Chapter 28

106 4 0
                                    


[Haerim]

"Oh mag dahan-dahan ka naman, baka matumba ka" tumakbo si Kris papunta sa akin at inlalayan akong bumaba ng hagdan.

"Alam mo, ang OA mo! Konti na lng talaga babatukan na kita!" marahan niya akong pinaupo sa lamesa kakain kasi kami ng lunch ngayon, its Saturday at wala akong work, nagkataon din na free siya.

"Eh kasi naman, baka mapano yung baby natin. Pag may nangyaring masama sa inyo hindi ko mapapatawad ang sarili ko" seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin ng may pag-aalala.

Tama kayo ng pagkakabasa, when that night happened we weren't using any protection so this pregnancy thing happened. Natutuwa ako syempre, pero hindi ko maiwasang mag-alala sa mga darating na araw. Magkakaanak na kami pero hanggang kalian kami magtatago?

"Tumigil ka na nga diyan. Nakakairita ang boses mo!" ang ingay kasi ang daming sinasabi, kita na ngang kumakain ako eh.

"Nakakabighani siguro. Ngumiti ka naman baka mamaya paglabas ng baby natin niyan nakasimangot yan"

[Kris]

I was the happiest person on earth when I heard the news about us having a baby. Kaya pala bigla siyang naging extra suplada kasi naglilihi at ako ang palaging kawawa. Nevertheless, I'm enjoying taking care of Haerim and the baby inside her, syempre tuwang-tuwa din ang mga lolo.

"Gusto mo bang pumunta sa park?"

"Baliw ka ba? Baka nakakalimutan mong sikat ka?"

"Ayy, oo nga pala, sorry" bakit ba kasi ang tanga ko? Sa totoo lng nagiging excited ako sa lahat ng bagay ngayon, palagi din akong inspired ngayon.

--

Since hindi kami makalabas ay nagmarathon na lng kami ng Game of Thrones, ewan ko ba bakit ito ang gusto niya, napaka violent na palabas ang dami pa talagang mahahalay na scenes.

Naudlot ang concentration ko sa panonoon ng biglang tumunog ang phone ko.

"Oh bakit?" si Chanyeol ang tumatawag.

[Pabukas kami please! Nandito kami sa labas ng gate!]

"Umuwi na kayo!" binaba ko na kaagad ang phone.

"Sino yun?" tanong ng mahal ko habang diretso pa ring nakatingin sa screen.

"Sino pa nga ba, syempre yung magugulo"

"Papasukin mo, gusto ko silang makita lahat" nakatingin pa rin siya sa screen. Adik sa GoT 'tong asawa ko.

"Wag naaa, mag-iistorbo lng ang mga yun eh" nagmamaktol na sabi ko sa kanya.

Pinause niya yung palabas at tiningnan ako ng masama.

"O-opo, papapasukin ko na po"

Madali kong kinuha ang remote ng gate para buksan yun. Hindi nagtagal ay naging maingay na ang bahay ko na kanina ay payapa at matiwasay.

"Sa wakas! Ang una naming pamngkin!" – Baekhyun

"Sana maging kamukha ko!" – Chanyeol

"Papangit ang anak ko pag sayo nagmana"

"Haerim may dala kami para sayo" – Suho. Dala niya yung basket na may mga fruits. Si Luhan at Sehun naman may dalang mga gamit ng baby like milk bottle, damit and toys. Mas excited pa yata sila kaysa sa amin ni Haerim eh.

"Salamat sa inyo!" nginitian sila ni Haerim. Teka nga bakit ang gaan na ng mukha niya? Kanina lng ang taray niya pero ngayon biglang bumait.

Grabe ang gulo nila, nakinood sila sa amin ng GoT pero ang ingay at gulo! Sa bandang kanan ay nag-aagawan ng pwesto si Chanyeol at Baekhyun, dito kasi kami ngayon sa home theatre ng bahay.

Sa may bandang kaliwa naman ay tahimik na kumakain ng pocorn si Suho tapos yung dalawang katabi niyang si Sehun at Luhan ay nagtatapunan ng popcorn. Yung iba nandun sa kusina at inutusan kong magluto ng dinner from appetizer to dessert.

"Yung phone mo" untag ko kay Haerim, concentrate lng kasi siyang nanood pero yung phone niya.

Kinuha naman niya agad at sinagot pero lumabas siya paano naman kasi ang ingay dito.

"Ang gulo niyoooo!"

Habang naiinis ako sa kanila any sumenyas si Haerim sa akin sa pinto, hindi na siya pumasok.

"Bakit mahal, may kailangan ka ba? May masakit ba sayo?" alalang tanong ko.

"Wala, aalis muna ako susunduin ko si Aram sa airport"

"Huh? Wag na ako na lng! Maiwan ka na dito"

"Gusto kong sumama, isama mo ko" nagmamaktol siya na parang bata.

"Kung sasama ka walang maiiwan dito sa bahay. Baka kung ma pano pa tong bahay natin pag naiwan sa kanila. Dito ka na lng"

"Ah basta! Kung hindi ako kasama, hindi ka aalis!" ang hirap naman pakisamahan ng buntis! Ganito ba talaga 'to?!?!?!?!?!

"Duizhang, kami na lng ni Sehun ang susundo. Ipapatawag ko na lng ang driver ko" suggestion ni Suho, nagbabangayan kasi kami dito malapit sa pinto, narinig niya siguro.

[Sehun]

Sinabi ko na kanina na ayaw kong sumama, bakit pa kasi ako sa dami namin eh ako talaga. Nakakaasar naman, patapos n asana yung season 5 ng Game of Thrones. Tsk.

"Nakabusangot na naman yang mukha mo. Pwede namang ireplay yun"

"Psh" alam kasi ni Suho na favourite show ko yun.

Inutusan niya yung isa sa mga bodyguard na kasama namin na sunduin si Aram sa loob ng airport, may dala siyang sign board na nakasulat ang pangalan ng susunduin namin.

Maya't-maya pa ay dumating na sila.

"H-hi!" masayang bati niya sa amin. Si Suho todo ngiti, tumingin siya sa direksyon ko at tinanguan ko lng siya.

Ding

From: xxMitsuxx

Nandito na ko sa Seoul!

Parang nawala ang badtrip ko ng nagmessage siya. Mag dadalawang araw na nung huli kaming mag-usap.

To: xxMitsuxx

Glad you're safe. Have a happy stay here in Seoul =)

Bakit ba ang ingay ng cellphone ng babaeng yan? Nakakasira ng moment eh.

--

[Aram]

Bakit ba kasi ang ingay ng phone niya? At bakit pa kasi sumama yan dito? Masaya na sana na si Suho lng ang nandito eh.

"Magkatext ba kayong dalawa?" taking tanong ni Suho sa akin, papalit-palit siya ng tingin sa amin ni Sehun, sa likod siya nakaupo at sa tabi naman ako ni Suho.

"Hindi no/ No way!" we answered in unison, and besides wala naman akong number sa kanya.

"Sigurado kayo?"

"Oo, sigurado ako. Kahit tingnan mo pa, hindi siya ang ka-chat ko" pinakita ko sa kanya yung Line chatbox ko.

"Sige nga, isend mo nga yang na sa message bar mo" meron pa kasi akong unsent na message. Kaya to confirm na hindi si Sehun ang ka-chat ko ay sinend ko.

Ding

Napatingin kaming tatlo sa gawi ng cellphone ni Sehun na tumunog.

Ang naka display sa screen ay, xxMitsuxx.

No.Fucking.Way!

PPj

Marrying a Pop Star [KRIS WU]Where stories live. Discover now