Prologue: Chapter 1

3.1K 25 4
                                    

Prologue

Bakit may mga instances talaga na kung ano pa yung hindi natin gusto ay mas lalo tayong napapalapit dito?

Isang Kpop hater si Haerim, samantalang gustong-gusto naman ito ng kapatid na si Aram. She didn’t hate it without a reason.

Ano kaya ang gagawin niya kapag isang araw ay nalaman na lang niya na ikakasal pala siya sa isang super sikat na Kpop star?

Fall in love?

Will she continue to hate?

Will they last?

What kind of wife will she be?

What kind of a husband will he be?

What kind of life will they have?

Chapter One

“S.E.O.U.L hamkke bulleobwayo kkumi irweojil areumdaun sesang eodiseona jeulgeoun iri neomchineun got saranghae” ito ang bumungad sa pandinig ni Haerim. Nagising siya ng dahil sa musikang narinig na nagmula sa sala nila. Dinig sa buong bahay ang musika dahil sa home theatre na ginagamit ng kapatid na si Aram.

Aram’s POV

“Araaaaaaam!” hala mukhang si ate yun ah! bakit kaya siya sumisigaw? Umakyat ako sa hagdan para puntahan siya sa kwarto niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla naman itong bumukas at ngayon magkaharap na kami ni ate.

“Bakit ate? May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya. Halos kakagising lang niya at parang wala ata sa mood.

“Ano na naman ba yang pinapatugtog mo?! Ang aga2 eh!” bulyaw niya. Confirmed wala talaga siya sa mood.

“Syempre yung paborito ko, ano pa nga ba?”

“Kpop again?! You don’t even understand the lyrics!” hala inii-english na ako. Medyo nosebleed na ko ha!

“bakit ang aga-aga ang ingay ninyo? Ano bang meron?” si lolo yun! Na sa paanan siya ng hagdan, hawak2 ang kanyang golf set at nka tingin sa amin.

“Pano naman ho kasi itong bunsong apo ninyoo ang aga-aga eh nagpapatugtog ng kung anong gibberish na kanta.” Tawagin ba namang gibberish ang Kpop?! Kakainis ha! Nahuhurt ako! Bumaba si ate ng hagdan at nagmano kay lolo saka pumunta sa dining room.

“Grabe ka naman ate! Wala namang basagan ng trip!”

“Akala ko naman kung ano na. hayaan mo na ang kapatid mo, yan ang hilig nya eh.  Di nya rin naman binabasag ang trip mong mag shopping eh.” Kininditan ako ni lolo sabay tawa dahil nakita naming sobrang inis na talaga si ate. Alam kasi ni lolo ang addiction niya sa shopping lalo na sapatos. Haay grabe nakakalula ang dami ng sapatos nya! May balak atang sumunod kay Imelda Marcos ‘to eh! Anyway, tama na ang usapang sapatos. Umupo na rin ako sa dining table at magkaharap kami ni ate.

“Lolo, ayaw mo bang sumabay sa amin?” tanong ko habang kumukuha ng bacon.

“Nakapagkape na ‘ko Aram, kayo na lang ng ate mo. Pakisabi nga pala sa mommy mo na maglalaro ako ng golf ngayon.” Kumaway na lng si lolo at umalis kasama ni Mang Juan ang driver nya at personal assistant.

“Gusto mo pa ng kanin? Kukuha ako.” Binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa. Tumango naman siya. Tatayo na sana ako pero nag-insist si Ate Joy na siya na lng daw ang kukuha. Matagal na rin siya dito sa amin actually medyo magka age lng ata sila ni ate, working student kasi siya dito sa amin at gaya ni ate malapit na rin siyang gumraduate ng college.

“Wala ka ba talagang balak patayin yang music mo? Dinig na dinig kaya sa buong bahay.” Tinarayan na naman ako. Para hindi na lumala, pinahinaan ko na lng.

“Alam mo ate napaka-ironic mo.” Sabi ko sa kanya pagkatapos kong inumin yung gatas na tinimpla ni Aling Maria, ang mayordoma ng bahay namin. Weird kasi may mayordoma kami, uso bay un ngayon?

“At bakit naman?”

“Kasi naman po may lahi tayong Korean, at ikaw pa nga itong nakakaintindi at nakakapagsalita ng fluent na Korean sa atin eh. Si mommy at lolo di masyado, Chinese pwede pa. Eh ako, basics lng din ang alam ko. Na sa dugo natin ang pagiging Kpop ate!” May lahi nga kaming Korean. Pure Korean ang father side ko. Actually, ang lolo ko half Chinese-Filipino while my lola is pure Chinese. Kaya kung tutuusin konti lng ang dugo naming Filipino. Naguluhan ba kayo? Ako rin eh!

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Where stories live. Discover now