Chapter 7

529 10 1
                                    

CHAPTER SEVEN

HAERIM’s POV

Hmmm, ang lambot ng kama, ang bango ng unan at ang gwapo ng katabi ko ang sarap niyang kayakap kaya naman pala ang sarap ng tulog ko. *smile*

“Aaaaaaaaaaah! S-sino ka?!”

“ano ba yan ang ingay mo naman!”

“Raaaaapiiiiist!”

“A-anong rapist?!”

“Nasan ako?! Anong ginawa mo sa akin?!”

“Hoy wala akong ginawa sa’yo no! sino ba naman ang magkakainteres sa drunkard na kagaya mo?!”

“D-drunkard? A-anong ibig mong sa….” Ngayon nagbalik na sa akin ang lahat ng nangyari kahapon.

“Oh my…I’m so miserable!”

“Oy wag ka ng umarte jan! eto malamig na tubig para di sumakit ulo mo.”

Binigyan nya ko ng isang basong tubig. Hindi ko alam ang gagawin ko gusto kong umiyak na ewan.

Wait, hindi ito ang suot ko kagabi ah!

“S-sinong nagbihis sa ‘kin?”

“Yung guard sa lobby. Sino pa nga ba edi ako!”

“A-ang ibig mong sabihin, n-nakita mo?”

“Wala akong nakita no! at wala akong interes sa mga flat chested na kagaya mo!”

“Manyak! May nakita ka nga!” hinagis ko sa kanya ang malaking unan at hinanap ko ang gamit ko.

Wow ang laki pala ng penthouse na ‘to. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng condo unit nya. Malinis at mabango ang paligid, white ang dominant color na may accent ng black and red.

“Nasaan ang mga gamit ko?”

“nandun sa couch kunin mo nlang”

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at nag bihis. Akmang lalabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

“Where do you think you’re going?” tanong niya ng naka pameywang pa.

“ah eh, aalis na sana ako. Maraming salamat sa tulong mo! *bow*”

“tingin mo ganun lng kadali ang lahat? Matapos mo guluhin ang buhay ko, sukahan ang jacket ko at nakabayad dn ako ng malaking halaga dahil sa pag paparty mo kagabi.”

“Magkano ba? Babayran na lng kita” hinahalungkat ko ang bag ko at kukuha na sana ng pera pero pag bukas ko ng wallet ko bente pesos na lng ang laman. Holooooo! Pano na?! di ko rin dala credit cards ko!

“Oh, asan na ang bayad mo?” sabay lahad ng palad na parang naghihingi.

“Ah eh, hehe, pwede ba babalikan ko nlang sa susunod? Bente nlang kasi ang laman ng wallet ko eh.” Nakakahiya!

“What?! Ayoko no! baka takbuhan mo lng ako!”

“Promise talaga babayaran kita!”

“Di ako pauuto sayo no!”

KRIS’s POV

Muntik na akong matawa nung sinabi niyang bente pesos nlang ang laman ng wallet nya. By the looks of her mukha siyang naglayas, paano naman siya makakasurvive with that amount?

“Kailangan ko ang katawan mo.” Wala na akong maisip na ibang paraan at mas beneficial sa part ko no.

“What?! Manyak ka talaga! Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!” gulat na tanong niya. Nakakatawa ang expression nya.

“You heard me. It’s going to be your payment.”

“Huh! You’re crazy! I’m leaving!” yun lng ang sinabi niya at lumabas. Interesting.

“Teka, ano bang assumption mo sa sinabi ko? Eh kailangan ko lang naman ng personal assistant ah!” nakakatawa ang expression niya.

“No way!  Hindi ako pinanganak para maging alalay no!” yun lang ang sinabi niya at pabalibag na sinara ang pinto. Babalik din yun, mukhang Masaya to ha. Hahaha.

Nag shower ako pero ang imaheng bumabalik sa isipan ko ay ang mukha niya nung natutulog siya. She’s like an angel. Maamo ang mukha at sobrang ganda niya. Oo nagising ako in the middle of the night at hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Wait, no, erase, erase. For amusement purposes lang siya.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, black sando at boxers lng ang sinuot ko, mag-isa lng din naman ako dito eh. Paglabas ko sa sala ay napangiti ako.

“Bakit ka nakangiti?!” si Haerim yun, nakaupo siya sa couch ng sala.

“Oh eh bakit nandito ka? Akala ko ba aalis ka?”

“Bumalik nga ako diba?” mataray nitong sagot.

“Nakita ko naman eh, pero bakit ka nga bumalik?”

“t-tatanggapin ko na yung a-alok mo” nakayuko at mahina nitong sagot. Bakas ang pag-aalinlangan sa boses niya.

“pakiulit nga? Hindi ko marinig eh, lakasan mo boses mo.” Joke lng narinig ko naman talaga eh, gusto ko lng siyang pag tripan. Hahaha.

“payag na akong maging PA mo!” pasigaw niyang sagot. Namumula ang pisngi niya. Hahaha

“hindi naman kailangan sumigaw ah!”

“sumisigaw ka rin naman ah!”-siya

“Tsk, tama na nga, mula ngayon ako na ang boss mo at susundin mo lahat ng sasabihin ko. Maliwanag ba?”

“Do I have a choice?”

“What did you say?”

“Ah w-wala, sabi ko ok.”

HAERIM’s POV

Letseng lalaki yun gagawin akong alalay? Baliw ba siya?! Ako, si Haerim Lee magiging alalay lng?! Naiinis ako kaya binilisan ko ang lakad, paglabas ko ay tumawid ako sa kabilang kalsada at sa kasamaang palad ay nakuha ng riding in tandem ang bag ko, grabe ang swerte ko! Ano na ngayon ang gagawin ko? Shit. No choice na ako, kaya heto ako ngayon at nakaupo sa sofa ni Kris at nakikipag-usap sa kanya. Siguro mas kaya ko pa dito kesa naman sa kalsada ko mamuhay. Hindi ako sanay at hindi ko alam ang gagawin ko. It never occurred to me that I’ll live an impoverished life. Meron din akong major problem ngayon, yun ay hindi ako marunong ng gawaing bahay. Well, bhala na. Tss.

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon