipapares ko. Bigla ko nalang narinig yung pinto mula sa bathroom na nag sarado kaya napatingin ako dun.

Inaatake na naman siya ng takot sakin. Dibale mawawala din yan.

Natapos akong mag bihis at nag stay lang muna ko sa kama ko habang nag papatuyo ng buhok ng makarinig ako ng katok mula sa labas, kaya tumayo ako sandali para pagbuksan yung kumakatok and i saw.. Luisa.

"Hi, beb." She greeted then kisses my cheek. "Nasaan si Damon?"

"Nasa bathroom."

"Mmm.. pagkatapos niya pumunta kayo ng restaurant ng resort kain tayo." Ngayong nabangit niya ang pagkain nakaramdam naman agad ako ng gutom.

"Urgh! Thank god, food."

"Ang sexy sexy mo, ang takaw takaw mo naman." She said laughing.

"Ganun talaga!" I join her to laughed. Napahinto lang kami sa pagtawa ng marinig naming mag sara yung pinto sa bathroom.

"Sige na, susunod nalang kami mukhang ang takosang si Damon di makakalabas yun ng bathroom kung nandito ka din." Two girls in one room for sure di niya kaya yun.

"Ang lagay sayo lang komportable?" She jokes.

"Nakalapit na kasi ako sakanya, kaya siguro." Hula ko lang yun, okay.

"Osige, iwan ko na kayo. Behave yourself beb, pag type mo pa naman sinusungaban mo."

"Grabe ka!" I make a fake insulted face. She just laughed bago tuluyang lumabas ng kwarto. Tumingin naman ako ulit sa bathroom pero mukhang walang planong lumabas si Damon kahit wala na si Luisa. Naglakad ako papalpit dito at kumatok.

"Damon, okay na.. ako na lang babae dito." I said knocking. Ilang sandali lang finally nag bukas yung pinto pero di siya lumabas at nakatitig lang sakin, hinihintay ata akong umalis ng pinto. So naglakad nalang ako papalapit ng kama ko.

"Pag katapos mong mag asikaso pumunta na tayo sa restaurant, hinihintay tayo nung couple."

"Okay." matipid nitong sabi.

So, hinitay ko muna siyang matapos sa kung ano pang gusto niyang gawin. Kaya ako naman.. nag sapatos nalang muna ako.

Natapos na siyang mag patuyo ng buhok at akitin ako.. este, paginipin ako kaya lumabas na kami ni Damon ng kwarto para pumunta sa restaurant tulad nung sabi nung dalawa.

Hinayaan ko lang siyang maunang maglakad kasi nga di siya komportable pa masyado. Kaya ineenjoy ko nalang ang tindig ng likod niya habang nakabuntot sa paglalakad sakanya.

"Damon??" Narinig namin tawag sakanya ng isang babae. Kaya napahinto siya sa paglalakad ganun din ako, sa likod niya.

"K'karla?" Nauutal na sabi ni Damon.

"Look who's here.." isang mukhang malditang babae ang nagsalita ulit. Siya siguro yung Karla, mukha siyang.. lasing. Lumapit siya kay Damon at hinawakan ito sa balikat.

"Ang tangkad mo na brother, sinong magaakalang ang payatot na si Damon ay kasing kisig mo na. Siguro kung hindi kita naging stepbrother nagustuhan na kita."

Stepbrother???

Hinawi ni Damon yung kamay nung Karla at humakbang paatras. "Matapang ka na, dahil ba mas matangkad ka na sakin? Hindi na ba ikaw yung iyaking si Damon patpatin?" Nanrindi ang tenga ko sa sinabi ng bruha pero si Damon wala manlang sinabi sa bruha sa halip nakatitig lang siya dito at halata ang takot sa bruha, para nga siyang naging statwa din mula nung makita ang bruha.

"Ano Damon? Duwag ka padin?" Sarkastikong sabi nung bruhang Karla habang tila sinasamapal ng mahina pauulit ulit si Damon.. Naglakad na ko papunta sa harap ni Damon at pumagitna sakanila. Hindi ko na kayang pakingan na kayan kayanin niya lang sa harap ko si Damon.

"Hoy, bruha naghahanap ka ng away? Sige ako harapin mo!" Nasabi ko na diba? Malidita ako. Kung magmamaldita siya, pwes makakaharap niya ang malditang si Amber.

"At sino naman to? Girlfriend mo? Kailan ka pa nagtatago sa saya ng girlfriend mo? Bakit dahil patay na yung tatay mo?"

"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan!" I warned.

"Hoy wag kang makialam dito! Sino ka ba?" Pagmamatapang niya.

"Kaibigan niya, at di ko hahayaang apihin mo sa harap ko ang kaibigan ko dahil ako ang makakaharap mo!" Akma sana siyang sampalin ako pero napigilan ko sa pamamagitan ng paghawak sa wrist niya.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa wrist niya hanggang sa makita ko sa itsura niyang nasasaktan siya at nung masatisfied ako.. "Talaga bang sigurado kang makikipag samapalan ka sakin? Hindi ka ba naaawa sa patpatin mong katawan na baka pag lumakas ang hangin, tangayin ka?" Irita kong sabi sabay pabatong binitawan yung kamay niya.

"Pag ginulo o magpakita ka pa kay Damon, sisirain ko yang mukha mo! Tandaan mo yan, bruha!" Pag kasabi ko nun, hinawakan ko sa kamay si Damon at hinila na para maglakad palayo dun sa babae.

Hindi ko alam kung sino siya basta ang alam ko lang naging stepbrother niya si Damon at obvious naman na kilala nila isat isat. Pero tingin ko hindi lang basta naging stepsister niya ang babaeng yun dahil kung matakot sakanya si Damon ganun nalang, mukhang mas takot pa nga siya dun kesa sakin.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Damon. Humarap ako sakanya at ng manotice ko na hawak ko pa rin yung kamay niya binatawan ko naman agad yun. "Sorry." I quickly apologized.

"Ayos lang." Mahina niyang sabi tsaka parang unti ngumiti ng bahagya. Woe! Tama ba talaga ako ng nakita? Nakangiti siya? Abat akalain mo nga naman oh. "Ngayon ko lang nakitang ganun ang itsura ni Karla." Bahagyang nakangiti niyang sabi.

"Salamat." He said looking me in the eyes.

"Welcome."

GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon