Chapter 13: Night Market

447 10 4
                                    

Sorry for the late update, medyo busy lng sa school. Btw, sino gusto ng dedication? feel free to comment or pm me nlang. mehe ~ 

Enjoy the update! :D

[Haerim’s POV]

“oy bilisan mo naman! Ang kupad kupad mo! Ang init-init kaya!” pilit kong pinipigilan ang pagtawa, kasi naman bitbit ni Kris lahat ng gamit naming pati yung mga pinamili namin dun sa isla, may malaking backpack na nka sabit sa likod pati rin sa magkabilang balikat niya, may anim na malalaking supot din siyang dala, tig tatlo sa magkabilang kamay.

Bagay yan sayo! Lintek lang na walang ganti! Kung naaalala niyo pa yung three days na magiging slave ko ang lalaking ito, well ngayong na ang umpisa nun!

Nauna kaming bumalik yung ibang members naman naiwan pa dun sa isla. Nalungkot nga sila nung pag-alis namin eh, pati nga rin ako mamimiss ko rin sila.

Nandito kami ngayon sa NAIA at kakababa lang naming sa eroplano, todo ingat din kami kasi baka mabuking tong si kapre mahirap na, pati ako damay.

“humanda ka talaga sa akin babae ka!” sinamaan niya ko ng tingin at binilisan ang lakad kaya naman naiwan ako.

Cge lng, sabing lulubusin ko to eh. Bhala ka sa buhay mo! Hahaha

Siya na rin ang nag drive pauwi at pagdating ay inutusan ko pa siyang magluto ng Fois Gras for lunch, talk about demanding. Pati mesa siya rin ang nag ayos with all the skirting and candles.

“kakain na po kamahalan!” note the sarcasm here, whatever. Ang cute lng eh he’s wearing a Barbie apron, actually siya ang may bili nun nung time na nag shopping kami sabi ko kasi cute yun.

“Hep! ‘wag mo munang huhubarin yang apron!” kukunin niya na sana ang apron ng pigilan ko siya. kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya.

“oy ano ba yang ginagawa mo?!” irita niyang tanong habang inaagaw sa akin ang phone, kaya tumakbo ako papunta sa sala, pero mas mabilis siya kaya naabutan niya ko at natumba kaming pareho sa couch.

Ang sagwa na tuloy ng position naming, ang lapit-lapit ng mukha naming nakahiga sa couch, we’ve been staring at each other for a while pero binawi niya kaagad at tumayo.

“kumain na nga tayo! Ang dami pa kasing kalokohan eh!” ayun pumunta na siya sa dining.

“Bleh!” hahaha, basta ako may priceless picture niya na nka Barbie apron.

Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagligpit at nag linis ng bahay. Day-off ko for three days, kaya matutulog muna ako ngayon.

[Kris’ POV]

Nagising ako ng naramdaman kong umaalog-alog yung kama ko, kaya naman pala, ginawang trampoline ni Haerim ang kama ko.

“Gising naaaaa!!!” para siyang batang tumatalon at sumisigaw na parang ewan. Tss.

“urgh, umalis ka nga diyan!” sabay tabon sa mukha ko ng unan.

“AYOKO! Di ako aalis dito hangga’t hindi ka bumabangon diyan! 7pm na kaya!” patuloy pa rin siya sa pagtalon, nahihilo na ko!

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Where stories live. Discover now