Chapter Nine

288 13 0
                                    

PUMASOK ako ng hotel ko ng nakangisi. Nasa likod ko naman si Clem. Well, who wouldn't? I mean, natapos ang isang problema ko. Salamat sa magaling kong abogado na si Nile.

Dahil dito ay darating mamaya sina Nile Norman at Henry Soliman. Inimbita ko ang dalawa sa isang maliit na pagdiriwang. Pagdiriwang ng aking pagkapanalo sa kaso.

"Clem," tawag ko sa pansin nito noong nasa tapat na kami ng elevator.

"Hmm?"

"Get some beer from the kitchen and bring it to my office," utos ko na agad naman nitong tinanguan at saka umalis.

Sumakay na ako sa elevator papunta sa floor kung saan ang opisina ko. Habang naghihintay, biglang nag-ring ang phone ko. Without looking at the screen, I answered the call.

"Hello?"

"Hello, Kuya!" energetic na sagot ng isang babae sa kabilang linya na sa tingin ko ay si Ariana.

"O? Napatawag ka?" tanong ko rito habang hinahalukay ko sa memorya ko kung ibinigay ko ba rito ang phone number ko. "Anong kailangan mo?"

"Ah eh..." Bumuntong-hininga ito. "Punta ako diyan mamaya, Kuya. Nag-bake ako ng cake para sa ating dalawa."

"Cake?" taas-kilay kong tanong dito kahit alam kong hindi naman nito nakikita. "Anong meron?"

"Nakalimutan mo na ba, Kuya?" malungkot na tanong ni Ariana. "Kaarawan ngayon ni Papa."

Bigla akong natigilan. Hindi ko alam na kaarawan pala ngayon ni Papa. Hindi rin naman kasi ako nagse-celebrate ng birthdays kaya ganoon. Mismong kaarawan ko nga ay nakakalimutan ko na, sa mga magulang ko pa kaya?

"Sige na, Kuya. Ibababa ko na ang telepono. Basta punta ako diyan," sabi nito kasunod ang pagkaputol ng linya.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Dumiretso na ako sa opisina ko para hintayin na lamang si Clem at ang mga panauhin ko roon.

Sakto namang dumating si Clem dala ang mga beer na pinakuha ko rito nang umupo ako sa sofa. Inilapag nito ang mga iyon sa center table ng nagsisilbing sala sa opisina ko.

"Kumuha na rin, Clem, ng pwedeng pulutan," utos ko uli rito nang matapos na ito sa pag-aayos ng mga bote ng alak.

Tumango lang ito sa akin at lumabas rin agad ng kwarto. Makalipas lang ilang minuto ay dumating na ang mga panauhing hinihintay ko.

"Nile, Henry," bati ko sa dalawa. Tumayo ako para pormal na kamayan ang dalawa. "Maupo ko kayo," paanyaya ko sa kanila.

"Anong okasyon at nag-aaya kang uminom?" nakangiting tanong ni Henry. Umupo ito sa tapat ko.

"Dahil alam kong panalo na tayo sa kaso," sagot ko rito habang binubuksan ang isang bote ng alak. "At dahil iyon sa inyong dalawa."

Ipinagsalin ko ang mga baso ng dalawa kong bisita.

"Ayos lang iyon," sagot ni Nile. "Trabaho ko iyon bilang abogado mo."

Napangiti naman ako sa tinuran nito. Ramdam ko kasing mas mataas ako rito. Bigla namang dumating si Clem na may dalang mani. Inilapag nito iyon sa mesa at lumabas na rin agad ng opisina. Hindi ko na lamang pinansin ang iginawi nito.

Naging mahaba ang kwentuhan naming tatlo. Mula sa kayamanan, sa giyera ng ibang bansa, sa mga tipo naming babae, sa pinili namin propesyon, hanggang sa kung gaano kasarap ang alak na iniinom namin. Hindi ko na nga maalala ang iba pa naming napag-usapan sa dami. Karamihan pa ay wala namang kwenta.

"Wala na tayong pulutan," puna ni Nile. Napatingin ako sa plato na ngayon ay wala na nga laman.

Kinuha ko ang plato at tumayo. "Sandali, pakukuhain ko si Clem," paalam ko sa mga ito habang patungong pinto.

Seven Deadly Sins: Superbiaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن