Chapter Four

418 25 1
                                    

"MAGANDANG GABI sa lahat," salita ko sa harap ng mikropono na nakakuha ng atensyon ng mga taong naroroon ngayon. "Salamat sa pagdalo niyo at pagsama sa amin na ipagdiwang ang ika-anim na taon ng MAC Hotel. Sa anim na taon nito, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ng naririto na ang MAC Hotel ngayon ay nangunguna sa industriya at kumikita ng bilyon sa isang taon. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na nag-umpisa lamang ito sa maliit na paupahan na naipundar ko mula sa pagtatrabaho noon. Ngayon, binibigyan ko ng pagkakataon ang mga taong narito ngayon para makapag-invest sa hotel ko."

Nagpalakpakan ang lahat kaya tumigil muna ako. Nang matapos ang palakpakan ay nagpatuloy ako. "Nagbabalak akong magtayo ng iba pang hotel sa labas ng Planium. Magtatayo ako ng MAC Hotel sa Xeno, sa Clyrin, sa Daine, sa Laenida, sa Khanon at sa iba pang panig ng mundo. At asahan niyo ring hindi malulugi ang perang ipapasok niyo sa kompanya ko. "

Tiningnan ko ang lahat nang naroroon bago nagpatuloy. "Ladies and gentlemen, please do enjoy the night. Once again, good evening and thank you."

Bumaba na ako ng entablado. Marami ang agad na sinalubong ako para batiin sa tagumpay ng negosyo ko. Kahit labag sa loob ko ay ngumingiti ako sa lahat ng nilalapitan ako. Lahat kasi sila ay potential investors kaya dapat lang na maging mabait ako sa mga ito.

Kahit ngayong gabi lang.

Nag-umpisa na ring tumugtog ang binayaran kong orchestra. Nagse-serve na rin ng pagkain ang caterer, sa desserts naman ang shop nina Ariana.

Everything goes according to plan. Napangiti ako sa sarili ko nang makitang ang lahat ay nagpapakasaya sa party na ginawa ko.

For sure, there'll be someone who'll invest millions in my company tonight.

Pinahinto ko ang isang waiter nang dumaan ito sa harap ko para kumuha ng isang glass ng red wine. I took a sip of it lightly.

"Excuse me."

Ibinaba ko ang red wine na iniinom ko mula sa mga labi ko st nilingon ang baritonong boses sa likuran ko.

Nabungaran ko ang isang lalaking may suot na puting long-sleeved polo na may disenyong yellow vertical stripes na tinernuhan ng golden yellow na kurbata at navy blue na slacks. Ang buhok nito ay nakahawi pakanan na halos matakpan na ang kanang mata nito. Medyo may katangusan ang ilong nito, may kanipisan ang labi at makinis ang mukha.

Nakaramdam ako ng kung ano sa loob ko. Pero isa lang ang alam ko. Gusto ko siyang mapasa'kin.

"Yes?" malumanay kong tanong sa kanya. Baka kasi madaan ko sa ganoon e. Ngumiti naman ito sa akin na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"I want to invest my money in your company," sagot nito sa akin.

"Sure," agad kong sagot dito. "You won't regret investing your money to my company. How much, by the way?"

"Three million," nakangiting sagot nito sa tanong ko.

Tumango ako habang ng nakangiti rito. "Let's talk about this tomorrow. You know, things should be in private, and black and white."

"Oh," biglang sambit nito. "Sorry for being rude. I'm Prince Kiros Salvadore of Daine." Inilahad nito ang isang kamay nito sa harap ko.

"Well," panimula ko. "Nice to meet you, Prince Kiros." It's really nice meeting you.

Nice in a way that I want you for myself.

"Okay. Mauna na ako sa'yo, Marion. Baka hinahanap na ako ni Haring Macario."

Nakangiting tumango lang ako rito. Pinanood ko lang itong lumakad palayo hanggang sa matabunan na ito ng mga tao.

Napangiti ako sa sarili ko. Ang gwapo nito at magalang.

Kailangang maging akin siya.

Tumalikod na ako para ipagpatuloy ang pakikipagplastikan ko sa mga tao sa paligid ko. Marami ang nag-invest sa hotel ko. Nagkakasayahan ang lahat. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko dahil alam kong successful ang ginawa kong party.

Napangiti uli ako sa sarili ko.

Tagumpay ang party na ginawa ko, nakilala ko pa si Prinsipe Kiros. Maybe this is my lucky day.

Seven Deadly Sins: SuperbiaWhere stories live. Discover now