Chapter Twelve

206 12 0
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

NAPATITIG ako sa maaliwalas na langit. Kita ko ang mga nagniningning na mga bituin. Ramdam ko rin ang pagdampi ng malamig na hangin.

Mahina akong sumisipol habang nilalaro ang buhok ni Clem. Nakaunan ito sa aking braso at tahimik na natutulog. Si Lime naman ay nasa kabilang bahagi ng apoy na ginawa na nagliliwanag sa pagitan namin at natutulog na rin.

Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina pero wala akong maisip na panghihinayang sa pagkawala sa akin ng hotel. Mas malalim ngayon ang pagsisisi na dahil sa isang lalaki ay napatay ko ang kambal ko. Isang lalaking hindi ko naman ganoong kakilala ang naging dahilan para dungisan ko ang mga kamay ko ng dugo ng sarili kong kapatid.

Ngayon ay wala akong mahiling kundi ang kapatawaran galing mismo sa aking kapatid.

Pero sa lahat ng nangyari ngayon ay isa lang ang pinagpapasalamat niya - buhay si Clem at ngayon ay nasa kanyang mga bisig.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Minemorya ko ang bawat sulok ng mukha nito. Mula sa kapal ng kilay, sa tungki ng ilong hanggang sa labing hinahalina ako. Parang sasabog ang puso ko sa daming emosyon na nararamdaman ko.

Isinantabi ko iyon lahat at masuyong hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Lihim akong nagpasalamat dahil nasa bisig ko si Clem, na nawala man lahat ay may isang tao na naiwan para sa akin.

KINABUKASAN ay nag-ikot kami ni Lime para maghanap ng makakain. Iniwan na muna si Clem na masakit pa ang katawan dahil sa mga natamong sugat. Hindi naman kami nahirapan dahil makalipas ang ilang minutong paglalakad ay may nakita naman kami.

"May plano ka na ba kapag nakalabas na tayo dito sa gubat?" biglang tanong sa akin ni Lime habang ang atensyon ay nasa sinusungkit na mangga.

Napaisip naman ako sa sinabi nito.

Ano nga bang plano ko?

"Hindi ka na ngayon si Marion na mapagmataas, masungit at walang paki alam. Pero hindi natin maitatanggi na iyon na ang imahe sa nakararami. Mahirap na iyong tanggalin," pagpapatuloy pa ni Lime.

"W-wala akong konkretong plano," nauutal na sagot ko rito. Napatingin ako sa bughaw na langit bago bumuntong-hininga at nagpatuloy. "Ang gusto ko lang ay laging makasama si Clem."

Nakangising napatingin naman sa akin si Lime. "So you finally realized his worth, huh?"

Nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Hindi dahil sa hiya, kundi dahil alam kong totoo ang sinasabi nito.

"Sa totoo lang, sa nakikita ko," panimula ni Lime bago tumingin sa akin ng nakangiti. "Matagal mo na siyang mahal pero nabubulagan ka lang."

My heart skipped a beat. I didn't know but something was telling me it was true. Na mahal ko si Clem noon pa man pero dahil sa mataas ang tingin ko sa sarili ko, hindi ko iyon inintindi at naghanap ng taong 'kalebel' ko.

Nakakapanghihinayang, sa totoo lang. Matagal din akong naghanap ng taong makakapagpasaya sa akin. Iyon tipong akin lang talaga at ako lang ang mahal. Iyong tipong mapaparanas sa akin kung paano rin bang magmahal. Kung matagal ko na itong napagtanto, siguro ay matagal na kaming masaya.

Matagal na siguro akong masaya.

"Pero alam kong hindi mo na siya papakawalan," nakangiti pa ring sabi ni Lime at saka lumingon sa langit. "Di ba?"

Hindi ako nagsalita pero alam kong nakuha ni Lime ang aking sagot mula sa aking pananahimik. Napangiti na lamang ako dahil totoo ang sinasabi nito.

"Aaaaaaaah!"

Sabay kaming nagpalingon ni Lime sa gawi kung saan may sumigaw bago nagkatinginan.

Si Clem...

Pareho ata ang tumatakbo sa isip namin dahil sabay kaming tumakbo pabalik kung nasaan si Clem. Naabutan namin itong naghahabol ng hininga habang sapo ang dibdib.

"Anong nangyari?" Agad akong lumapit kay Clem at mabilis na ininspeksyon ang katawan nito. "May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ko rito.

"W-wala," takot na sabi niya sa akin habang medyo nanginginig. "M-may nakita akong katawan sa likod noong punong iyon."

Tinuro nito ang isang puno na malapit sa amin. Tumayo naman ako para tingnan ito. Nakita ko nga roon ang isang lalaki na duguan. Nang titigan ko itong mabuti ay nakilala ko naman ito.

"Nile!"

Mabilis ko namang itong tinulungan. Tinulungan din naman ako ni Lime na buhatin si Nile sa pwesto namin. Pinunit ni Lime ang kaliwang manggas ng suot na kamiseta at binasa ito ng tubig na nakuha namin sa kalapit na lawa. Pinunasan nito si Nile sa mukha hanggang sa leeg.

Pinanood ko lamang si Nile habang tumatabi sa tahimik na si Clem.

"Nagugutom na ako," bulong sa akin ni Clem pagkaupo ko.

Mabilis ko namang inabot ang nakuha naming mga prutas ni Lime. Inabutan ko si Clem ng mga saging. Pinanood ko naman siyang kumain habang tingin ay nakatuon kay Nile.

"Makakaalis pa tayo sa gubat na ito, di ba?" tanong nito sa akin. Unti-unti itong lumingon sa akin at nakita ko ang naluluha nitong mga mata.

Mabilis ko itong niyakap. Masuyong hinaplos ko naman ang likod at ulo nito.

"Oo naman, makakaalis tayo dito," pangangako sa kanya. "Gagawa kami ng paraan para makaalis tayo dito."

Naramdam ko namang nawala ang pagka-tense sa balikat nito at marahang tumayo. Naramdaman ko na lamang na yumakap rin ito sa akin.

Narinig naming biglang umungol si Nile kaya napatingin kami rito. Nakita naman naming nagmulat na ito ng mga mata.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Clem. "Nile, ayos ka na ba?"

Napalingon ito sa gawi ko. "M-Marion," tawag nito sa ngalan ko gamit ang magaspang nitong boses.

Mabilis namang kumuha si Lime ng tubig at ibinigay rito. Tinulungan din nitong makaupo ito para makainom ng maayos.

Pagkatapos uminom ay naluluhang lumingon sa akin. "Marion..." Nagulat ako nang ang abogado kong hindi masyado nagpapakita ng emosyon ay bigla umiyak at sa harap pa namin. "B-buhay ako..."

Inalo naman ito ni Lime nang hindi na mapigilan ni Nile ang humagulgol habang yakap ang sarili. Paulit-ulit din nitong binubulong ang mga katagang 'buhay ako' na para bang hindi ito makapaniwala.

Nakaramdam ako ng awa kay Nile dahil isa ito sa itinuturing kong kaibigan. Hinayaan lamang muna itong umiyak ng umiyak.

Nang kumalma ito ay doon na kami nagtanong kung anong nangyari. Habang nagkukwento ito ay hindi ko mapigilang magalit kay Henry.

Noong makatakas sila ay dito rin sila  napadpad sa loob ng gubat. Matagal silang magkasama at naghanap ng daan palabas. Kinagabihan ay napag-usapan nilang magpahinga. Doon rin nangyari ang panghahalay ni Henry kay Nile. Nanlaban ito pero sinaktan ito at pinagbantaan ni Henry. Nang matapos at makatulog si Henry, mabilis na nagbihis si Nile at sa takot na baka hanapin ni Henry ay nasaksak nito si ang huli gamit ang isang sanga na may matulis na dulo.

Lumapit ako sa umiiyak na si Nile at niyakap ito. "Okay na, Nile. Nandito lang kami."

Mas lalo itong umiyak habang nasa mga bisig ko. Napalingon ako kina Lime at nakita ko ang mga proud nilang mga ngiti. Dahil nakikita nila na hindi na ako katulad ng dating Marion na walang pake.

Seven Deadly Sins: SuperbiaWhere stories live. Discover now