Chapter 7: Who's that Girl?

30 2 2
                                    

"Can you please explain why are you late Miss Lim?"striktong tanong ng prof saakin.

Pssh!..Di ba pwedeng pumasok muna ako bago sya magtanong!? Andito pa nga lang ako sa hamba ng pinto oh!?

"Para namang pag sinabi ko hindi na ako late"bulong ko sa sarili ko

"Why do I have to explain it to you anyway?"tanong ko tsaka naglakad patungo sa aking upuan at naupo kahit na hindi pa ako sinasabihan na maupo.

"Cause you are late in MY subject!"nagpipigil galit nyang sagot at idiniin pa ang 'My' sa sinabi nya

Eh tanga ba sya? May sinabi ba akong di nya subject to?

"And I still didn't give you the permission to come in and sit in your chair!"dagdag nya pa at malakas na kinalampag pa ang lamesa sa harap.

Di bale lamesa naman nila yan kaya bahala sya kung sakaling masira yan.

Dahil sa lakas ng pagkaka-kalampag nya ang iba sa mga kaklase ko ay nagulat pa.

Kung ang ibang tao ay matatakot na sa sitwasyong to..Ibahin mo ko,lalo na't wala ako sa mood ngayon dahil sa sunod sunod na problema ko sa aking ama at sa presidente nilang walang ginawa kundi sirain ang mood ko.

"Anong gusto mong gawin ko?Hintayin kitang payagan mo ko?Bakit sino ka ba para sabihin sakin kung anong dapat kong gawin?"sunod sunod na tanong ko

"Yes! Cause I'm your Professor..baka nakakalimutan mo? Kaya kitang ibagsak kung gusto ko!"nang-gagalaiting sagot nya na nakapagpataas ng aking kilay.Para namang natakot ako sa sinabi nya.

"Edi ibagsak mo.I don't care."walang gana kong sagot habang nakapa-ngalumbaba.

Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata na inis na inis na sya pero napabuntong hininga nalang sya at nagpatuloy sa disscusion na naudlot dahil saakin.Napangisi nalang ako.

*****

"Keisha~!!!"isang nakaka-binging sigaw ang nangibabaw sa buong corridor na nilalakaran ko papunta sa next subject ko.

Iritado kong nilingon si Nancy,Oo alam kong si Nancy yon sa boses palang,you know she has this sweet tone na makabasag pinggan din minsan.

"Can you please tone down your voice!"irita kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.


"Ayoko nga."malakas nyang sagot.

I raised my middle finger at her at nagpatuloy nalang sa paglalakad.Ewan ko ba pero pag talagang nabadtrip ako sa simula nang araw,ganun narin ako buong araw.

"Why so grumpy huh?"natatawa nyang tanong at inakbayan pa ko.

"It's none of your business Nancy"poker face kong sagot at di na nag-abala pang tignan sya.

Fall for the OppositeWhere stories live. Discover now